"Ano bang ginawa mo at puyat na puyat ka?" Narinig kaya niya tulog na e.
Inayos ko ang higa niya at inalis ang sapatos niya. Dito pa talaga natulog.
Umupo ako sa kabilang side ng kama at tinignan siya.
Gwapo siya, Matangkad, Mayaman, May magandang katawan.
Kaso lang ang ugali. Napaka bilis niyang magpalit ng Mood.
Mabait siya ngayon mamaya masungit siya.
Kaylan ko lang siya nakilala pero parang matagal ko na siyang nakakasama.
Nakapagtataka na kahit ganoon ang ugaling ipinapakita niya sa akin himalang hindi ko siya nilalayuan.
Sa konting oras na nagkilala kami parang sapat na yung mga araw na hindi ko pa siya kilala.
"Ayaw mo bang matulog?" Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap habang naka upo ako at siya naman ay nakahiga.
"Hindi, kakagising ko lang." Mahinang sagot ko sakanya.
Dumaan pa ang ilang minuto at parang bumibigat din ang mga mata ko.
Napagpasyahan kong matulog.
Mamaya nalang siguro kami kakain.
-
Yung lalaki sa panaginip ko tumatawa siya habang papalapit sa akin.
Ang saya niya.
Papalapit siya nang papalapit.
Lalo siyang gumagwapo sa bawat ngiti niya.
Naramdaman kong umangat ang dalawang gilid ng labi ko.
Masaya ako at nakangiti ang lalaki habang lumalapit sa akin.
Malapit na siya sa akin at bumilis ang tibok ng puso ko.
Palaki ng palaki ang mga ngiti namin sa isa't isa.
Isang hakbang nalang bago siya makalapit sa akin ay biglang nag dugo ang ilong niya.
Nagulat ako dahil naka ngiti parin siya.
Unti unti siyang nanlalambot at nawawala sa paningin ko.
Gusto ko siya hawakan pero hindi ko kayang igalaw ang katawan ko.
Nanginginig ako sa takot.
Tumulo narin ang mga luha ko dahil sa nakikita kong nahihirapan na siya.
Biglang bumilis ang paligid dumami ang taong dumadaan pabilis ng pabilis ang mga lakad nila ngunit napaka bagal ng pangyayari sa aming dalawa.
Unti unti na siyang nawawala.
Umagos ng mabilis ang mga luha ko.
Pumikit ako para mapigilan ang masaganang agos ng luha galing sa mata ko.
Kaagad ko din iyong binuklat para makita kung ano na ang nangyayari sa lalaki.
Pagbukas ng mata ko ay wala ng tao sa paligid maging ang lalaki ay wala narin sa harapan ko.
Bumigat ang paghinga ko dahil habang nahihirapan akong huminga dahil sa pag iyak ko ay naninikip ang dibdib ko sa kaba.
"Danica~"
"Danica~"
"Danica~"
