"Pogi naman."
"Yuck! Feeling ka!" Lalaking to, taas ng tingin sa sarili.
"Syempre ako pa. Feeling ko nga mahal na kita e."
"Mahal lang pala e." Hahaha Mahal daw ako. Pero ano daw? Ma-ma-ma-mahal nya akoooo?! WHAT?
"Wait what?! Mahal mo ko?!"
Feeling ko namula ako sa sinabi nya.
"Joke lang. Naniwala ka naman, hindi kita type no. Wala akong magugustuhan sayo." Seryosong sabi nya.
Aba! Kapal nito kakasabi nya lang ng sexy ako tapos wala daw siyang magugustuhan sakin? Baliw na to.
"Ewan ko sayo. Okay lang, ayoko din sa mga goon e." Hahahahaha!
"Pwera nalang katawan mo. Mukhang masarap e."
"ANG MANYAK MOOOO~!" Tumalon ako kung saan ako naka upo. At dahil hindi ako nag iisip, natulak ko rin siya.
Sabay kaming bumagsak sa floor, at nasa ibabaw nya ko.
"Sorry~ Sorry talaga." Tatayo na sana ako pero napigilan nya ko.
"Okay lang, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" May pag aalalang tanong niya.
"Hindi, okay lang ako. Pasensya na talaga."
Tinulungan ko siya makatayo dahil ako naman ang may kasalanan.
"Wag na nating ituloy yung pagluluto. Magpapa deliver nalang ako." Seryoso nanaman siya.
Mood swings.
"Hindi ituloy na natin, sayang naman oh." Sabi ko sa kanya
"Wag ka ngang makulit." Inis na sabi nya, grabe talaga bilis magpalit ng mood.
"Sige."
"Pumanik ka na. Sa pangatlong kwarto sa kanan pwede ka doon."
"Osige thank you."
Nagpasalamat na ako sakanya. Papanik na sana ako pero naalala kong may dala pala akong damit sa kotse at kinuha ko muna yon bago pumanik.
Buti nalang lagi akong may dalang extra clothes kahit saan ako pumunta.
Naligo ako at nagbihis na.
Narinig kong may nag doorbell, kaya agad akong bumaba para buksan yon. Baka busy si Slaeiter, kaya ako nalang magbubukas.
Pababa na ako ng makita ko si Slaeiter na naglalakad papunta sa door.
Hindi ko na siya pinigilan. Pero sinundan ko siya, pag bukas nya ng pinto nandon yung mga pina deliver nya. Nagbayad na siya at dinala yung mga pinadeliver.
"Tulungan na kita." Sabi ko ng hindi siya naka harap sakin.
"Buti naman." Bored na sabi nya.
Humarap siya sakin, nanlaki ang mata at namula ang pisngi.
"Bakit?" Nalilitong tanong ko, humarap ako sa likod para tignan kung bakit nanlaki ang mata nya pero wala namang tao doon.
"W-wala. Dalhin mo na 'to." Pautal nyang sabi.
"Okay."
Nahatid namin sa sala ang mga pagkain. Wala si Kionne doon.
"Papanik lang ako, mag aayos muna ako." Sabi ko sakanya.
Hindi ko na siya hinintay makasagot at pumanik na.
Papanik na ako ng makasalubong ko si Kionne na pababa.
"Wow." Mahinang sambit nya.
Hindi ko nalang 'yon pinansin at tumuloy na papanik.
Pagpasok ko sa kwarto agad akong nag ayos.
Pagkatapos kong mag ayos bumaba na ulit ako.
Nasa hagdan ako ng may mga lalaking pumasok sa front door.
Baka kasama ni Slaeiter tong mga to.
"Hi." Bati ko sakanila.
"Woahhhhh!" Namilog ang mga labi nila.
"Hi miss!" Sabi ng isang lalaking matangkad
"Hi." Sabi ko naman ulit.
"Danica~!" Narinig kong tawag sa akin ni Slaeiter.
"Wait lang ha?" Pagpapa alam ko sakanila.
Pinuntahan ko si Slaeiter.
Nagulat ako sa nakita ko.
Anong ginagawa nyo?!