Chapter 10

40 5 0
                                    

Nabigla kaming dalawa sa nangyari kaya hindi namin agad nagalaw ang katawan namin.

Gusto kong gumalaw pero parang nabato ang paa ko dahil hindi ko iyo maigalaw.

Nabigla ako ng iginalaw ni Slaeiter ang kanyang mga labi.

Unti unti nyang ginagalaw ang labi nya.

Nagulat nalang ako ng naramdaman kong gumaganti na ako sa mga halik nya.

Palalim ng palalim bawat segundo ang paghalik namin sa isa't isa.

Nangangatog na ang mga tuhod ko dahil nanlalambot ako sa ginagawa namin.

Napahawak ako sa batok nya dahil kaylangan ko ng suporta kung hindi ay malalaglag ako sa semento.

Naramdaman ko ang mga kamay nya sa bewang ko.

Nag init lalo ang katawan ko sa ginawa niya.

Palalim ng palalim bawat segundo ang halik, pataas ng pataas ang mga kamay ni Slaeiter papunta sa dibdib ko.

Biglang nag ring ang phone nya kaya nagulat ako at natulak ko siya.

Nanlaki ang mata ko dahil ngayon ko palang naisip ang ginawa namin.

Nagulat siya sa biglang pag ka tulak ko sakanya.

"Im sorry" Sabay naming sabi.

Umiwas ako ng tingin, hindi nya parin sinasagot ang phone nyang kanina pa nag r'ring.

"Hindi mo ba sasagutin?" Tanong ko sakanya.

Naalala nya siguro na may nag c'call sakanya kaya nag excuse sya para sagutin iyon.

Hindi ko na siya hihintayin. Papasok na ako, nakakahiya kasi yung nangyari.

Naglakad na ako papunta sa Entrance.

"Danica, wait!" Humarap ako sa kanya.

"Mag usap muna tayo." Malumanay nyang sabi.

Tumango ako at sinundan siya.

Napunta kami sa walang taong lugar at humarap sya sa akin.

"Sorry. Hindi ko dapat gagawin yon pero natukso kasi ako." Pag papaumanhin nya.

"Hindi ko talaga intensyon yon. Wala akong intensyon halikan ka ng ganoon katagal. Pero nung gumanti ka sa mga halik ko naisip kong gus-"

"STOP!" Pagpapa tigil ko sa kanya. Hindi nya ba alam yung nakakahiya?

Tumingin ako sa kanya at nakita kong naka ngisi siya.

"Ano?" Masungit na tanong ko sakanya.

"Wala." Natatawang sagot nya.

"Punta ka sa bahay bukas." Sabi nya sa akin ng naka ngiti.

"Bakit naman ako pupunta sa bahay mo or nyo bukas?" Masungit na sabi ko.

"Wala lang. Gusto lang kitang mas makilala."

"No need. Hindi mo ko kaylangan makilala." Aba! Anong gusto nitong mangyari?!

Baka naman gusto na ako nito? Grabe napaka bilis naman.

"Kung iniisip mo na gusto kita itigil mo na. Hindi ako mag kaka gusto sa babaeng kulay Pink at Violet ang buhok tapos may 5 hikaw sa tenga."

Aba ang kapal talaga!

"Kaya pala kinukwento ako sa mga kaibigan. Sabi pa nasakin na daw lahat." Pang aasar ko sakaniya.

Namula siya at natawa ako.

"Osigena, pupunta na ako. Baka sumabog ka dyan sa sobrang pula." Natatawang pang aasar ko sakanya.

Bumalik na kami sa loob ng bar at inenjoy ang gabi.

Kaagad akong umuwi dahil agad kong na miss ang higaan ko.

Ng makauwi ako ay nilinis ko ang katawan ko.

Nung matapos ay nagbihis na ako.

Humiga ako sa kama pagkatapos ng lahat ng dapat kong gawin.

Nagbasa muna ako ng mga librong hindi ko pa nababasa.

Hanggang sa naka tulog na ako.

-

Kinabukasan ay nagising ako sa alarm.

Naghilamos at nag bihis ako ng sports bra and short.

Nag workout ako ng konti sa may Gym.

Morning rituals ko na ito.

Pawis na pawis ako ng matapos ako sa gym.

*Ding Dong*

Nagulat ako sa tunog ng doorbell namin.

Tagal na kasing hindi nagagamit non.

Sino naman kaya ang pupunta dito?

Tatayo na sana ako sa may pool area dahil after ko mag gym ay doon ako didiretso para maligo at mag relax.

Nakita kong pababa si Glycel ng hagdan kaya hinayaan ko na ang nag doorbell sya na mag bubukas non.

Anong oras kaya umuwi si Sofia?

San kaya galing si Glycel kagabi?

Mamaya ko na itatanong sa kanila.

He doesn't exist!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon