Habang nag d'drive ako ay naalala ko ang paniginip ko kagabi.
Yung lugar kung saan ako tinawagan ni Glycel at pinilit na mag bar.
Andoon daw ako at may nakatingin na lalaki sa akin.
Gwapo siya at mukhang mabait.
Naka ngiti syang lumalapit sa akin.
Malumanay ang bawat tapak niya sa lupa.
Habang ako ay naka tingin pang sakanya.
Papalapit siya ng papalapit.
Pero bigla akong nagising sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.
Ang weird naman ng panaginip ko.
Dumiretso ako sa kwarto pag uwi ko.
Naligo at nag bihis ako. Nag ayos din ako ng konti at lumabas na ng kwarto.
Tinungo ko ang kwarto ni Glycel. Yayayain ko syang mamili ng mga gamit at daily supply.
Pagbukas ko ng pintuan sa kwarto nya ay wala siya.
San nanaman kaya pumunta yon?
"Lakwatsera talaga." Sabi ko sa sarili ko.
Bumalik ako sa kwarto ko at nakita kong naka ilaw ang phone ko.
You are my sweetes downfall
I loved you first
I loved you first
May tumatawag sa akin.
Unregister?
Sinagot ko na baka kasi emergency.
"Hello?" Pagbati ko sa tumawag.
*toot toot toot*
Huh? Baliw ba yon? Biglang ibababa.
Binagsak ko ang phone ko sa kama.
Dahil wala akong magawa naisipan kong umidlip nalang.
-
Nagising ako ng 11:30
Same dream. Anong meron sa panaginip kong iyon?
Pero ang panaginip ko ngayon ay magkasama na kami nung lalaki.
Bahala na nga. Baka dahil iniisip ko iyon kaya napanaginipan ko.
Tawagan ko nalang kaya si Zass?
(Krizia Zass Aldea)
Hindi, baka busy sya. Mahal din ang bayad dahil asa Canada siya.
Si Hailey?
(Ronniella Hailey Spark)
Walang kwenta kasama yon.
Si Yesmine?
(Nicole Yesmine Cy)
Napaka daldal naman non.
Si Sophia?
Tama! Si Sophia nalang!
Hinablot ko kaagad ang cellphone ko at hinanap sa contacts ang number ni Sophia.
Pinindot ko ang Call at naghintay na sagutin niya.
"Yes im going. Pick me up at the national book store." Walang gana nyang sagot.
Magsasalita pa sana ako pero ibinaba na niya.
Bastos talaga kahit kailan.
Bakit nya alam na niyayaya ko siyang lumabas?
Talaga naman.