"Slaeiter!" Biglang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya kaya napaharap siya sa akin.
Parang nabigla siya nung nakita niya ako.
Lumapit ako sakanya. Kasama niya si Kuya James.
"Kuya James!" Tawag ko sakanya ng makalapit na ako sa kanila.
"Danica! Kamusta na?" Pagtatanong niya ng may amusement sa mukha.
"Okay lang naman, ikaw? Magkakilala pala kayo?" Tanong ko sakanya. Natawa siya at sumagot.
"Okay lang. Pinsan ko si Slaeiter, magka kilala pala kayo hindi ko alam." Sabi nya. Siya ang may ari ng bar nato kaya kilala ko siya. Madalas kami noon dito.
Napa tango nalang ako sa sinabi nya at nginitian siya.
"Wearing same color of shirt and jeans huh?" Naka ngiting sabi nya.
Napa tingin naman ako sa katabi ko na si Slaeiter. Ngayon ko lang napansin na pareho pala kami ng kulay ng damit at pants.
Naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Sophia.
Nag init ang pisngi ko dahil sa lahat ng lalaki eto pang si Slaeiter ang una kong nakitang naka black shirt at white pants.
"O-oo nga. Mahina kong sambit."
Nagpaalam ako sa kanila na babalik na ako sa table namin.
Pagkadating ko doon ay bigla akong nanlambot dahil sa sinabi ni Sophia.
Sa lahat ng lalaki sya pa. Siya pa ang una!
No! Hindi pweding magustuhan ko ang baliw na yon. Masyado syang moody! Pero okay lang yung katawan nya. Matangkad, Pogi, Mayaman naman at maganda ang katawan.
Bagay kaya kami? Okay naman ako. Maganda naman ako, sabi nya maganda naman daw ang katawan ko. Mayaman naman kami.
"Anong iniisip mo?" Tanong ni Sofia kakabalik nya lang.
"Si Slaeiter, iniisip ko kung bagay ba kami." Sagot ko sakanya.
"Sino si Slaeiter?" Si Slaeiter? May sinabi ba akong Slaei- OHHHMYYYYYGOOOOD! NOOOOO!
'WALA-AKONG-SINASABI!" Mabilis kong sabi sakanya.
"Huh? Ano?" Tanong niya.
"Wala." Mabilis kong sabi.
"Meron kaya." Narinig kong sabi ng familiar na boses sa likod ko. Kinumpirma ko kung sino yon at nakita kong naka ngisi si Slaeiter.
Wahhhhhh! Narinig kaya niya? Grabeeeeee! Hindi Pwede!
"Meron, sabi mo nga iniisip mo kung bagay ba tayo." Wahhhh! Slaeiterrrrrr! Nooooo! Hindi pwede to!
"Hindi kaya!" Pag tatanggol ko sa sarili ko.
"So ikaw si Slaeiter?" Tanong ni Sophia kay Slaeiter.
Hindiiiii! Noooooooooo! Tumayo ako at pumunta sa powder room.
Narinig ko pa silang tumawa bago ako makalayo.
NAKAKAHIYA! Nalaman pa ng lalaking unggoy na yon!
Bakit ko ba kasi iniisip yon!
Pagpasok ko sa Comfort room agad akong tumingin sa salamin.
Ang pula parin ng mukha ko.
"Tanga mo~" Sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin.
Napasapo nalang ako ng ulo ko.
Wahhhhh! Ano nalang sasabihin ni Sophia?
Nag ayos ako at sinigurado kong hindi na ako namumula bago ako lumabas ng CR.
Dumiretso ako sa table at nakitang si Sophia nalang ang nandoon.
Buti naman.
Umupo ako sa harap ni Sophia at naka ngiti sya. Mang aasar na naman to.
"Ano iniisip mo parin ba kung bagay kayo ni Slaeiter?" Mapanukso nyang tanong.
Hindi ko siya pinansin at binuksan nalang ang cellphone ko para may magawa ako.
Madami ng tao.
Humarap ako sa counter at nakita kong nandoon si Slaeiter nakatingin sakin habang naka ngiti ng mapanukso.
Niwave ko sakanya ang left hand ko na naka bad finger.
Natawa sya lalo. Iisipin nyang asar ako.
Pumunta ako sa counter para umorder ng drink.
Ng makalapit ako agad akong umorder ng Juice.
Nakita kong kasama ni Slaeiter ang mga kasama nya noon sa bahay nya.
Napatingin sila sa akin at ngumiti kaya ngumit din ako sakanila.
"Bro, siya yung kinukwento mo sa amin diba?" Sabi ng katabi nya.
Kinukwento ako ni Slaeiter sa kanila?
Nakita kong nagulat at namula si Slaeiter sa sinabi ng kasama nya.
"Huh? K-kaylan?" Pamamaang maangan niya.
"Nung isang araw. Totoo nga palang sexy, maganda, mabait at basta! Asa kaniya na lahat. Yun ang sinabi mo diba? Diba Kionne?" Pagbubuking ng kaibigan nya sakanya.
Tumingin ako kay Kionne at tumango siya ng natatawa.
Namula naman lalo ang mukha ni Slaeiter. Nakita ko ang pamumula niya kahit medyo madilim sa loob ng bar.
Natawa naman ako sa pagbubuking nila sa kaibigan nila.
Tumayo si Slaeiter at tuloy tuloy na lumabas.
Natatawang sinudan ko siya. Ako naman ang mamb'bwisit sa kaniya.
Nung maka labas kami ng bar ay naglalakad siya ng mabilis sinusundan ko sa at bumibilis din ang lakad ko para mahabol siya.
"Slaeiter~"
"Slaeiter~"
"Slaeiter~"
Inulit ulit ko lang ang pag banggit sa pangalan niya.
"Slaeiter!" Hindi ko inasahan na titigil siya at biglang haharap kaya hindi ko na control ang lakad ko at pagharap nya ang nagdikit ang mga labi namin.
