Chapter 7

42 4 0
                                    

Danica's POV.

"Anong ginagawa nyo?' Natatawang tanong ko.

Kaagad naman silang tumayo.

"Natumba lang kami. Wag kang mag isip ng iba." Inis na sabi nya.

Hahahahaha! Kadiri sila.

"Kionne!" Sabay sabay silang nagsalita kaya napa tingin ako sakanila.

"Bro! Andyan na pala kayo." Sigaw ni Kionne sa kanila.

Nakakahiya naman, papanik na muna ako.

"Slaeiter papanik na muna ako." Pagpapa alam ko sakanya.

Nakita ko syang tumango kaya naman pumanik na ako.

Pagkadating ko sa taas, humiga ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung meron akong message.

Meron nga at puro kay Glycel galing.

Tinatanong nya lang kung nasaan ako at bakit ako biglang tumakbo.

After non pinatay ko muna ang phone ko at umidlip.

Wala pang 5 minutes ng may mag bukas ng pinto.

Tinignan ko kung sino yon, nakita ko si Slaeiter na may dalang pagkain.

"Baka gusto mong kumain muna." Sabi niya at inilapag sa maliit na lamesa.

"Thank you." Nakangiting sabi ko sakanya.

"Sige. Baba na ako." Pag papaalam nya.

Nung maka alis sya Kinain ko na yung ibinigay nyang pagkain.

Pagkatapos non ay bumalik na ako sa pagpapahinga.

Bumibigat na ang mga mata ko.

Hindi ko na namalayang naka tulog na pala ako.

-

Nagising ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.

Binuksan ko ng malumanay ang mga mata ko.

Malabo pero parang may nakita akong tao na nakatalikod at sinasara ang mga bintana.

Ibinababa nya ang mga kurtina.

Kinusot ko ang mag kabilang mata ko para luminaw ang nakikita ko.

Ng luminaw na ang paningin ko nakita kong si Slaeiter ang lalaking nakatalikod.

"Slaeiter?" Paninigurado ko.

Humarap siya sa akin at nakumpirma kong siya nga iyon.

"Gising ka na pala. Good morning." Malumanay na sabi nya.

"Good morning." Sabi ko rin.

"Tara na sa baba. Nakahanda na yung pagkain." Sabi niya, himala at hindi masungit.

"Sige, susunod na ako." Sabi ko sakanya at lumabas na siya.

Bat nya naman sinara ang mga bintana?

Hay, ewan.

Nag ayos na ako para maka baba.

Konting suklay at iba pa ang ginawa ko.

Pagkatapos non ay bumaba na ako.

Pagkarating ko sa Dining room nakita ko si Slaeiter doon.

"Sana naman hindi kana nag abala." Sabi ko sakanya.

"Hindi ako nag abala. Napa sobra lang ang luto ko kaya inaya na kita, para hindi masayang." Seryosong sabi nya.

Ang bilis talaga nyang magpalit ng mood.

"Ganon ba? Osige, nakakahiya naman kung hindi ako kakainin ang tira mo." Inis kong sabi.

Pagkatapos non ay agad na akong pumanik para kuhanin ang susi ko.

Pagbaba ko nakita kong naka upo sa sofa sa sala si Slaeiter at nanunuood.

Tumingin siya sa akin.

"Napa ayos ko na nga pala yung sasakyan mo. Bugnutin ka kasi." Sabi nya sa akin at tumawa.

"Salamat." Sarcastic ko ng sagot sakanya.

Nag paalam na ako sakanya at lumabas na sa bahay nya.

Wala ba siyang kasama doon?

Hindi ba siya nalulungkot doon?

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa pero wala. Baka naiwan ko sa taas.

Nagmadali akong lumakad papunta ulit sa bahay nya at naka salubong ko siya sa pintuan.

"Nakalimutan mo engot." Mapanukso nyang sabi.

Hinablot ko sakanya ang cellphone at nag pasalamat ulit.

Bago ako maka alis ay binigyan ko siya ng dirty finger habang nakatalikod ako.

He doesn't exist!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon