Chapter 9 --- Can't Resist Him

455 16 1
                                    

"Pwedeng makisabay?"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Kobi naman ay napaangat ng tingin.

"N-Nexyl? S-Sure!"

Ngumiti siya at umupo sa tabi ko. Oh yeah. Sa tabi KO.

"Wala naman siguro kayong ibang kasama?"

"Meron."

Agad kumabog ang dibdib ko nang marinig ang boses ni Japhet.

Bigla siyang umupo sa tabi ko. Oo! Sa tabi KO rin! Pang-apatan kasi ang mesa at dalawa lang kami ni Kobi ang magkasabay. Magkaharap pa kami. So 'yong dalawang silya sa tabi ko, puro bakante.

Ano 'to? Love triangle? Sa tingin ko HATE triangle. Kasi ako, naiinis kay Japhet, tapos si Japhet, parang may grudge kay Nexyl. So HATE triangle nga. Aish. Ah ewan. Makakain na nga lang.

Masarap na sana ang pagkain ko, kaso ang halimaw sa tabi ko ay ayaw akong tigilan. Panay ba naman ang sipa niya sa paa ko sa ilalim? Naku talaga! Baka tumanda na akong dalaga sa konsumisyon!

Tumigil ako sa pagkain at pinunasan ang bibig ko. Humarap ako sa kanya.

"Ano ba talaga ang problema mo?"

"Hmm?" painosente pa siya.

"Alam mo, kung mangingistorbo ka na rin lang ng kumakain, pwede umalis ka na lang?"

Pero ang loko. Nginitian lang ako! Kaasar talaga! Argh!

Bahala ka diyang halimaw ka. Basta ako, kakain!

Buti naman at tumigil rin siya sa pangingistorbo sa akin. Napagod siguro.

**************************************

Nang matapos na akong kumain ay agad akong tumayo.

"Oh? Pasa'n ka?" tanong sa akin ni Kobi.

"Kukunin ko lang ang regalo natin." Tumingin lang ako sa dalawang nilalang na nakatingin rin sa akin. Ewan ko sa inyong dalawa. 'Yong aura kasi ni Japhet, parang kanina pa gustong lapain ang kaharap. Ewan ko nga ba kung ano ang kasalanang nagawa ng tao sa kanya. Akala ko ba magkaibigan sila? Bakit parang may grudge pa siya kay Nexyl? Mabuting tao naman 'yong isa ah? At gwapo pa. Wehehe.

Muli kong hinubad ang stiletto ko nang wala na ako sa venue. Buhangin na kasi.

"Aaahhhhhhh!" Napatili ako nang bigla na lang may bumuhat sa akin mula sa likod. Nabitawan ko tuloy 'yong stiletto sa sobrang gulat! At kahit hindi ko na harapin ang saralin, kilala ko na kung sino ang walanghiyang nanggulat sa akin. Obvious naman sa pabango! Mabuti na lang at walang tao sa paligid na nakarinig ng sigaw ko. Mapagkamalan pa akong na-rape.

My Dream Boy: Quit Playing Games with My Heart [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon