Chapter Sixteen --- Suspicion

300 8 1
                                    

"Good morning ma'am! May nag-iwan po ulit ng flowers tsaka chocolates sa'yo. Japhet daw po ang pangalan." Bungad ni Gwen sa'kin. Napangiti ako.

"Thanks Gwen." Sabi ko sabay kuha ng flowers are chocolates. Nginitian ko lang si Gwen. Nanunudyo kasi ang mga tingin niya. I mean, mga tingin nila.

Inilagay ko sa vase ang mga flowers at naupo na sa swivel chair ko. Marami pa akong dapat na asikasuhin.

Biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext.

From: Halimaw <3

            Gud mrning! Ntanggap mo ang bgay q?

 

 Napangiti ako. Agad akong nagreply.

To: Halimaw <3

            Yah. Thanks! =)

 

From: Halimaw <3

            Welcum. =) ingat! ILY!

 

Okay na sana. Kaso may ILY pa. Hindi naman kasi palaging I Love You ang meaning niyan. Pwedeng I Like You lang. Bigla tuloy akong lumungkot. Still, hindi niya pa rin sinasbi sa'kin na mahal niya ako. Hayst. Ewan! Hindi ko ito dapat na problemahin.

Trabaho muna Yukari. Wag munang iba ang iniisip.

Itinabi ko ang cellphone ko at hinarap na ang mga gawain ko. This will be along day.

********************************************

Ilang araw nang hindi tumatawag si Japhet. Hindi na rin siya nakabisita sa condo ko. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi mag-alala. Kasi naman eh! Nakakamiss kaya siya! Tss. Inunahan kong magtext sa kanya, pero sobrang tagal niyang nagreply. Tapos parang walang gana. 'Yong bang mga reply na 'okay', 'gnun ba', 'cge ingat'. I'm not used to this! Sinubukan ko rin siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Something's wrong. Tss.

Naisipan kong dumaan na lang sa Chinchin Restaurant para magpalamig ng ulo. Tsaka baka makita ko pa siya dito kasi nandito rin ang apartment niya.

Naghanap ako ng pang-isahang mesa. Mabuti na lang at mayroon sa isang sulok. Nag-order ako ng fruit shake. Dahil gusto ko  talagang magpalamig ng ulo.

Naubos ko na ang shake, pero ni anino niya hindi ko man lang nakita. Tss. Bahala na. Makaalis na nga lang. Tatawag na lang 'yon kung kailangan niya maisipan.

Natigil ako sa paglabas sa restaurant nang may pamilyar na taong nahagip ang mga mata ko. Isang taong naging rason kung bakit lately ay hindi ako matahimik. Ang taong lagi kong iniisip. At ang taong mahal ko.

I saw him. He's not alone. Nasa isang corner siya kasama ang isang babae. Nakaharap sa akin ang babae kaya kita ang mukha nito. She's pretty. Prettier than me. Taller than me. Sexier than me. She is smiling. Parang nagkukwentuhan sila.

Unti-unti kong naramdaman ang sakit na dati ko ring naramdaman. Parang bumalik ang nangyari noon. Ang sakit na nadama ko noon ay parang inulit. I just feel like crying.

Dali-dali akong lumabas sa restaurant. Nang makapasok na ako sa kotse ko, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.

I knew it. I knew it! Masasaktan lang ako.

Tinawagan ko si Kobi. Kailangan ko ng makakausap.

"Yes?"

"K-Kobi…"

"Yuka, umiiyak ka? Ano'ng nangyari?"

"I… I need you now…"

"Saan ka? Pupuntahan kita!"

"Sa condo na lang."

"Okay, sige. Pupunta na ako." Napasandal ako upuan. Kung wala siguro si Kobi, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Baka magpakalasing na lang ako kahit hindi naman ako umiinom.

Sinumulan ko nang paandarin ang kotse ko. Kailangan ko nang makalayo doon. Tuluyan nang makalayo.

********************************************

"Yuka naman! Sana nilapitan mo siya. Hindi mo pa nga alam kung sino 'yon diba? Malay mo, kaibigan lang pala." Sabi niya saka hinagod-hagod ang likod ko.

"Eh bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko? Bakit parang wala na siyang gana?"

"Yuka, may trabaho rin siya. Manager na siya ng Minulo Company diba? So busy talaga siya. Tsaka sinubukan mo ba siyang tawagan sa oras na 'yon? Please give him the benefits of the doubt. Ang nakita mo lang ay may kasama siya. Nagholding hands ba? Naghalikan ba? Nags*x ba?"

Tiningnan ko siya ng masama. "Ang brutal mo namang magsalita."

"Eh totoo naman eh! Wala kang pinanhahawakan na ebidensya na nambababae siya. Magkasama lang sila. Malay mo, partner pala sa negosyo. Ikaw talaga."

Napaisip ako. Bakit ba palaging tama na lang si Kobi? Tama nga. Agad akong nagconclude. Pinairal ko na naman ang paggiging assumer ko. Tss.

"Kausapin mo siya. Hindi naman siguro siya magsisinungaling sa'yo. Tanungin mo siya. Diba sabi niya lahat ng sasabihin niya sa'yo ay totoo? Panghawakan mo 'yon. In a relationship, trust is needed. Dahil kung wala ito, hindi magtatagal ang relasyon. Palagi na lang iyong mababalot ng jealousy at insecurity."

Napatango ako sa sinabi niya. Siguro nga dapat ko siyang tanungin. Tama si Kobi. I need to give him he benefits of doubt.

My Dream Boy: Quit Playing Games with My Heart [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon