Chapter Eighteen --- A "Special" Night

344 7 2
                                    

“Hi. Kanina pa ka?” Nakangiti niyang tanong. Umiling ako. Pero ang totoo ay isang taon na akong naghihintay dito. Okay. Exaggerated ko masyado. 15 minutes lang akong naghintay. Pero kahit na! Matagal pa rin ‘yon! Tapos ako pa ‘tong naghintay na ako ‘yong babae. Psh.

“Saan ba tayo pupunta?”

“Uhh, wala. Dito lang. Kahit saan. Mag-ikot-ikot lang tayo. Parang date. Gano’n.”

Ah… ‘Parang’ date? So hindi pala date ‘to. Nagkamali ako. Psh.

“Okay.”

Agad niya akong inakbayan. Pero tinanggal ko ang braso niya.

“Bakit?” reklamo niya. Magtatanong pa! Feeling niya talaga girlfriend niya ako no? Well, hindi pa. Dahil ngayon ko pa lang siya sasagutin. Yun ay kung talagang nanliligaw siya sa’kin.

“Basta. Baka akalain ng mga tao, girlfriend mo ako.” Kumunot ang noo niya. Parang hindi pa siya kumbinsido. Girlfriend ba talaga ang tingin niya sa’kin?

“You’re weird. May bisita ka ba ngayon?”

“Wala.”

“Eh bakit ganyan ka?”

“Wala lang.” Napailing siya. Ayokong isipin niyang kami na. Besides, he never said that he loves me. At hindi rin klaro ang panliligaw niya. Kung talagang kami, ngayong gabi pa lang ‘yon mangyayari.

Pumasok kami sa isang boutique. Ano naman ang gagawin namin dito? Hindi naman siguro siya bibili ng damit no? Marami na siyang damit. Hindi na niya kailangan ‘yon. Hindi ko na rin kailangan ‘yon. Kuntento na ako kung ano ang meron ako.

Pumunta siya sa isang section.

Wait a minute kapeng mainit! Hindi ako makapaniwala. Is this for real? Si Japhet? Bibili ng…

Ng Couple shirt?! Para kanino?

Bigla niya akong hinila.

“Pili ka diyan.”

“H-Ha?”

“Pili ka, sabi ko. Alin bang design ang gusto mo?”

Ehh? Seryoso? Para sa’min? Hindi naman kami couple ah? Well, sabi ko nga! Hindi PA!

“B-bakit ako ang pipili?”

“Syempre, ikaw ang susuot eh.”

Ehh? So para talaga sa’kin? Sure na? Wala nang bawian? Peksman?

“Ha? Ako ang susuot? Ng dalawang t-shirt?”

My Dream Boy: Quit Playing Games with My Heart [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon