Chapter Eleven --- Secret Admirer

386 9 0
                                    

"Kobi!"

"Oh bakit?" Parang walang gana niyang sagot mula sa kabilang linya.

"Wala lang. Gusto ko lang malaman mo na andito na ako sa bago kong unit. Kakalipat ko lang."

"Talaga?" Kita mo 'tong isang 'to. Biglang sumigla. Mas excited pa kasi siya kesa sa akin nang malaman niyang lilipat ako ng condo. "Magcelebrate tayo Yuka!"

"Eh? Sa susunod na lang. Alam kong may trabaho ka ngayon. Unahin mo muna ang dapat unahin. Ikaw talaga."

"Ehh? Epal neto."

"Haha. Hindi naman mawawala 'tong condo. Sa susunod na lang. Kung gusto mo sa Sunday, movue marathon tayo dito."

"Talaga Yuka-chan? Sigurado 'yan ha?"

"Oo na."

"Yehey! Sige, kailangan ko nang tapusin 'to. Bye Yuka-chan!"

"Bye.!

Hay naku, Kobi. Napaka-hyper talaga.

Inilibot ko ang paningin sa bago kong tahanan. Hindi ko mapigilang mapangiti. Pinili kong color scheme ay blue at white. Para peaceful sa mind at cool sa mata. Kaunti pa lang naman ang design. Hindi pa kasi masyadong naaayos. Di bale na. Sa susunod ko na lang dadagdagan ng design.

                                                                                                                                                                            

Nga pala. Magkaharap ang unit namin ni Nexyl. Ayos nga eh. Kaso nga, gaya ng sinabi niya noong nakaraan, he’s not always here. Ngayon nga’y wala siya dito. Na-assign kasi siya sa Panggasinan.

Pumunta ako sa laptop ko na nakalagay sa mesa sa tabi ng bintana. Mabuti na lang at kasama na sa bayad ang wifi dito. Maka-open nga ng facebook. Matagal na rin akong hindi nakakagamit ng account ko. Nagiging late na ako masyado sa mga updates ng mga kaibigan ko sa college at high school. Si Kobi lang ang may full access ako.

Pagkatapos kong maglog-in, halos bumaha ang notification ko. Bakit 100+ na ‘to? Gano’n nab a talaga karami ang friends ko? Isang buwan lang naman akong hindi nakaka-open ah? Agad kong tiningnan kung ano ang nakalagay sa notifications ko.

Ahhh… Kaya pala. Cyber meeting para sa reunion ng high school classmates ko. Oh well, wala naman kaming ganang pumunta ni Kobi. Hindi rin kasi niya gusto ng socialization. Kaya nga magkaibigan kami.

Maliban sa meeting sa reunion, wala naman palang ibang importante doon. Puro likes na lang at invitation sa facebook online games. Nah. Wala akong gana sa gano’n.

Magla-log out na sana ako nang biglang may magchat sa akin.

My Dream Boy: Quit Playing Games with My Heart [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon