Chapter Thirteen --- Moment <3

407 9 1
                                    

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng banyo niya pagkatapos kong magbihis. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama niya at may hinahawakan na parang notebook. Nang mapansin niya ako, agad niyang ibinalik sa bedside table niya ang notebook. Baka diary?

Tumayo siya at tumingin sa akin.

“Bagay naman pala sa’yo ang damit ko.”

Oh yeah. Parang rapper na nga ako. Maluwag sa akin ang damit niya. Pinahiram niya na rin ako ng pajama. Well, talaga ngang mapera siya. Dahil sa basa lahat ng gamit ko, at wala naman akong dalang kahit kusing, ibinili niya ako ng undergarments. Meron kasing boutique sa ground floor. Tinamaan ng kabaitan ata ang isang ‘to ngayon.

Iniwas ko ang tingin dahil naasiwa ako. Nagsimula na naman kasing mag-init ang pisngi ko.

“Saan ko ‘to ilalagay?” sabi ko sabay taas ng tuwalyang ginamit ko.

“Doon na lang sa banyo.”

Muli akong bumalik at sinabit ang tuwalya sa pinto. May pagkakabitan naman kasi. Paglabas ko, wala na siya sa kwarto. Sana lang, wag na siyang bumalik. De joke lang. Mabait siya ngayon, kaya kailangang maging mabait rin ako sa kanya.

Lumabas ako ng kwarto niya at dahan-dahang isinara ang pinto. Nakita ko siya sa kusina. Hindi naman kasi kalakihan ang unit, at dugtong-dugtong lang ang mga area. Well, except ng bedroom siguro.

“Marunong kang magluto?” Napatingin ako sa kanya. Hawak niya ang kaldero.

“Oo. Ano ba ang laman ng ref mo?” Bago pa siya makasagot, lumapit na ako sa refrigerator at binuksan iyon.

“May manok diyan. Marunong kang mag-adobo?”

“Syempre naman.” Kinuha ko ang manok na nakalagay sa isang tupperware sa chiller. “May mga sangkap ka ba diyan?”

“Meron. Sige. Ikaw na lang ang bahalang magluto ng hapunan.” Tumango lang ako bilang tugon. Ngayon lang talaga ‘to. Ngayon lang ‘to, swear!

Pinanood niya lang ako habang nagluluto ako. ‘Yon tuloy, naconscious ako. Baka mamaya, maging maalat na ‘tong niluluto ko. Nakapangalumbaba siya sa mesa at nakatingin lang talaga sa akin. Balak niya ba akong tunawin sa mga titig niya? Hindi nakakatuwa.

Aish. Oo na! Kakausapin ko na nga siya! Para naman kahit papa’no, mabasag ang pagka-awkward. Psh.

“A-Ano kasi…” I murmured while not looking back at him.

“Hmm?”

“S-Salamat pala sa… pagtulong mo sa akin. Wag kang mag-alala. ‘Pag humupa na ang baha, aalis kaagad ako.”

“Pa’no kung hindi humupa ang baha?” Napatingin ako sa kanya.

“Alam mo, ang nega mo.” He smiled. And again, I felt my heart leaped in my chest. “W-Wala namang bahang hindi humuhupa.”

My Dream Boy: Quit Playing Games with My Heart [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon