Chapter One --- That was long ago

1.4K 21 6
                                    

"Yukari-chan!" Patakbong pumunta si Kobi sakin. Awst! Ano na naman kaya ang kailangan neto?

"Tss. Wag ka ngang sumigaw Kobi! Abot pa hanggang Japan ang boses mo eh."

"Ehehe. Kasi naman Yuka eh, hindi mo pa sinasabi sakin na andito na pala sa Pilipinas ang high school love mo. "

"Eh ano ngayon?"

Inikot ko ang swivel chair ko patalikod sa kanya at hinarap ang tambak na folder sa mesa ko.

"Asus! Wag ka ngang engot diyan! As if naman, excited ka lang na makita siya."

Here we go again.

"Pwede ba Kobi, marami pa akong kailangang tapusin.  Wala akong panahon sa mga walang kwentang bagay. Kung ano man ang mga pinaggagagawa ko noon, noon pa yun. High school pa tayo nun. Almost nine years has passed! Kalimutan mo na yun."

Yeah, nine years ago na ang kabaliwan kong yun. Puppy love lang yun. Tama ang sinabi nilang, you can outgrow the feelings. Hindi na ako ang dating high school student na lukaret na nagkagusto sa taong yun. I don't even remember the name anymore. Ang natatandaan ko lang, tinatawag siya naming 'pretty boy' sa code name. Yan lang ang naalala ko sa kanya. Si 'pretty boy'.

"Asus... Ewan ko lang ha? Pero sabi nila, love is sweeter the second time around."

"Ahh! Pinapasakit mo lalo ang ulo ko eh! Manahimik ka nga! Tss."

Tumawa lang siya saka pumunta na sa pinto.

"Gora tayo mamaya. Treat ko."

"Tss.Pagod ako."

"Naman eh! Sige na! Onegai shimasu!" (Please.) Nagpuppy eyes pa siya.

"Ewan ko sa'yo. Sa susunod na lang."

Pagkatapos ay nagpout siya. Naman eh!

"Tss. Hindi ka talaga tumatanggap ng 'hindi' no?"

"Syempre naman! Haha. Sunduin kita mamaya ha? Babosh pretty boy-lover!"

"KOB--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil isinara na niya ang pinto ng pagkalakas-lakas. Parang naglindol lang nga eh. Hayy.

That's Kobi Lopez. Babae po yan, hindi lalaki. Her father wants to have a baby boy so he prepared that name. But before she came out of her mother's womb, her father died in a car bombing. Minalas lang at saktong napadaan ang dad niya sa lugar na yun. And for her father's tribute, she carried out the name that her father choses. Anyway, she loves the name. Well, lahat naman yata na mayroon siya ay mahal niya.

Ganyan si Kobi bilang tao. Mapagmahal sa lahat. Thankful sa lahat. Mabuting kaibigan. Only flaw niya?

Super kulit niyan! Hindi yan tumatanggap ng 'hindi' bilang sagot. At ngayong nakarating na sa kanya ang balitang nasa Pinas daw si 'pretty boy', tatalon ako sa tulay kung walang kakaibang gagawin yan. Hayst. Sana lang wag na ditong bumalik si 'pretty boy' samin. Sana. Para hindi na ako kulitin pa ni Kobi.

My Dream Boy: Quit Playing Games with My Heart [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon