Chapter 10 --- Escape

444 14 2
                                    

"Bakit natagalan ka ata?" Tumingin lang ako kay Kobi at nag-iwas ng tingin.

Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang rason kung bakit ako natagalan. Gusto ko nang sampalin ang sarili ko everytime na maalala ko ang ginawa kong katangahan. Nagpadala na naman ako. Tss.

Umupo na ako sa upuan ko.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" biglang tanong ni Nexyl.

"Ha? H-Hindi naman. Bakit?"

"Namumula ka."

Wala sa isip na napahawak ako sa pisngi ko. Saka ko lang naramdaman ang pag-iinit pisngi ko.

"Yuka?" Nagpaharap ako kay Kobi na ngayon na binigyan ako ng nagdududang tingin.

"W-Why?"

Tumaas ang isang kilay niya na para bang nanunuri. Agad kong iniwas ang tingin. Si Nexyl ay nakamasid lang sa amin.

"What exactly happened Yuka?"

"N-Nothing. Mainit lang kaya namumula ako."

"Sigurado ka?" Nag-aalalang tanong ni Neyxl saka sinipat ako.

"Yeah. I'm fine. Swear."

"No. Don't believe you." Kapwa kami napaharap kay Kobi. "Eh, nasaan na ang mga regalo?"

"A-Ando'n na sa gifts' table."

"Sino ang naglagay doon?"

Kobi naman, please stop asking me! Baka mag-freudian slips ako at masabi ko sa'yo ang totoo!

"Pwede na ba tayong umuwi, Kobi?" sa halip ay sabi ko.

"Ano ba talaga ang problema, ha Yukari? Ano ang nangyari sa'yo? Or shall I say, ano ang nangyari sa 'inyo'?"

Sabi ko na nga bang nagkakutob na siya. Sinundan-sundan pa kasi ako ng Japhet na 'yon, eh! Hindi niya talaga ako titigilan hangga't hindi ko siya ipinapa-salvage.

Sa halip na sagutin siya, hinarap ko si Nexyl.

"Sorry Nexyl ha? We need to go."

Parang nag-aalangan pero tumango na rin siya. Pasensya na. Kailangan ko lang talagang makalayo dito.

Agad kong pinuntahan si Kobi at hinila patayo.

"Teka, saan ba tayo pupunta?" Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagkaladkad sa kanya. Joke lang. Hindi ko naman siya kinaladkad. Tinangay lang.

Nakita ko si Joel na may kausap na bisita. Kailangan na kasi naming magpaalam. Parang rude naman kung aalis lang kami nang hindi nagpapaalam.

My Dream Boy: Quit Playing Games with My Heart [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon