Chapter Twelve --- Another Encounter with Him

464 12 1
                                    

“Yuka naman, eh! Ang daya ng admirer mo! Sumasakit na nag puwak ko sa kakakain ng tsokolate, hindi pa rin natin nakikita ‘yong tsokolateng naglalaman ng misteryosong pangalan niya.” Panay ang reklamo niyang si Kobi simula pa kanina. Eh, pa’no ba naman siya hindi magrereklamo, imported siguro ‘tong mga chocolates. Sobrang tamis daw sabi ni Kobi. At kanina pa siya kumakain pero hindi niya pa rin nauubos. Wala kasi akong ganang kumain kaya siya na lang ang pinakain ko. Kaso kahit siya mismo ay gusto nang sumuko.

“Wag mo na lang pilitin kung ayaw mo na.”

“No way! Kailangan nating malaman ang lalaking ‘yon!”

Hay naku. Hindi na nga kaya, pipilitin pa. Bakit ba kasi gustong-gusto niyang malaman? Ako nga hindi interesado, siya pa. Sana pabayaan na lang niya. No big deal naman para sa akin. Dahil kung talagang gusto niyang manligaw, magpapakilala siya. Hindi ‘yong gusto niya pang ako ang mag-effort!

“Tulungan mo kasi ako, Yukari.” Dinilaan niya ang daliring nabalot na ata ng chocolate.

“Ayoko. Alam mo namang hindi ako mahilig sa sweets.”

“Sige na, please? Kahit isa lang! please? Para matapos na ‘to.”

“Mamaya na. Pagbalik ko.”

Natigil siya sa pagkuha ng isa pang chocolate sa box.

“Saan ka pupunta? Iiwan mo ako dito?”

“Nagtext si Gwen. May kapartner daw namin sa negosyo na gustong makipag-meet sa akin ngayon. Importante lang daw. Sumama ka na lang sa akin palabas. Dalhin mo na lang ‘yang chocolate na kinakain mo ngayon.”

“Ehh? Andaya naman niyan! Sunday kaya! Day off mo ‘di ba? Kaya bakit kailangan mo pang makipagkita sa tanong ‘yan?”

“Hindi ko nga rin alam. Well, trabaho ‘to. Hindi ko naman kayang tanggihan. At wala naman akong ginagawa ngayon.”

“Kahit na! Tss. Ano ba ang pangalan ng kompanyang ‘yan? Para masampahan ko ng kaso.”

“Haha. Ikaw talaga. Hindi sa akin sinabi kung anong kompanya. Ibinigay lang sa akin ni Gwen ang lugar kung saan kami magkikita. Tara na.”

“Hindi sinabi? Pa’no kung bogus ‘yan? Pa’no kung hindi pala business ang gusto niyang pag-usapan niyo?” dakdak ni Kobi habang palabas kami ng unit ko.

“Hindi naman. Hindi kami tumatanggap ng meeting sa kung kaninong tao lang. Alam ‘yon ni Gwen. Nakalimutan ko lang tanungin.” Ini-lock ko na ang pinto. Nahagip ng tingin ko ang unit ni Nexyl. Sarado. Hindi pa siguro siya nakakauwi.

“Okay. Ikaw ang bahala.” Inubos na niya ang dala niyang chocolate. “Ano ba ‘yan! Wala pa ring pangalan? Psh. And malas ko naman sa pagpili ng chocolate.” Reklamo niya habang sakay kami ng elevator.

“May lima pang tira doon. Sa susunod, ubusin mo na lang.”

My Dream Boy: Quit Playing Games with My Heart [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon