Sa aking mahal, ay paalam.
Sandali lang... Bago natin bigyan ng wakas ang pagmamahalan nating wagas, bakit hindi muna natin sulyapan ang ating pinagmulan.
Kung pano tayo nagmahalan, kung pano natin inalagaan at inalalayan ang isat isa.
Mga araw na lagi tayong masaya at walang problema.
Kung pano natin labanan ng sabay ang lahat ng mga pagsubok natin sa buhay.
Na sa bawat segundo ay nagagawa nating iparamdam kung gaano natin kamahal ang isat isa.
Sa bawat araw na lumipas ay mas lalong lumalim ang ugnayan nating dalawa, na sa ngayon ay parang naligaw na.
Alam kong batid mo ang mga pagbabago na pilit tumutulak sa atin palayo.
Kung gano natin kadalas hanapin ang isat isa, ngayoy halos ayaw na natin magsama.
Noo'y nagagawa natin magpatawad ng mabilis, ngayo'y kahit maghinagpis hindi parin nito napapahupa ang galit.
Mga matatamis nating salita, ngayo'y napapalitan na ng pangungutya.
Para tayong pusang ligaw, na walang magawa kundi ang umalingawngaw.
Gumawa ng ingay dahil nagbaka sakali na hindi na muling maligaw.
Sa pag silip ko kung ano tayo noon, ay hindi ko maikumpara sa kung anong meron tayo ngayon.
Ang dating mainit na pagmamahal ay nag mistulang malamig na bahaw.
Ang dating garapon na punong puno ng pagmamahal ngayon ay naubusan na ng laman.
Batid kong iyo ring nararamdaman na ang init ng ating samahan ay nag mistulang yelo na sa kalamigan.
Hinanap ko ang kasagutan sa mga tanong na sa akin ay bumabagabag.
Mahal pa ba kita? Mahal mo pa kaya ako? Mahirap man tanggapin ang kasagutang aking natagpuan, ngunit kailangan kong tanggapin na wala na ang pagmamahal.
Na hindi na kita mahal at maaring hindi mo narin ako mahal.
Sa kabila ng lahat ay handa akong magpatawad.
Hindi ko sasabihin na ikaw ang nagkulang, dahil tanggap ko na parehas tayong kinulang.
Kinapos sa pagmamahal. Kung hihilingin mo na sa akin ay makipag hiwalay, taos sa puso ko itong ibibigay.
Relasyon natin ay wala ng patutunguhan, mas mabuti ng ito ay mauwi sa hiwalayan.
Dahil ayokong umabot pa tayo sa mas matinding sakitan.
Kaya't sa pagtatapos ng ating pagmamahalan, nais kong sabihin sa iyo na sa puso ko ay lagi kang may kalalagyan.
Na minsan sa buhay ko ikaw ay aking pinahalagahan.
Kayat sa ating pamamaalam naway iyong baunin ang mabubuting alaala na minsan sa iyo'y magpapaalala.
Na hindi lahat ng katapusan ay wakas, ito ay panimula lamang ng bagong paksa.