"Bulag-bulagan

1 0 0
                                    

"Bulag-bulagan"

Bakit palagi na lamang tayong may hinahanap?
Ngunit kahit gaano natin sikapin na hanapin ito ay nananatiling mailap.
Daig pa nang isang kislap, o kaya ng iyong pag kurap, ang pag dating at pag alis ng mga taong hindi na makatiis.
Ngunit paano mo matatagpuan kung sa ibang direksiyon ang iyong tingin?
Kahit gaano pa kalayo ang iyong marating kung ang dapat mong abutin ay hindi mo magawang lingunin?
Napatanong ka sa sarili kung tama ba ang daang hinahanap, at sa wakas ay naisipan mo naring humarap sa tinalikuran mong hinaharap.
Napagtanto mong ikaw ay naging bulag, upang makaligtaan at iwan ang taong sayo ay tapat.
Nagbulag bulagan ka sa taong akala mo'y hanggang sa wakas sayo'y magiging tapat, ngunit ang naging dulot sayo nito ay malalim na sugat.
Huwag kang mag alala dahil hindi pa huli ang lahat, bagamat ikay naging bulag pag ibig ko sayo'y mananatiling tapat at sapat upang mapagaling ang lahat ng sugat.

Spoken Poetry (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon