"Maghihintay Ako"
Mahal, kamusta ka na? ilang araw narin ang nakalipas simula ng piliin mo na tapusin ang namamagitan sa ating dalawa.
Mahal, ok ka lang ba? Sana hindi ka umiiyak gabi gabi tulad na lamang ng nakasanayan ko.
Mahal, namimiss mo rin kaya ako? Tulad na lama ng nang pagkakamiss ko sa mga init ng palad mo, yakap mo, at ng mga halik mo.
Mahal, kumakain ka ba sa tamang oras? inaalagaan mo rin ba ng mabuti ang iyong sarili? Sana naman ay hindi mo pinapabayaan ang iyong sarili dahil alam kong sakitin ka.
Pero mahal, may tanong ako. Sana'y wag mo itong masasamain dahil kailangan ko lamang ng kasagutan mula sayo.
Mahal, ganon ba ako kadaling bitawan? May kulang ba sa pamamaraan ko para maiparamdam sayo na mahal kita.
Mahal, gaano ba kahirap na ako'y iyong ipaglaban? Bakit hindi mo kinayang subukan? O di kaya ay magbakasaling ikaw ay kanilang maintindihan.
Mahal, sa iyong paglisan ang dami kong katanungan na nangangailangan ng kasagutan. Pero di bale nalang dahil mas pinili ko nalang na intindihin ka at ayokong guluhin ang iyong isipan.
Mahal, hindi ko na alam ang iisipin ko. Ang sabi mo mahal moko pero bakit ganon na lamang kadali para sayo na iwan ako?
Napakarami nang tumatakbo sa isip ko na Kahit paulit ulit ko na lamang isipin ay wala akong mahanap na sagot.
Dahil sa mga nangyari ay nalaman ko kung saan ba talaga ako pinaka natatakot, natatakot ako na baka wala na pala akong hinihintay.
Nakakatakot isipin na, baka isang araw tuluyan mo na akong kalimutan.
Pero alam ko na pati ikaw ay nahihirapan sa ating sitwasiyon, at hindi kita kinukuwesiyon sa napilli mong desisiyon ang sakin lang bigyan mo naman ako ng Kahit na konting atensiyon.
Mahal, maghihintay ako.
Wala mang kasiguraduhan.
Mag hihintay ako, Kahit na abutin pa ako ng ilang buwan, isang taon o kahit kailanman.
Mag hihintay ako, hindi dahil sa sinabi mo. Kundi dahil sa ikaw ay mahal ko.
Oo mahal ko, mag hihintay ako. Kahit abutin pa ng ilang taon, basta't hihintayin ko ang pagbabalik mo. Maghihintay Ako.