"Bashers"
Mga taong kahit ano pa ang iyong gawin, mga pagkamamali mo ay pilit paring napapansin.
Wala silang pakialam kung ano man ang iyong sabihin.
Kahit sino ka pa ay hindi nila sasantuhin.
Bata, matanda, may ngipin o wala. Bastat ikaw ay kanilang mapansin, hindi ka nila patatahimikin.
Nais nilang pabagsakin, sirain ang lahat ng tagumpay na iyong narating.
Inggit ang nagsilbing mitsa, pangungutya ang kanilang naging bala.
Kung kaya't ang pamimintas ay naging libangan na nila.
Kung ikaw man ay naging biktima nila, dapat mong matutunan ang sining ng dedma.
Kahit gaano pa katindi ang alab ng pagbatikos nila, ay hindi nila kakayanin ang daluyong ng dedma.
Dahil ang nais nila na ikaw ay magpadala sa mga paratang at pangungutya.
Ang iyong pagkainis sa kanila ay huwag mong ipagkait.
Pagpapaapekto mo ay ipagdamot mo sa kanila ng pilit.
Huwag kang bibigay sa mga masasakit nilang salita, upang ika'y hindi mapinsala.
Dedmahin mo ang mga mapanglait nilang bunganga, dahil sila ang mas mag mumukang kawawa.
Dahil sila'y naiinggit sa iyong nagagawa.
Buhay mo ay makabulahan, wag mo silang hayaan na ito ay matabunan.
Huwag masiyadong magpaapekto, hindi naman sila perpekto.
Ang mundo mo ay makulay, di tulad sa mundo nilang matamlay.
Ang bawat tao ay may kanya kanyang talento, kayat sa kanila ay huwag kang papatalo.
Kahit saan sila ay iyong matatagpuan, sarili ay tatagan dahil hindi mo sila maiiwasan.
Tibayan ang paniniwala, huwag mong hayaan na ikaw ay mapinsala.
Talentong sa iyo ay pinagkatiwala, gamitin mo itong sandata upang sila ay unti unting mawala.
Pananakit nila sayo ay huwag mo na lamang pansinin, magandang mong kinabukasan ay mas bigyan ng pansin.
Ipakita mong ikaw ay matatag, huwag kang patitinag.
Ikaw ay isa sa mga magagandang likha, wag kang papadala sa mga mapanlait nilang bunganga.
Halika na at tigilan na ang pagmumukmok.
Talento mo ay gamitin mong pampukpok, upang mga bashers mo ay masapok ng katotohanang ikaw ay hindi marupok.Tumindig ka ng tuwid, upang mga bashers mo ay mayanig. Dahil ang kabutihan kailanman sa kasamaan ay hindi padadaig.