"Hindi kami basta babae lang.."

2 0 0
                                    

"Hindi kami basta babae lang.."

Ang mga babae pakipot
Ang mga babae maarte
Ang mga babae mainipin
Ang mga babae nais na masunod lahat ng gusto
Ang mga babae masungit
Ang mga babae marunong mag tiis
Ang mga babae minsan paranoid

Yan ang tingin samin ng ibang kalalakihan.
Maari niyong sabihin na kaming mga babae ay maarte, lalo na sa mga gamit, inumin, lugar pasyalan, damit at iba pang materyal na bagay.
Maari niyo ring sabihin na kaming mga babae ay mapili, lalo na sa lalaki na aming nagugustuhan o nais namin maging kasintahan.

Pero hindi niyo maaring sabihin na kami ay basta babae lang, kapag gusto niyo kaming lokohin, kapag nasasaktan niyo kami at kapag gusto niyo na kaming iwan.

Hindi kami basta babae lang para pag sabihan kami tungkol sa aming nararamdaman o kasuotan, hindi kami basta babae lang para hindi namin kayo tanggihan manligaw, hindi kami basta babae lang para ingatan ang aming puri at puso, hindi kami basta babae lang na naghahangad na makahanap ng lalaki na uunawa at magmamahal samin.

Hindi kami basta babae lang.

Dahil kami ay tao na dapat irespeto rin ng kapwa naming tao. Kami ay tao rin na may karapatang humindi at tumanggi, kami ay tao rin na may karapatan kung ano man ang nais naming suotin, kami ay tao rin na may karapatang mangarap kung sino man ang aming mamahalin.

Hindi kami basta babae lang, kung kaya't bago ka magreklamo tungkol sa babaeng nililigawan mo isipin mo rin ang kaniyang damdamin.

Hindi mo kailangan pilitin, dahil kung nais ka niyang ibigan hindi ka na mahihirapan pa upang sa kanya ay magpapansin.
Pero, Hindi kami basta babae lang...

Spoken Poetry (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon