"GURO"

2 0 0
                                    

Guro

Siya ang nagturo ng mga kaalamang hindi naituturo ng aking mga magulang sa aming bahay.

Siya ang taong humubog sa aking pagkatao.

Tinuruan niya ako kung papano makisama sa mga kaklase ko na para ko naring pangalawang kapatid.

Siya ay isa sa mga tao na bumubuo ng pagkatao ko.

Madalas ka mang nababastos, namumura, napagtritripan at naiinsulto.

Nagkibit balikat ka sa kabila ng mga masasamang gawain ng iyong estudiyante.

Dahil nakatatak sa iyong puso"t isipan na mas mahalaga ang kanilang kinabukasan.

Naniniwala ka na kung ano man ang personalidad ng mga estudiyante mo ay hindi ito ang magdidikta kung ano ang kahihinatnan nila sa hinaharap.

Tunay kang may malasakit sa bawat estudiyante na iyong tinuturuan, hindi ka nawawalan ng pag asa sa mga estudiyante na minsan ay iyong naging problema.

Bagkus ay pilit mo silang inaabot, upang mas maintindihan mo kung bakit sila nagkakaganyan.

Naniniwala ka na ang bawat tao ay may kanya kanyang kabutihan, na walang pinanganak na masama.

Kaming lahat ay iyong inalalayan, inalagaan ng husto sa loob ng isang taon. Pinaramdam mo sa amin na mayroon kaming pangalawang ina na palagi naming masasandalan.

Kaya't sa aming pagtatapos, sayo ay aming iaalay. Salamat sa walang sawa niyong pag tuturo at pag iintindi sa amin.

Kayo ang aming inspirasyon upang maging mabuting nilalang. Kayo ang aming motibasiyon upang maabot namin ang aming pangarap. Kayo ang nagturo sa amin na ang pagsisikap ay laging may tagumpay na kapalit.

Taos pusong pasasalamat para sa lahat ng guro na iginugol ang buong buhay nila upang makapagturo.

Nais naming iparating sa inyo ang pagmamahal na maisusukli namin sa inyong kabutihan.

Guro na sa buhay ko ay hindi malilimutan, Guro na palagi kong pasasalamatan, Guro na hindi alam ang salitang pagsuko, Guro na aming minamahal. Kayo ay hindi namin makakalimutan.

Kaya't sa bawat guro na maaring maabot ng aking tula, nais kong ipaalam na isa kang espesyal na tao. Ikaw ang pangalawang ilaw at gabay. Isa ka sa mabuting likha ng maykapal.

Kaya't ang iyong kabutihan ay iyong ipalaganap, walang humpay mong pagmamahal at pag unawa ay wag sanang mawala.

Mabuhay ka aming guro, kabutihan mo kailanman ay di malilimutan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Poetry (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon