Pag limot sa nakaraan at kawalan.
May gusto akong sabihin sa buong mundo.
Ito ay isang istorya, kung saan mayroong ikaw at ako.Ito rin ay isa sa mga mundo ko na may masasayang alaala ng dating tayo.
Oo, dating tayo. Dahil wala na yung pinangako mo na ikaw lang at ako.Kaya naman, magbabalik tanaw ako hanggang sa mga huling sandali bago mo sinabi ang mga katagang "itigil na natin to."
Napaka sarap sariwain ng mga masasayang alaala, mga pangako, mga maiinit mong yakap at matatamis mong halik na nagsasabing "mahal ikaw lang at ako hanggang dulo."
Hanggang dulo na nagkaroon ng hangganan, at napunta ako sa kawalan. Dahil sa alam ko na ako yung nawalan. Nawalan ng karapatan na masabi sayo na "akala ko ba ako lang mahal?"
Nawalan ng dahilan upang sumaya ulit at matikman ang masaya at tahimik na buhay, buhay na malayo sa mga sakit at hapdi ng ating nakaraan. Na naging dahilan kung bat ako nakulong at nakatanikala sa ating mga alaala na naiwan na lamang sa kawalan.Ngunit sandali, sandali lang. Bago pa muling pumatak ang aking mga luha. Hayaan niyo munang ikwento ko sa inyo abg dating mundo namin noon na ngayon ay naging mundo ko nalang dahil nagkaroon ka na ng bago mong mundo kasama siya.
Naalala mo pa ba, kung paano tayo nagtagpong dalawa? Hindi ba't nagalit pa ako sayo noon dahil ang akala ko ay mayabang ka. Ngunit akala ko lang pala iyon, Nagkamali ako na hinusgahan kita, ngunit hindi ko pinagsisisihan nang pinili kong kilalanin ka.
Naalala mo pa ba, kung gaano tayo naging malapit sa isa't isa? Umabot pa ito sa punto na inaakala nilang kasintahan kita.
Naalala mo pa ba yung mga panahon na tinatawanan lang natin sila dahil akala talaga nila ay tayo na, hanggang sa tinanong moko "Bakit hindi nalang natin totohaning dalawa?"
Tumigil ng sandali ang pag ikot ng aking mundo dahil sa mga salitang binitawan mo. Na ang tanging naging sagot ko lang "ay bakit hindi tutal naman gusto moko at gusto narin kita" at agad kang sumagot nang "so paano ba yan? Ibig sabihin simula ngayon tayo na."Naging mabilis ang lahat para sa ating dalawa, ang pag tanggap natin sa sitwasiyon na pinasok nating dalawa, maging ang mainit na pag tanggap nila ng ipabalita mo sa lahat na "sa wakas ay nagkatotoo na, ang sinasabi nilang tayo na"
Katulad ng mga relasiyon na meron din sila, nagkaroon tayo ng napakaraming masasayang alaala na magkasama tayong dalawa.
Mga pangako na binitawan natin sa isat-isa, mga pangarap na sabay natin aabuting dalawa, at syempre Hindi mawawala jan yung mga bagay na minsan ay hindi natin napagkakasunduang dalawa.Mga tampuhan na minsan ay nauuwi sa hamunan nang paghihiwalayan ngunit nagagawa parin nating bumalik sa piling ng isat isa dahil sa inakala ko na tunay ang pagmamahalan nating dalawa.
Hindi rin nagtagal ay nangyari na, nangyari na ang pinaka kinatatakutan nating lahat, yung pagbabago niya.
Kung noon ay halos araw araw kausap mo siya, napapalitan na ito ng "next time babawi ako kapag medyo nakaluwag luwag na ako sa oras." Inintindi kita dahil alam ko naman na busy ka. Pero Bakit kelangan mo iparamdam sakin na busy ka na sa iba. Mahal may kulang ba? Kulang pa ba na binigay ko sayo yung oras na kinakailangan mo? Mali ba na hinayaan lang kita na maging busy ka sa kanya? Oo sa kanya. Diba ex mo siya? At alam ko rin na siya ang unang babae na minahal mo diba? oo hindi ako nagduda nung nalaman ko na nakakausap mo na ulit siya dahil ang sabi mo friends nalang kayo diba? Kaibigan na dapat nasasandalan at nahihingan ng tulong sa oras ng kagipitan. Pero bakit mo naman siya hinayaang tulungan ka na kalimutan ako at alisin jan sa puso mo na noon ay pwesto ko, na ngayon ay hindi ko na alam kung pwesto ko parin ba o pwesto na niya?
Mahal ano na ba? Ano na ba talaga ang nararamdaman mo? May iba na ba? Hindi sa nagbubulag bulagan ako, natatakot lang kasi akong marinig mula sayo ang sagot mo na "oo may iba na ako" ang unfair mo lang dahil hindi moko hinanda sa ganito, hindi moko binigyan ng pagkakataon para malaman ko agad yung totoo, dahil pinaasa moko sa "mahal sayo lang ako magmamahal ng ganito, pangako walang magbabago.
Pero Bakit ganito? Binigla moko ng sabihin mo na siya ang pipiliin mo at hindi ako, ano na ang nangyari? Bakit bigla nalang ako nawala sa kwento mo. Hindi ko na alam kung pang gulo lamang ba ako o rebound mo lang talaga ako?
Masiyado nang nagiging mahaba ang kwento ko eh ang ending lang naman nito ay ang pag iwan mo sakin sa gawa gawa mong mundo na may ikaw at ako, dahil ang totoo ako lang Walang ikaw. Dahil ikaw ay naiwan doon sa mundo niyo at dumayo ka lang sa mundo ko.
Hindi ako iiyak, hindi dahil sa nakalimutan ko na, kundi dahil wala na akong rason para magsayang ako ng luha sinta. Dahil tanggap ko na, tanggap ko na, na sa kanya ka sasaya. At wala naman akong hinihangad na iba kundi maging masaya ka, tanggap ko rin na Hindi na kita kayang pasayahin pa tulad ng pagpapasaya niya sayo diba?Kaya mahal, tama ka. itigil na natin itong dalawa. Dahil tinatanggal ko na, na tapos na ang palabas. na kailangan ko na harapin ang katotohanan na extra lang ako sa kwento niyong dalawa. Huwag kang magalala dahil kakayanin ko naman ito ng mag isa.
Salamat sa mga masasayang alaala na hindi ko malilimutan hanggang sa aking mga huling hininga.Huwag na kayong mabahalang dalawa, dahil hindi ko gagawin na mang gulo pa. Para saan pa? Alam ko naman na tayo'y tapos na at sumuko ka na diba? Kaya tama na.
Dito ko na wawakasan ang kwento ko, dito ko narin wawakasan ang pag tangis ng luha ko, ang pag kirot ng puso ko sa sakit na dinulot mo.Dito ko narin wawakasan ang pagkakagapos at pagkakatali ko sa ating nakaraan. At dito ko narin sisimulan ang pagpapalaya ko sa sarili ko mula sa kawalan.
Paalam na sa ating nakaraan. Bagong umaga at bagong pag asa ay nais ko nang makamtan, ng sa gayon ay mahanap ko na ulit ang dati kong sarili bago ako nakulong sa kawalan.
Kaya naman ang tanging hiling ko lang sa mga bituin mula sa kalawakan, kung may darating man, na sakin ay muling mag mamahal please lang, wag mo sana akong sasaktan at iiwan sa kawalan na nagawa ko nang kalimutan.