"Akala"
Para ito sa taong inakala ko na siya na ang makakasama ko hanggang kamatayan.
Siya na inakala kong nagmamahal sakin ng tunay ngunit siya ay nagbago at humantong ito sa wakas na hindi ko ginusto.Naalala mo pa ba yung unang beses tayong nagkausap,
Noong sinabi mo sakin na tila yata ay nahanap mo na ang matagal mo ng pinapangarap.Yung mga gabi na palagi kitang kausap, mga panahon na sinasabi ko sayo kung gaano kaganda ang mga bituin sa langit habang ako ay nakatingin sa alapaap.
Natatandaan mo pa ba ang una nating pagkikita? Ito rin ang unang beses na sinabi mo sakin ang salitang mahal kita.
Kasunod nito ang mga panahon na nanligaw ka, araw araw mong pinapatunayan sakin na seryoso ka.
Lumipas ang ilang araw at buwan sa wakas ay sinagot narin kita, labis labis ang iyong kasiyahan dahil ang babaeng minamahal mo ay pag-aari mo na.
Nagdaan ang mga araw na sobrang sweet natin sa isat isa at mga bagay na minsan ay hindi natin napagkakasunduang dalawa.
Nauwi ito sa maliit na tampuhan, parehas tayong nagpakumbaba at humingi ng kapatawaran, ngunit makalipas ang ilang araw ito ay muling nasundan.
Nagalit ako, umalis ka, hintintay kita ngunit hindi ka na muling nagpakita pa.
Hinanap kita at umasa na maayos pa natin itong dalawa, ngunit akoy nagkamali lang pala.Hanggang sa hindi ko na naramdaman pa ang pagmamahal mo, na sa bawat araw na lumipas ay unti unti nagbabago, naging maintain ang iyong ulo, at umabot pa ito sa punto na sinasaktan mo na ako.
Humingi na ako ng saklolo sa mga kaibigan ko, ngunit mas pinili ko parin na manatili sa tabi mo. Dahil naniwala ako sa sinabi mong pagbabago. Pagbabago na hindi mo naman tinupad. Ang pangako mo na ang hindi na ako saktan ay nabalewala. Ang pananakit mo sa akin bawat araw ay lumalala.
Nagmanhid mandihan ako, binalewala ko lahat ng pananakit mo, dahil nakatatak sa utak ko na mahal mo ako. Ngunit kulang parin pala ang lahat, kahit gaano ko subukang itago lahat nv hapdi at sakit.
Ngayon ay tanggap ko na, naniniwala na akong hindi na kita maisasalba pa, na hindi ko na mabubuksan ang isipan mong nagsarado na, tanggap ko na ang katotohanang palayain ka.
Gayon pa man ay nais kitang pasalamatan, dahil sayo ay natuto akong mag hintay, natuto ako na hindi lahat nang inaakala mo ay totoo at tinuruan mo ako na hindi mo dapat hayaang manalo ang puso mo dahil masasaktan ka lang sa huli.Ramdam ko ang sakit na dulot ng iyong pag iyak ng sabihin kong ayoko na, masakit man pero kelangan ko ng bumitaw dahil alam kong ito ang mas makabubuti sa ating dalawa.
Kung sakaling ikaw ay magbago ipagdadasal ko na mahanap mo rin ang taong mas magpapasaya sayo, hahanapin ko rin ang taong mas hihigit pa sayo.Ito na ang huling sandali na ikaw ang dahilan ng pag tibok ng puso ko, dahil ngayon na naumpisan ko na ang unang hakbang papalayo sayo, susubukan ko muna ulit mahalin ang sarili ko.