Chapter 8: Campus Flirt

3.4K 154 4
                                    

"Pst! Aphrodite, tignan mo 'to! Oh so yummy talaga yung anes niya oh." sabay turo dun sa anes nung lalaki. Well, andito lang naman kami sa mall. Ewan ko ba dito kay mommy at gustong gusto pagnasaan yung mga lalaking brief lang ang suot. Weeeh! Parang di ko din gusto.

Sige na aamin na 'ko, half of me gusto ko ding pagnasaan ang mga posters, kaso di ako makapag landi gawa ni mommy, gusto niya siya lang yung malandi. Ayos to si Inay ah, inagawan pa ako ng role sa story ng ate ko'ng bitter padin.

"Hay naku mommy, ewan ko sa'yo. Pupunta muna ako dun sa Teen's fashion at baka maloka ako ng maaga sa mga pinag gagawa mo." Umalis na ako at nag lakad papunta dun sa teen's fashion.

Sa di kalayuan merong mga babaeng nag titili. At dahil dakilang ususera ako tumakbo ako papunta don. Nagulat na lang ako ng madulas ako sa sahig. Di ko nabasa yung 'Wet floor' sa tabi. Hay ang tanga naman talaga. Kaya ang center of attraction tuloy ay ako.

"Ang katangahan kasi iniiwan sa bahay, hindi dinadala." Isang lalaki ang nagsalita, tumingala naman ako para makita ko siya. Si Poseidon, waaaah! Cutie patotie ng buhay ko.

Nag simula akong ma-inlove sa kanya ng makita ko yung mga pictures niya sa FB. Model at dancer siya, grabe naging stalker niya ako nun. Ang nakakakilig pa nito in-accept niya ako sa FB.

Nag-blush ako at tinitigan siyang mabuti, kahit ang sungit nito ang gwapo gwapo pa din.

"Kaya mo ba'ng tumayo? Kung kaya mo tumayo kana, di makapag linis yung janitress dahil naka harang ka dyan." Pag susungit niya, triny ko naman tumayo pero natumba lang ako. Nagulat na lang ako ng buhatin niya ako ng pang bridal style, di ko mapigilang kiligin. Si cutie patotie ko binuhat akoo. ^_^

"Salamat." Sabi ko sa kanya pero hindi niya lang ako pinansin. Nagsisitilian at nasusunudan yung mga fans niya samin.

Ipinasok niya ako sa isang van at pumasok na din siya. "Masakit pa din ba?" Tanong niya. "Dalhin na kaya kita sa Hospital?"

"Uy, concern." Pagkasabi ko nun kumunot naman yung noo niya. "Joke lang, di ka naman mabiro. Salamat ha."

"Anong salamat? You ruin my autograph signing. Ang ganda mo sana e, tanga ka lang." Magpa-hard to get ka!

"Bakit, sino ba kasi nag sabi na tulungan mo 'ko? Atsaka alam ko maganda ako." Tinarayan ko naman siya, kala niya di ko nakakalimutan yung ginawa niya sakin ng friday ha.

"Wow ha. Is that how you say thank you?" Tumingin naman siya sa kabilang bintana.

"Bingi ka ba? Or are you deaf? Kung ayaw mo ng salamat edi THANK YOU. Hiyang hiya naman ako sa'yong englishero ka." Tumingin naman siya sakin ng ma-realized niyang tama ako. Alonzo to'ng kausap mo oy.

"Ang daldal mo, daig mo pa nanay ko. Tawagin na kaya kitang nay?" Ang ganda ko naman para maging nanay mo. Napa-lip bite naman ako. "Nay!"

"Wag mo nga ako'ng tawaging nay! May pangalan ako, Dominic Aphrodite Alonzo." Tumingin ako sa bintana, bwisit na 'to gusto pa ko'ng maging nanay niya.

"Ang pangit ng pangalan mo, kasing pangit mo. Tatawagin na lang kitang Cat." Napatingin naman ako sa kanya, Hiyang hiya ako sa kapogian niya, bwisit. Bakit ba wala akong maipintas sa kanya?

"Makasabi ka ng pangit, kala mo ang ganda ng pangalan mo Percy Poseidon Montgomery. Pang bading, kadiri." Nakita ko naman yung mukha niya na parang gusto akong sapakin halikan ko siya diyan e. "Tatawagin kitang Dog, mukha ka namang askal e."

"Shut up! Di ako nakikipag biruan sa'yo, and who gave you permission to talk to me? We're not even friends." Naiinis niyang sabi, pero para siyang dalaginding na kinikilig at nag blu-blush. Tinawanan ko lang siya.

"Para ka'ng pusa na kinikilig, wag mo masyadong ipahalata. Pakihatid na lang ako sa bahay." Inutusan niya naman yung driver niya at nag drive.

Mga ilang minuto nakarating na din kami sa bahay, at aba ang inay ko nauna na'ng umuwi. Ibang klase talaga 'to si mommy, daig pa ang walang anak e. Pinaakbay ako ni Percy sa kanya, at hinawakan niya naman yung bewang ko. Dahil hindi pa din ako makalakad. Di na siya lugi, sexy ko kaya. Pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Kuya/Ate?" Sabay naming sabi, si ate kasi at si Zeus, magkasama at pinapagalitan ata ni daddy.

"What's going on here? Ate, don't tell me that you're getting married na?" Isang nakakamatay na tingin ang ibinato sakin ni ate, sa takot ko biglang umatras dila ko.

"Isa pa to'ng kapatid mo, naku nakaka-istress kayong dalawa." Pag rereklamo ni daddy sabay taas ng salamin niya.

"Huh? Di pa naman ako mag papakasal. Hinatid niya lang ako dito gawa ng nadulas ako sa mall." Pag-explain ko, nakita ko naman si Zeus na ngumiti kay Percy, yung ngiti na nakakaloko? "Ano ba kasi nangyayari dito?"

"Nahuli ko to'ng ate mo na nag dri-drive, the both of you know how sensitive I am pagdating sa kotse diba? Driving is dangerous, so please.." Tumingin si daddy samin dalawa. "Dito na kayo mag hapunan, Zeus."

Pumunta na kami sa lamesa para kumain, grabe ang tahimik ng atmosphere sa bahay na 'to. Sabagay ngayon lang nagkapogi, bukod kay daddy.

Pagkatapos namin kumain ng ni isa eh walang nagsalita nag paalaman na kami.

"Salamat ulit, dog." Sabi ko sa kanya, ngumisi naman siya. Ano ba yan ngisi lang nalaglag na panty ko, pano pa kaya kung tumawa 'to edi tuwang tuwa ang readers dahil naka hubad na 'ko.

"May kabayaran lahat ng 'to, cat. Anytime pwede kitang singilin, so be ready." Nag lakad na siya paalis, ganun din yung kuya niya.

"Hoy, ang haba ng point of view mo, baka nag kakalimutan tayo story ko 'to!" Nag crossed arms naman ang lola mo. Nag lakad na kami papasok.

"Oo na, story mo na." Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. "Should I call him, kuya?"

"Sapak ka. Di ko nga maintindihan yung lalaki na 'yun, minsan masaya, tapos biglang magiging sweet, tapos mag se-senti bigla bigla. Tapos napaka-mapag alaga, sasakay na lang ako ng sasakyan aalayayan niya pa 'ko. Ang weird niya talaga." Kinurot ko naman siya sa tagiliran, sino kaya unang ikakasal samin?

"Ganun talaga ang boys pag may gusto sa isang babae, bibigyan mo ba siya ng chance pag nanligaw siya?" Tanong ko sa kanya, napaisip naman siya.

"Saka ko na iisipin kapag nanligaw na siya."

"Pero gusto mo siya?"

"Mga tanungan mo, parang di mo 'ko kilala. I never liked a guy who is like him. Babaero kaya yun." Pumasok na kami sa loob dahil madami ng insects ang lumalanas, kagatin pa beautiful skin ko e, sayang pa derma.

Matapos ang ma dramang pag uusap namin pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Naligo na ako at nag toothbrush.

I decided to check my facebook, before sleeping. Pag ka-open na pagka-open ng fb ko nakita ko agad yung status niya.

I see her today.

Ako ba yung tinutukoy niya? Napaka-ilusyonada ko naman na ako yung tinutukoy niya. Gusto ko sana mag comment kaso wag na lang. Nag status na lang din ako.

I see him today, and I think I'm falling in love with him.

Author's Churva:

Guys thank you for the votes, I really appreciate it. More updates to come. :))

-ⓘⓝⓐⓗⓑⓐⓤⓓⓢ♥

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon