I woke up early. Hinanap ko agad siya sa tabi ko, di kasi ako maka tulog ng hindi siya nakikita kagabi kaya nag tabi kami kagabi sa bubong. Ang taray, ginawang lampshade si boyfriend.
Anyway, nag tataka pa din ako kung paano niya ako naibaba sa bubong kahapon. Nag emote-emote kasi kami, ang loko kasi ginawang the fault in our stars ang story ko. Ano ako si Hazel Churva at siya naman si Agustus Chenes? Char lang.
Pumunta ako sa kusina gawa nga ng hinahanap ko siya. Nakita ko naman siya na naka-suot ng apron. Napalunok tuloy ako ng panis na laway sa sobrang sexy niya. Minabuti ko nang mag tooth brush at mag hilamos muna bago ako humarap sa kanya.
"Good morning my sunshine! Naka-tulog ka ba ng maayos?" Tanong niya sakin, niyakap niya ako at hinalikan sa labi.
"Ang aga mo naman magising. Nagising tuloy ako kasi nawala ka sa tabi ko." Tumawa naman siya at kumalas sa pagkaka-yakap. Umupo na ako at sinimulang amuyin yung niluto niya.
"Na-malengke pa kasi ako. Gusto ko kasi pagka-gising mo masarap yung kakainin mo." Nilapag niya yung mug na may choco-milk sa tabi ko. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Paano mo nalaman na favorite ko yung choco-milk? Di ko naman sinabi sa'yo?" Umupo siya sa katapat ko'ng upuan saka kumain.
"Favorite ko din kasi yan. Eh hindi ko naman alam kung anong iniinom mo sa umaga kaya ayan na lang din." Sagot niya. "Kain kana princess."
Pagka-tapos namin kumain, agad agad na akong pumunta sa kusina para mag hugas. Nakakahiya naman kasi, siya na ang gumising sa umaga para mag luto siya pa rin ang mag huhugas.
"Please?" Sabi ko with matching pa-cute.
"Sige na nga, but be careful. Okay?" He said and I nod.
Sinimulan ko ng mag hugas ng plato, actually di talaga ako marunong. Nag mamarunong lang, kawawa naman kasi yung future husband ko e. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sakin mula sa likod. Inamoy niya pa ako sa leeg kaya nagka-electric volt ako sa buong katawan.
"Bakit amoy baby ka?" Patuloy pa din siya sa pag amoy sakin, habang nag huhugas ako. Juice colored! Tukso, layuan mo ako!
"Natural smell yan." Natapos na ako sa pag huhugas nakayakap pa din siya sakin. Humarap ako at siya naman ang inamoy ko. "Ikaw? Bakit ang bango bango mo pa din?"
"S-stop it Hera! Nakikiliti ako, tama na!" Mahina niyang sabi. Di ako tumigil sa pag amoy sa kanya, hinahalikan ko ang leeg niya pababa. Ang naughty mo Hera!
"Teaser muna yan." Tinigilan ko na ang paghalik sa leeg niya, nakita ko naman na pawis na pawis siya. "Am I that hot?"
"Aaaargh! Lalo mo akong binabaliw Hera!" Sigaw niya, tumakbo naman ako palabas ng bahay ng habulin niya ako. "Run as fast as you can!"
"You can't catch me, Zeus!" Tumakbo ako ng mabilis papunta sa garden, kala ko hindi niya ako mahuhuli. Pero nung makarating kami sa garden binuhat niya ako.
"Gotcha!" Naramdaman naman namin na umulan ng malakas pero andun pa din kami at nakatayo. Pinagmamasdan ko siya, seryo kaming nakatingin sa isa't isa. "I love you, Hera."
"I love you too, Zeus." Binaba niya ako and he kissed me torridly, I feel my tounge responding to his kisses. I hear my moan and groan, when he suddenly stop.
"Sorry, sorry.." Ngumiti ako sa kanya. At ako ang humalik sa kanya, tumingkayad ako para maabot ko ang mga labi niya. He wrapped me with his arms, and I feel his mouth responding to my kisses.
**
"I think we should stop this." Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya bumitaw ako sa yakap niya. Andito kami sa isang kwarto, balot ng kumot at magkayakap, non-stop kasi yung pag ulan.
"Ayaw mo na ba?" I asked. Ayoko pa'ng umalis sa tabi niya, gusto ko pa siyang makasama.
"Not like that. Mas lalo kasi tayong pag babawalan ng daddy mo kung hindi pa ta--Hera!" Tumakbo ako papunta sa isang kwarto papasok sana siya ng masarado ko na yung pintuan.
"Pag umuwi tayo, may posibilidad na paghiwalayin na tayo ng tuluyan ni daddy." Sigaw ko habang nakasandal sa likod ng pintuan, hindi ko tuloy mapigilang umiyak. "Ayaw mo na ba akong makasama?"
"No princess, don't misunderstand me. I want you here with me, beside me, where I can hug you and kiss you. Nahihirapan din ako, pero we need to face it. Please, we need to be strong, Hera." He explained. "Please, open the door."
Binuksan ko yung pinto at sinalubong niya ako ng yakap niya. "Di nila tayo mapag-hihiwalay, I promise that." Pinunasan niya yung luha ko gamit yung hinlalaki niya.
"Zeus, natatakot ako. Baka pag uwi na'tin pag hiwalayin nila ta--"
"Shhh. Gagawa ako ng paraan, okay? Di mangyayari yang sinasabi mo." He smiled sweetly at me. "Tara na?"
Hinintay muna namin na tumila yung ulan bago kami umalis ng bahay. Kinakabahan ako, ang bilis ng heartbeat ko. Di ko alam kung anong sasabihin ni daddy. Pero mas natatakot ako sa maari niyang gawin.
Mahal ako ni daddy, at alam ko'ng gagawa siya ng paraan para hindi na ako masaktan pa ulit.
"Are you okay?" Tanong niya sakin ng makita ko'ng nasa tapat na kami ng bahay. Lord! Please, help us!
"I'm okay, tara na?" Bumaba na kami at nag door bell. Agad agad naman kaming pinag-buksan ni Yaya Ellen na gulat na gulat.
Pagka-pasok na pagka-pasok ko andaming tao sa bahay, mga hindi ko kakilala. Tumayo si daddy at niyakap ako ng mahigpit.
"Okay ka lang ba baby? I'm so worried sick. We're have you been!" Nag aalalang sabi ni Daddy. "Ikaw! Buti at naisipan mo pa'ng ibalik ang anak ko."
"Dad, bitiwan niyo siya please?" Pagmamakaawa ko kay daddy ng kwelyuhan niya si Zeus, binitawan niya naman agad ito.
"Sorry po tito, mahal na mahal ko lang po talaga yung anak niyo. Kaya po nakuha ko'ng itakas siya sainyo. I can't live without her, please sir. Wag niyo na po'ng ilayo sakin si Hera." Tinaas ni daddy yung nahuhulog niyang salamin. "Gagawin ko po ang lahat.."
"Follow me." Naglakad si daddy papunta sa office niya at sumunod naman si Zeus.
"Ate!" Salubong ni Aphrodite. "Ate, ano buntis kana?"
"Gaga! Buntis agad kahapon lang?" Inirapan ko naman siya. Kahit kailan talaga to'ng kapatid ko ang halay e.
"Tara ate, may i-chi-chika ako sayo." Hinila niya naman ako papunta sa kwarto niya. "Upo ka ate."
Tulad nang sabi niya umupo ako sa may beanbag na katabi ng kama niya. Ano na kaya pinag uusapan nila don? Tungkol sa kasal namin? Char.
"Ate, alam mo ba yung Cece? Yung pinsan nila Percy? Ampon pala yun." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Oh? Pano niya nalaman?
"Pano mo nalaman?"
"Si Percy, siya ang nag sabi sakin. Narinig niya ata yung tita at tito niya na nag aaway tungkol dun." Tumingin siya sa akin ng seryoso. "Siya, ako at ikaw pa lang ang nakakaalam. Ingatan mo si kuya Zeus, ate."
"I will. Tell Percy thank you." nginitian ko siya, ganun din siya sakin.
"Hera?" Narinig ko siyang tinawag niya ako. Bumilis naman ang tibok ng puso 'ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Bitter meets Mr. Babaero
Teen FictionAng dalawang nasaktan nang dahil sa pag ibig. Magiging mag kasundo ba sila dahil parehas silang nasaktan. O kakamuhian ang isa't isa dahil sa pesteng pag ibig? Or it will end up a happy ending for them? A romantic and comedy love story starring Dyla...