Chapter 40: Ms. Bitter

1.6K 64 3
                                    


"Where are you Hera?" Pinipigilan ko'ng hindi gumawa ng ingay para hindi ako mahanap ni Cece dito sa pinag tataguan ko.

I can't still believe na si Cece ang may pakana ng lahat ng 'to. Dahil nakilala ko si Cece bilang isang mabait at marangal na tao. Pero lahat pala ng pinapakita niya ka-plastikan lang.

Umatras ako para makalabas sa puno na yun pero merong nag takip sa bunganga ko at hinila ako paalis dun sa lugar na yun. Gusto ko sanang gumawa ng ingay pero binulungan niya ako.

"Shhh, Don't worry it's me. Harold." Binitiwan niya na ako at agad agad kaming pumasok sa kotse niya.

"H-harold kasabwat ka ba ni Cece?" Nag tataka ko'ng tanong sa kanya. Pinatakbo niya na yung makina at nag simula ng mag drive ng may narinig kaming putok sa likod.

"Hindi. At itatakas na kita." Binilisan niya pa yung pag papatakbo hanggang sa hindi na namin nakita sa likod si Cece.

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

"She's acting weird, kaya ayun sinundan ko siya." Kwinento niya pa sakin yung mga madalas na ikinikilos ni Cece tuwing magkasama sila. And based on what I heard, Cece is totally insane. She needs someone to help her.

"May gusto ka kay Cece diba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, pero hindi niya ma-appreciate yung mga ginagawa ko para sa kanya."

"Kailangan niya ng kasama ngayon, Harold. And I'm pretty sure na hindi ka niya sasaktan dahil alam ko'ng ikaw lang ang mag papakalma sa kanya. Kausapin mo siya, Harold please." Pag mamakaawa ko sa kanya. Tumingin siya sakin at pinahinto yung kotse. Lalabas na sana siya ng pigilan ko siya. "Iparamdam mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal."

Ako na ang nag maneho at excited na excited na talaga akong umuwi. May nakasalubong akong ambulansya at fire trucks na pabalik dun sa pinanggalingan ko. Gusto ko sana bumalik pero baka mahuli ulit ako ni Cece.

Bumaba agad ako para pumasok sa loob ng bahay. Agad naman akong sinalubong ni daddy at ni Mama. Pati din si Mommy Rhea, Poseidon, at Tito John nasa bahay at parang galing lang din sa iyak.

"I'm glad you're okay sweetheart. Kala ko talaga mawawalan ako ng anak." Daddy cried and he hug me tight. Mama also cried. Bumitaw ako sa pagkaka-yakap at hinanap si Zeus.

"Mommy, asan po si Zeus?" Masaya ko'ng tanong sa kanya, she's about to answer me when her phone rang.

"Yes?" Sagot niya over na phone. Ang tagal niyang nakipag-usap at halos mangilid na yung mga luha niya ng binaba niya yung phone. Bigla na lang siyang natumba sa sahig at umiyak ng malakas.

Lumapit ako, hinawakan naman ni Mommy yung braso ko ng mahigpit bago ako niyakap. "My son is dead." Hagulhol niyang sabi, para akong nabingi at the same time nabulag.

Yung mga luha ko di ko na napigilan at tuluyan na silang bumagsak. Yung puso ko parang tinusok tusok ng karayom, mas masakit pa 'to sa thought na mamatay na ako.

"Zeus!" Sigaw ko. Tumayo ako at napag-susuntok yung pader agad naman akong pinigilan nila daddy at niyakap. "Zeus!"

Tanggap ko na ako na yung mamatay ngayong araw na 'to, pero yung narinig ko'ng patay na si Zeus parang gusto ko na din mag pakamatay. "Hindi! Hindi siya patay! At maniniwala lang ako pag nakita ko yung katawan niya!" Lumabas ako at sumakay ulit sa sasakyan. Gusto ko ng pruweba, gusto ko ng patunay na iniwan niya na talaga ako.

"Ate!" Sumakay din si Aphrodite sa loob ng sasakyan. "Sa Mary's Hospital." Nag drive na ako papunta dun sa hospital na sinabi ni Aphrodite.

"Paano?" Di ko napigilang humagulhol habang nag-dri-drive.

"Nang makita nya yung video, nag wala siya at lumabas ng bahay. Hahanapin ka daw niya at hindi daw siya titigil hangga't hindi ka daw niya nakikita." Habang sinasabi yun ni Aphrodite parang gusto ko'ng sakalin ang sarili ko. Kasi dahil sakin kaya siya namatay.

"Alam niya ba?"

"Oo. Sinabi ko sa kanya nung bago siya umalis para hanapin ka." Hininto ko yung kotse at napa-face palm.

"Zeus!" Sigaw ko ulit.

Nag palit kami ng pwesto at si Aphrodite ang nag drive. Nakaka-pagod umiyak, habang umiiyak parang pinupunit yung puso ko. Bakit pa kasi siya umalis ng bahay? Bakit kasi hindi niya na lang hinayaan na mamatay ako?

Hindi ako makababa ng sasakyan kasi nanlalambot yung mga tuhod ko at parang gusto ko'ng matumba. Inalalayan na lang ako ni Aphrodite hanggang sa makarating kami dun sa kwarto kung saan nandun yung katawan ni Zeus.

"Sino po sainyo si Hera Alonzo?" Tanong ng isang lalaking naka-jacket.

"Ako po, asan po siya?" Binuksan niya yung pinto at pumasok kami ni Aphrodite, nakita ko kaagad yung katawan na balot ng tela.

"Ako po si Inspector Guevarra. At ayon po sa nangyari, Car accident po yung kaso niya. Gusto niyo po ba'ng makita?" Tinungo ko yung ulo ko at dahan dahan niyang tinanggal yung tela kung saan nakita ko ang sunog na mukha ng isang bangkay.

"Sir? Sigurado po ba kayo na si Zeus Alvarez ya'ng nakuha niyo?" My sister asked. May inilabas na plastic yung inspector at iniabot sakin.

"Yan po ang nakuha namin sa kamay ng bangkay. Sa kanya po ba yan?" Natumba ako sa kinatatayuan ko ng marecognize ko yung singsing na yun. Yun yung sing sing na binigay ko kay Zeus ng pasko.

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon