Chapter 29: Mr. Babaero

2.1K 78 1
                                    


Maaga akong pumasok ngayon gawa ng ngayon yung English Quiz Bee. Ako kasi yung napili ni Ma'am Biglang-awa gawa nang ako yung nag rank 1 sa sec. 1 bago ako lumipat sa section 2.

"Mom, see you later!" I kissed mom's forehead before I headed to our garage. Birthday ngayon ni mommy at gusto niyang mag dinner kasama si Hera mamaya.

Nag-drive na ako papunta sa school at habang nag dri-drive binuksan ko yung radio at nasakto sa favorite song namin ni Hera na All of me ni John Legend. Na-feel ko kasi yung bawat line ng kanta, at favorite siya ni Hera kaya favorite ko na din.

Sinalpak ko yung headset ko at nag-voice record. Gawain ko kasi 'to pag umaga akong umaalis.

"Hi princess! Wake up! Wake up!" Natatawa ko'ng sabi. "Gising na princess, tama na yung tulog. Kapag hindi ka pa gumising. Mapipilitan akong gisingin ka sa mga halik ko. Hahaha, I love you! I love you! At hindi ako nag sasawang mahalin ka at gisingin ka araw araw." I click stop then send, nag send naman agad yung voice message ko.

Nag park na ako sa parking lot ng school saka bumaba. Habang nag lalakad ako, natanaw ko na agad yung hibla ng buhok nyang may pagka-blonde. Napa-ngiti naman ako at dahan dahang lumapit.

Naka-suot siya ng officer uniform, yung parang pang military? Pero T-shirt yung pang ibabaw niya. Mas madali kasi siya'ng marerecognize ng studyante pag ganyan yung suot niya.

Nakita ko'ng dinukot niya yung phone niya at napa-ngiti. Habang naka-talikod siya, dahan dahan ko'ng tinakluban yung mga mata niya gamit yung mga kamay ko.

"My Mr. Perfect." Nilagay niya yung phone niya sa bulsa niya bago hawakan yung kamay ko at humarap sakin.

"Bakit kinikilig si Mrs. Perfect? Sinong nag papakilig sa maganda at sexy ko'ng future wife?" Habang sinasabi ko yun nilalapit ko yung ilong ko sa mga ilong niya at pinag kis-kis ito dahilan ng pag pula ng mukha niya.

"Ang aga aga mo'ng mag pakilig. My gosh, baog na ata ako." Tumawa naman kami parehas. Hahalikan ko na sana siya ng may tumawag sa pangalan ko.

"Zeus! Andito kana pala, mamaya na kayo mag labing-labing ni Ms. Alonzo pag nag champion ka." Si Ma'am Biglang-awa, nahiya naman bigla si Hera kaya napa-kagat labi siya. Damn! She's so sexy. "Ms. Alonzo, pwede ko ba'ng mahiram si Mr. Alvarez saglit?"

"Sure ma'am!" Masayang sabi niya. Hinalikan ko na lang muna siya sa noo bago tuluyang sumunod kay Ms. Biglang-awa.

Naglakad na kami papunta sa covered court, madaming sinasabi si Ma'am. Tungkol sa mga strategies kuno, at kung ano ano pa. Pero di ko maintindihan dahil sa kaba na nararamdaman ko.

I never experience like this before, I won competitions a hundred times, pero hindi ako kinabahan ng ganito. You need to be comfortable, manunuod si Hera. Ano hahayaan mo na lang na mapahiya ka?

The quizmaster announced the participant's name. Including mine, nag-inhale exhale na din ako pagka-dating ko sa puwesto ko.

Lumingon lingon ako sa paligid, medyo madaming tao because of other schools supporting their candidates. Pero mas madaming taga-San Nicholas.

"GO ZEUS! GO! GO! GO PAPA ZEUS!" Sabi nung mga cheer dancers. Yung school lang namin yung may ganyan, kasi mga fans ko ya'ng mga yan. Nag tilian naman yung iba pa'ng babae.

"Tabi! Dun ka na lang sa kabila!" Narinig ko yung boses ni Hera kaya napa-lingon ako sa bandang kanan ko. Bigla naman kumalma yung puso ko. "Relax, I know you can do it. Kahit na matalo ka, boyfriend pa rin kita!"

Sigaw niya, agad naman tuloy nairita yung mga fans ko. Yung mga ZeRanians naman kinilig, pati ako. Naramdaman ko nga din ang pag init ng mukha ko e.

"Okay, Let's start this." The Quiz Master announced. All of the participants focused and listen carefully to the questions.

Lamangan lang ang nangyari sa Quiz Bee. Pero kahit na ganun, ako pa din ang nag champion, di naging mahirap sakin yung mga tanong dahil masusi ko to'ng pinag aralan.

"That's my boy! I'm so proud of you, Zeus!" Pagka-baba na pagka-baba ko ng stage sinalubong agad ako ng yakap ni Hera. "Ang galing mo talaga!"

"Thank you, di ko 'to magagawa kung hindi dahil sa'yo. Thank you, My sunshine." Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

"Congrats, bro! You won again!" Salubong ni Greg, na naka-akbay kay Lily.

"What's the meaning of this?" Tanong ko kay Greg, at tinignan ng masama.

"Hayaan mo na sila, tara na! Alam ko'ng gutom ka kaya binili na kita ng pagkain." Hinila niya na ako palabas ng covered court.

Dinala ako ni Hera sa likod ng Canteen, may puno dun at dun kami umakyat saka kumain ng binili niyang pagkain.

"Kain ka lang, Twinkle Star. Alam ko'ng nagutom ka kaka-titig sakin este sa kaka-isip pala." Pinisil ko naman yung mga ilong niya. Sinubuan niya naman ako ng kanin na may ulam.

"Kumain ka din, makita nga lang kitang kumain busog na ako e." Sinubuan ko din siya ng pagkain.

"HOY HERA! BUMABA KA DYAN! Kapal talaga nang mukha mo nuh? Boyfriend ko ya'ng kinakalantari mo! Di pa kami break kaya wala ka'ng karapatan na landiin siya." Sigaw ni Trina mula sa ilalim ng puno. Di ko alam kung anong ipinuputok ng budhi nitong babaeng 'to, malinaw pa sa 20/20 na vision ko'ng niloko niya ako ngayon sasabihin niya di pa kami break? Di ako tanga na hahayaan na lokohin lang niya.

Ibabato sana ni Hera yung tinidor na hawak niya kay Trina pero pinigilan ko siya. At tinignan mata sa mata.

"Hayaan mo na yan, magsasawa din yan." Bumalik na kami sa pagkain at kunwari di napansin si Trina. Bigla naman dumating si Troy kaya biglang nag salubong yung kilay ko.

May kasalanan pa to'ng hayupak na 'to sakin e, ba-baba na sana ako ng pigilan ako ni Hera at tinignan mata sa mata.

"Hayaan mo ya'ng dalawang kambal na yan. Parehas walang magawa." At bumalik na ulit kami sa pagkain.

"Trina! I said stop! Hayaan mo na sil--"

"No Troy! Humanda ka sakin babae ka!" Kumuha ng bato si Trina at akmang ibabato sa amin pero pinigilan ni Troy.

"Ang sarap ng pagkain noh? Hahahaha." Tumawa kami, kahit pang aasar lang yung ginawa namin. "Tignan mo, yung kambal yung nag aaway."

"Trina! Saktan mo na lahat! Wag lang si Hera!" Sigaw naman ni Troy, nainis ako pero binalewala ko lang dahil alam ko'ng hindi na siya makaka-lapit kay Hera. Hinila na ni Troy si Trina paalis.

"Mga kulang ba yun sa atensyon? Grabe lang. Sa'tin pa nag papansin. Papansinin ko na sana gamit yung tinidor ko e." Tumawa naman siya. "Buti ikaw napigilan mo?"

"Oo, wag lang talaga siya lalapit at babangasan ko talaga yung mukha niya."

"Hayaan na lang natin, mag sasawa din yan at hahanap ng ibang papansin sa kanila." Sinandal ni Hera yung ulo niya sa balikat ko nang may biglang tumawag samin.

"Zeus! Hera! Andito din pala kayo? Kala ko kami lang nakaka-alam. Pwede dito na lang din kami?" Tanong ni Cece, tinungo ko lang yung ulo ko at nag thumbs up. "We need to tell you something important."

"Don't tell me you're pregnant, Celine, at si Harold ang ama." Mahinahon ko'ng sabi agad naman silang nagka tinginan at parang nandiri sa isa't isa.

"NO WAY!" Sabay nilang sabi, natawa naman kami ni Hera.

"It's not about me. It's about Lily's lovelife. Meron na--"

"Let me tell them, Cece. Masyado ka'ng exited. Sagutin mo na lang kasi ya'ng si Harold nang may boyfriend kana din." Lily interrupt. "Anyway, sorry kung ngayon ko lang nasabi. Nilanghap sarap ko pa kasi ang pagiging taken. So, meet my boyfriend, Greg."

"Pero paano?" Nag tatakang tanong ni Hera.

"Na-love at first sight ang lola mo!" We burst out laughing ng sinabi yun ni Cece, binato naman ni Lily ng someting si Cece.

"Kala ko pati puso mo tigang na girl. Naloka ako bigla. Hoy! Greg, wag mo'ng papaiyakin ya'ng bestfriend ko ako talaga makakalaban mo. Swear!" Pag babanta ni Hera kay Greg, na halata naman na seryoso kay Lily.

"Aye! Aye! Officer!" Sumaludo pa kay Hera bago hinalikan si Lily sa pisngi. Agad naman itong namula.

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon