Napag-desisyunan namin ang mag biking at mag mountain climbing. Sanay na ako dito, pero si Hera first time niya pa lang. At sa sobrang OA ko, dala ko ang lahat ng first aid kit, gadget, gears at kung ano ano pa.
"Yehee! This is fun!" Sigaw ni Cece at nag tatatalon pa. Si Cece ang mag dri-drive ng kotse para sa mga gamit at pagkain na dadalhin namin, si Lily kasama naming mag bi-bike.
"Anyenye! Mag drive kana, boset!" Sigaw ni Lily kay Cece sabay irap. Nag make face naman si Cece at sumakay na sa kotse niyang open air.
"Are you sure na marunong ka?" Tanong ko kay Hera habang chinicheck kung kumpleto na siya sa gamit.
"Yes, I am. May experience na ako dito, don't worry." Huminga siya ng malalim at ngumiti sakin. "I'll be safe and as long as I'm with you there's nothing to worry about. Right?"
"Oo, per--"
"Let's make this day memorable, okay?" I nod. Sumakay na siya sa bike niya at ganun din ako.
Sa kalsada muna kami dadaan at pagkarating sa bundok na aakyatin namin iiwan na namin yung bike. Sasama na din samin si Cece, pag karating namin. Nakakatakot lang sa dadaanan namin eh katulad siya ng sa baguio. Kaya kinakabahan ako.
Di ako prepared na may video recorder pa lang naka-ready sa kotse ni Cece at nirerecord ang bawat galaw namin.
Nakita ko yung kamay ni Hera na inaabot ako kaya hinawakan ko ito at patuloy pa din kami sa pag bi-bike.
"Heeeeeey!" Sigaw niya, at tumingin sakin. "He's mineeee!"
"She's ONLY mine!" Sigaw ko din. For sure narecord yung ka-sweetan namin.
Nakita ko naman si Lily na sumenyas na kakaliwa kami kaya binitawan ko si Hera at nag bike na ulit.
Huminto kami nung makita namin yung naka-orange na tour guide. Dalawa sila, yung isa mag babantay ng gamit namin yung isa sasama samin at mag tuturo ng daan.
Kumuha na kami ng kanya- kanyang gamit. At nag simula ng Umakyat, pinapauna ko si Hera. Para kahit malaglag o madulas siya eh masasalo ko siya.
"Pagod kana, princess?" Tanong ko sa kanya habang hinahawi yung mga tangkay ng puno. "You need some water?" She nods.
"Guys! Selfieeee!" Sigaw ni Cece at nag picture gamit yung Iphone niya na nakasalpak sa Monopod. "Isa pa, isa pa!"
Nag pose kami. Di lang isang shot yung ginawa niya 22 shots, posa! Nangalay yung panga ko. "Tayo din mag selfie." Nilabas ni Hera yung phone niya at sinet sa front cam at nag wacky kami.
Pagkatapos ng walang humpay na pag se-selfie eh narating na namin yung tuktok ng bundok. Tinayo namin ni kuya tour guide yung dalawang tent. Dito din kasi kami matutulog. Ewan ko ba dito kay Cece at Lily, ang daming alam. Eh kung andun lang kami sa bahay edi sana panatag ang loob ko.
"Twinkle Star!" Tinawag ako ni Hera kaya lumapit ako. "Kain ka." Sinubuan niya ako ng kanin at ulam gamit yung kamay niya.
"Thank you." Bumalik na ako sa pag aayos ng gamit. Pansin ko naman na parang andami ng dala ng mga girls, maglalayas ba to'ng mga 'to? Samantalang ang dala ko lang eh isang backpack and the rest yung mga pangkaligtasan na.
Magdidilim na kaya si kuya tour guide nag ready ng bonfire. Kami naman ni Hera naka upo sa foldable Chair at pinag mamasdan ang sunset na palubog na.
"Baka bumigay to'ng upuan." Naka kandong kasi siya sakin at nakasandal yung ulo niya sa balikat ko.
"Okay lang. Ikaw naman unang mahuhulog e." Sagot niya, niyakap ko siya ng mas mahigpit. "Sana ganito na lang tayo palagi noh? Yung walang problema, masaya.."
"Gusto ko nga pag nag pakasal tayo sa bundok o tabing dagat tayo magka-bahay. Para stress-free."
"Kahapon anak, ngayon naman pag papakasal at bahay na ang iniisip mo. May plano kana ba?" I laugh, kagabi pa kasi yung mga ganitong topic. Imbis na mag luksa kami at matakot dahil halloween parang naging Valentines tuloy ang ganap. "Kahit saan tayo, basta kasama kita at yung anim nating anak."
"I love you." Bulong ko sa tenga niya, tumingin siya sakin at ngumiti.
"I love you too, Zeus." I kissed her, and her mouth responding to my kisses. We stop and parted for air.
Nakaupo kami sa tapat ng bonfire at nag fri-fried marshmallow. Ang lamig dito sa bundok kaya hindi kami mapag hiwalay ni Hera.
"Lily, yakapin mo nga ako," Cece said. Lumingon naman sa kanya si Lily at galit na naman ang aura.
"Tigilan mo ako at baka sapakin kita. Ayun! Yakapin mo yung puno." Galit pero mahinang sabi nito.
"Ang hard mo kay Cece, Ly. Mamaya kayo magkatuluyan niyan." Hera joked, natawa naman kaming dalawa pero si Lily hinawakan yung stick..
"Hera, matulis 'to." Habang pinapakita yung tulis ng stick, nag peace sign naman si Hera. "Porket may lovelife kana at ako wala pa, ganyan kana?"
"Walang papatol sa'yo kasi ang sungit mo, daig mo pa ang matandang menopause na. Pero pinag tiya-tiyagaan ka pa din nitong si Celine." Panenermon ni Hera.
Di ko masyadong kilala si Lily. Pero sa mahabang araw na nagkakasama kami, nalaman ko'ng di niya kayang mag tampo o magalit kay Hera, kahit na anong sabihin nito.
"Bruhilda kasi 'to e. Pero para sa'yo, ka-kaibiganin ko na to'ng pinsan ni Anabelle." Mahinahon niyang sabi, napangiti nito si Hera.
"So, pwede na'ng yumakap?" Cece asked with excitedness on her voice. Tinungo naman ni Lily yung ulo niya para sabihing oo kaya agad agad itong niyakap ni Cece.
"Ayeeee! Kinikilig ako! LiCe" Kinikilig na sabi ni Hera, tinutok naman ni Lily sakanya yung stick kaya napatigil 'to sa pagtawa.
"Shutang inerns, ginawa mo pa kaming kuto! Hmp." Natawa naman kaming lahat.
I never experience a happiness like this. Nag bi-bike ako mag isa,nag-mo-mountain climbing mag isa, nag-ca-camping mag isa. Pero, simula nung dumating siya sa buhay ko nakalimutan ko na ang salitang mag isa.
BINABASA MO ANG
Ms. Bitter meets Mr. Babaero
أدب المراهقينAng dalawang nasaktan nang dahil sa pag ibig. Magiging mag kasundo ba sila dahil parehas silang nasaktan. O kakamuhian ang isa't isa dahil sa pesteng pag ibig? Or it will end up a happy ending for them? A romantic and comedy love story starring Dyla...