"Okay, one, two and three!" Sigaw ng photographer dun sa model. Sinama kasi ako ni Mama dahil daw may pumalit na kay Zeus.
"Ano sa tingin mo?" Tanong sakin ni Mama, habang masusing pinag mamasdan yung katawan nung model.
"He's physically fit. Ayos lang." I smiled at her. "What's his name again?"
"Lucusiere Montalban." Natapos na yung photo shoot kaya kinausap muna ni Mama yung photographer kaya kinailangan niya akong iwan.
"Hi." The newly model said, pero dahil dakilang isnabera ako hindi ko siya pinansin. Manigas siya! "You're not pretty, so stop acting like you are." Ano daw? Mag re-react pa sana ako ng umalis na siya sa harapan ko.
"You jerk!" Sigaw ko sa kanya, nilingon niya ako at kinindatan. Ugh, the nerve of this guy!
"Hera!" May sumigaw mula sa likudan ko kaya hinarap ko ito. "How's the cake?" Si Trina, at infairness sa kanya dahil ang bait niya ngayon ha.
"Okay lang. Thank you." I smiled at her and she smile back. Ngayon ko lang na-appreciate ang kagandahan niya, dati kasi mukha siyang demonyita sa paningin ko.
"Bakit mukha ka'ng inis na inis?" She asked. Nakaka-istress talaga yung lalaking yun, ano daw? Hindi daw ako pretty? Kapal ng mukha, mabubuntis ba ako ng ganito ka-aga kung hindi ako maganda.
"Wala, yung bagong model kasi ang yabang kala mo ang gwapo para sabihan akong hindi maganda." Natawa naman siya.
"He reminds me of Zeus, gosh I miss him so much." Hindi ako nainis sa kanya nung sabihin niya yun. "Hera, pwede ibalato mo na lang sakin si Luc?"
"Sige na, iyo na." As if naman na ipag-papalit ko si Zeus. Masaya siyang umalis at kinikilig kilig pa.
Pumunta muna ako sa office ni Daddy para sana sabay sabay na kami nila Mama umuwi mamaya after ng conference ni Daddy. Pumasok ako at nakita ko ang malaking picture ni Zeus na naka-post pa din sa office ni Daddy. Brief lang ang suot niya at halos kilig-kiligin ako. Yung abs niya napaka-perfect para sa isang teen ager.
Tinignan ko yung kamay niya at natuwa ako ng makita ko yung sing-sing niya na naka suot sa daliri niya. Magagalit talaga ako sa'yo pag tinanggal mo ito. Naalala ko pa yung sinabi ko'ng yun sa kanya.
"Hi macho ko'ng boyfriend. Alam mo ba na may pumalit na sayo? Kala mo ang gwapo hindi naman, atsaka yung mga muscles niya apat lang unlike yours na anim." Hinawakan ko pa yung abs niya. "Lahat ata ng staff dito nakalimutan kana, pero ako hindi kita kinalimutan ikaw lang ang pinaka-pogi, pinaka-macho at pinaka-mapagmahal na boyfriend para sakin. Hindi yun magbabago Twinkle Star."
"How sweet girlfriend. Sana girlfriend na lang kita." Lumingon ako at tinaasan siya ng kilay. Tingin niya sakin pumapatol sa asong uror?
"Sa yabang mo'ng yan, ni patay ko'ng kuko never magiging attracted sa'yo." He smirked at lumapit sakin.
"You're cute." Ang gulo nito, sabi niya hindi ako pretty ngayon naman I'm cute, letche.
"Alam mo i-reserved mo na lang yung mga pambobola mo sa mga uto-utong babae diyan, for sure qo-qouta ka pa." Tinuro ko yung malaking picture ni Zeus. Mainggit siya. "Siya lang ang mamahalin ko hanggang mamatay ako."
"Oh really? Ito na ba yung sinasabi nilang forever? Oh my gosh." Habang sinasabi niya yun uma-arte pa siya. I roll my eyes heavenwards, kung wala lang akong patience malamang naihagis ko na kanina pa sa mukha niya yung buddha na nasa lamesa ni Daddy.
"Bakit ka ba nandito sa office ni Daddy?" Medyo mahinahon ko'ng tanong ko sa kanya. Ayokong siya ang maging dahilan ng pag lag-lag ng anak ko sa sinapupunan ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Bitter meets Mr. Babaero
Ficção AdolescenteAng dalawang nasaktan nang dahil sa pag ibig. Magiging mag kasundo ba sila dahil parehas silang nasaktan. O kakamuhian ang isa't isa dahil sa pesteng pag ibig? Or it will end up a happy ending for them? A romantic and comedy love story starring Dyla...