Chapter 37: Sister's instincts.

1.5K 70 0
                                    

“Talaga ate!? Magiging tita na ako? Sabi na nga ba e, wala pa'ng palya ang mga instincts ko. Buntis ka talaga at pinag lilihian mo ako." We laugh at pinalo niya naman ako ng mahina sa braso. “Na sabi mo na ba kanila Dad?"

“Hindi pa e. Pero, please naman, i-packing tape mo muna ya’ng bunganga mo. Gusto ko ako ang mag sabi sa kanila. Okay?"

“Okay, eh kay kuya Zeus?" I asked. Pero bigla naman siyang nalungkot. “Oh bakit ganyan ang hitsura mo? Break na ba kayo?"

“Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Pero sa tingin mo, tatanggapin niya kaya yung baby namin?" Hinawakan ko yung dalawang kamay niya at ngumiti.

“Mahal na mahal ka ni kuya Zeus, at imposibleng hindi niya tanggapin yung bata dahil siya ang ama niyan. Subukan lang talaga ni kuya takasan ang responsibilidad niya sa inyo, magagamit ko talaga sa kanya pagiging black belter ko!" Natawa naman si ate at pinisil yung pisngi ko.

“Thank you. Sige, pupuntahan ko siya ngayon at sasabihin ko sa kanya." Kinuha niya yung bag niya at nag lakad na paalis.

“Bye ate! Mag ingat ka ha!" Sigaw ko saka nag-wave, nag wave din siya pabalik. Umupo muna ako sa sofa kasi hinihintay ko si Percy dahil mag mo-movie marathon kami dito sa bahay. Bawal pa yung ibang klaseng marathon at baka kalbuhin ako ng ate ko. I chuckled.

Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng tubig ng biglang malaglag yung favorite na baso ni ate. Bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko. Mygod, sana walang mangyaring masama kay ate.

“Hi Cat--okay ka lang?" Tinulungan ako ni Percy na linisin yung nabasag na baso. “May sugat ka ba?"

“I’m fine. Nasaan si kuya Zeus?" I asked. Kailangan ko siyang maka-usap ngayon may kakaibang feeling akong nararamdaman.

“Sabi niya pupunta daw siya sa photoshoot." Agad agad ko’ng binitawan yung hawak ko’ng bubog at umakyat sa taas para kunin yung wallet ko. “Anong nangyayari?"

“Mamaya kana mag tanong, we need to find ate." Hinila ko na siya papunta sa kotse niya. Agad agad naman kaming sumakay. I dialed ate’s number pero bigla ko’ng naalala na na-snatch pala kahapon. Sunod ko’ng tinawagan si ate Lily, yung best friend niya.

“Hello, bunso?"

“Ate, andyan ba si ate?"

“Bunso, wala eh. Anong nangyayari? May masama ba’ng nangyari sa kanya?"

“Ate, punta ka naman sa MMC. Hintayin kita dun sa third floor."

“Okay, bye!" I ended the call.

“Malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Percy at tinungo niya naman ang ulo niya. Lalong lumalakas yung tibok ng puso ko, ganito yung naramdaman ko ng mamatay si Lea--yung best friend ko dati. Agad agad akong bumaba ng makarating kami sa parking lot ng MMC.

Hinila ko si Percy at halos tumakbo na kami papunta sa third floor. Pero pag malas nga naman, under renovation yung elevator at temporary closed siya ngayon. No choice kami kundi tumakbo sa hagdan. Pagod na pagod na ako at ang sakit na ng mga binti ko kakatakbo sa hagdan.

“Percy? Aphrodite? Bakit kayo nandito? May kailangan ba kayo?" Kuya Zeus said. Hindi ako nakapag-salita agad gawa ng kinakapos ako ng hininga. Nang lumuwag na yung pag hinga ko nag simula na akong mag salita.

“Nagkita na ba kayo ni Ate? Okay lang ba siya?"

“Di pa kami nagkikita, bakit? Anong nangyari sa kanya?" Hinawakan ko yung dalawang braso niya ng mahigpit. Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya yung totoo na buntis si ate o hindi. Baka kasi nagkamali lang yung instincts ko at baka mamaya mag epic fail ako.

“May alam ka ba'ng pupuntahan niya ngayon, kuya?" I asked. Siguro mas mabuti na ako na lang muna ang mag hanap kay ate.

“Wala baby eh, teka ite-text ko siya." Dinukot niya yung phone niya sa bulsa niya nang pigilan ko siya.

“Walang silbi yan kuya, dahil na snatch yung phone ni ate kahapon."

“Bunso, anong nangyari kay Hera?" Hingal na hingal na tanong ni ate Lily. Nagka-tinginan naman sila ng masama ni kuya Zeus. “Anong ginawa mo kay Hera?"

“Maybe we should go where ate Hera usually visit. O kaya sa mga kaibigan niya?" My boyfriend suggested. Ang talino talaga nito. “Let’s go?"

“Sa sasakyan ko na lang tayong lahat sumakay." Kuya Zeus added. Tulad kanina tumakbo ulit kami pababa ng hagdan. Bwisit na elevator yun kasumpa-sumpa. Talaga namang ngayon pa tinopak, bwisit. Pagka-dating namin sa ground floor, tumakbo naman kami ulit papunta sa MMC's parking lot kung saan si kuya Zeus naka-park.

“Is that Hera's car?" Tinuro ni ate Lily yung sasakyan na naka-bukas yung pinto. At bakit iiwan ni ate na bukas yung pinto niya bago siya umalis? Lumapit kami dun sa kotse at nakakita ako ng dugo sa hawakan nito. Nanginig yung mga tuhod ko at bigla na lang akong bumagsak sa sahig.

“Ate.." I mumbled as my tears raged. My instincts never fails me.

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon