They say everything happens for a reason. But still, i can't figure out why the hell am i experiencing these various disaster in my life. I feel so hopeless with no one to lean on and share things out.Huminga ako ng malalim bago magpatuloy sa paglalakad. Kahit alas-tres na ng hapon, hindi pa rin nagpapakita ang araw. Tumingala ako sa langit para mas lalong madama ang malamig na hangin nang magsimulang pumatak ang ulan.
I feel so empty. Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba na tapusin ang pag-aaral ko. 'Di ko alam kung saan pa ako huhugot ng lakas para magpatuloy.
Kaya ko pa kaya?
Nang makarating ako sa canteen ng eskwela, hindi ko maiwasan na mainggit sa aking nakikita. Mabuti pa ang mga estudyante na 'to, masaya at madali ang buhay.
I sighed and try to wonder around to find pocket-friendly food. May tinola, kaldereta, at an paburito ko na adobong manok. Kinuha ko ang aking pitaka ngunit lalo lamang akong nadismaya. Dalawang daang piso na lamang ang mayroon dito. Kailangan ko itong pagkasyahin hanggang sa makahanap ako ng trabaho.
Napahawak ako sa aking tyan ng ito'y kumalam. Nagugutom na ako.
"Miss? Nakapila ka ba?" Napalingon ako sa babae na may kahabaan ang buhok. Agad akong umiling at gumilid.
"Paharang-harang.. tsk.."
Hindi ko na pinansin ang pagmamaldita niya.
Umupo ako sa pinakasulok ang canteen, walang tao at medyo tahimik. Naglabas ng kapirasong papel at ballpen.
I decided to make things right. I shall list down things i should do to make my life go on and continue. I tied my shoulder length straight hair before i start writing.
"Hmm.. a part-time job must--"
Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang may naglapag ng tray sa aking harapan. Banayad ang kanyang mukha at saglitan na ngumiti.
Anong problema ng isang 'to? Marami pang upuan at available table! Gusto kong isigaw sa kanya pero di bale nalang.
"Hindi naman siguro ako nakaka-istorbo, 'no?" Aniya.
Ngumuso ako bago siya irapan. "Ano na naman ba ang kailangan mo, julius?" Ani ko sa malamig na tinig. "Istorbo ka."
He is Julius Aizocen. My schoolmate for i-don't-know-years sapagkat bigla-bigla na lamang siya sumusulpot sa aming silid-aralan sa iba't ibang pagkakataon.
"Sus, sungit." Pabulong niyang wika bago magpatuloy sa pag-ayos ng kanyang pagkain.
"Oh, sayo 'to. Nangangayayanat ka na ha? Hindi ka ba pinapakain sa inyo?" Inabutan niya ako ng mamon at dalawang delight drink.
"Sayo na 'yang mamon nang lumambot naman ang puso mo..." he licked his lower lip. ".. sa akin."
Nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi. Namumungay ang kanyang mata at palihim na tumawa. Ang dimple sa kaliwang bahagi ng kanyang pisngi ay sumilay.
Napasapo ako sa aking ulo bago yumuko ng bahagya dahil sa kahihiyan.
I don't know whats up with Julius. Hindi naman siya ganyan palagi makipag-usap sa akin kaya madalas akong maguluhan. Is he being friendly? Or.. nevermind. Siguro ay nag-iilusyon lamang ako.
"Pwede ba? Marami pang bakante na upuan. Doon ka na lang.." ani ko sa mahiyain na tinig.
Pinagmasdan ko maigi ang kanyang mata ngunit walang bakas ng pagkairita mula dito. Patuloy pa rin ang pagtitig niya sa akin.
Matangkad si Julius at may kaputian. Ang kanyang buhok ay tumatabig sa makapal niyang kilay. Napansin ko rin na siya ay singkit. Hmmp! Madaya. Kilala siya sa aming eskwela dahil siya ay basketball player din. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya base sa nakikita 'ko palagi.
Mas lalo akong kinabahan ng lumipat siya ng upuan at tumabi sa akin! Kung kanina ay kaharap ko siya, ngayon naman ay sobrang dikit na niya sa tabi ko!
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang kumalabog ang taksil ko na puso!
Siniko 'ko siya ng bahagya bago magsalita. "Hoy, close ba tayo?"
Ngumiti na naman si Julius. Nakakainis!
"Bakit, gusto mo ba?" Aniya. Mas lalong kumalabog ang puso ko ng subuan niya ako ng kapirasong mamon. Parang may humaplos sa aking puso nang iyon ay kanyang ginawa.
Napaatras ako sa gulat at pinagpatuloy na lamang ang pagnguya. Tinuloy ko ang aking ginawa hanggang sa iniwan ko siya para pumunta na sa klase.
I tried to concentrate on the discussion but there's a part of me that is bothered. Its been two weeks. Maharas akong napalunok habang inaalala ang sakuna na nangyari..
"Ate, hindi ka ba sasabay umuwi? Dadaan dito si mama.. mamaya."
I looked at her. Abala sa pagtatali ng kanyang buhok habang nakatayo sa harap ko.
"Hindi na muna, Jasmine. May aasikasuhin pa ako mamaya sa library" saad ko. Tinulungan na siya sa pagtatali.
Ganito lagi ang ganap namin ni Jasmine, my little sister. Sa tuwing alas-kwatro ay dadayo siya sa building namin para mag-aya na sabay kaming uuwi ngunit may mga pagkakataon lamang na hindi ako nakakasabay dahil sa mga group works at activities sa school.
"Bye ate! Ingat ka ha!" She waved at me as she leave my classroom. I nodded, waved back, and smiled.
Mapait akong napahawak sa aking dibdib. Kung alam ko sana na iyon na ang huling pagkakataon na makakasama ko sila, na makaka-usap ko siya ay sana sinulit ko na! Sana lagi nalang akong sumasabay sa kapatid ko tuwing uwian! Sana ako nalang ang nagtatali sa kanya tuwing nahihirapan siya sa pagkilos!
Hindi ko namalayan na patuloy ang pag-agos ng aking luha kahit na nagtuturo ang aming guro. Kahit na anong pilit na punas ang aking gawin, mistulang gripo ang pag-agos nito.
Shaina naman kasi! Bakit hindi mo naisip 'yon? Bakit sarili mo lagi ang inuuna mo?
"Shaina?"
Unti-unting nanlalabo ang aking mata habang patuloy na hinahabol ang aking hininga. Hindi ko na alam ang nangyayari sa aking paligid ngunit rinig ko ang kanilang pangamba.
Sana namatay nalang din ako.. sana sinama niyo nalang ako.. bakit niyo naman ako iniwan na mag-isa? Ha.. jasmine at mama..
"Shaina.. ayos ka na ba?"
Namamanhid ang aking katawan. Walang ganang kumilos at magsalita. Akala ko magiging okay na ako, na kakayanin ko na ang lahat pero hindi pa pala.
Puting kisame ang bumungad sa akin. Sa itsura palang ng silid, alam ko na nasa clinic ako ng paaralan.
"Shaina.." karylle with worried eyes.
Sinubukan ko na bumangon kahit papaano. "Anong nangyari?"
"You passed out. Iyak ka ng iyak kanina kaya hinika ka.."
"Binuhat mo ako papunta dito?" Tanong ko na medyo naguguluhan. Malayo-layo din ang clinic mula sa aming silid kaya gusto ko na magpasalamat kahit papaano.
"Salamat.."
Bumukas ang pinto at kapwa kaming napalingon sa taong dumating na may bitbit na mga tupperware, iba-iba ang laman. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil andito nanaman siya.
His eyes looked pissed or whatever. Ibang-iba sa ekspresyon na lagi niyang pinapakita. Bakas ang pangamba rito ngunit.. baka guni-guni ko lang?
BINABASA MO ANG
tayo kaya?
Short Storykung sana ganon kadali na umamin. kung sana hindi na ako naglihim.. tayo kaya?