Lumipas ang mga araw, buwan at taon, muli kaming napalapit sa isa't isa ni Julius. As good old days, lagi niya akong sinusundo at dinadalhan ng pagkain ngunit ngayon ay tinatanggihan ko na dahil hindi naman pupuwede na laging ganon ang aming sistema.Parehas din kaming graduated na sa kanya-kanyang kurso. He finished Electrical Engineering. Sa araw din ng aking graduation, he attended, nagdala siya ng bulaklak together with his sister. Hindi ako makapaniwala na sa laha ng nangyari, we are now together.
And today, sunday, maaga akong nagising upang mag-ayos ng sarili. I smiled as i see myself on the mirror. Pansin ko ang naging paghaba ng aking buhok. Should i cut my hair short? Kumuha ako ng gunting upang timbangin ang gagawin ngunit agad akong nagdalawang isip.
Hmm.. siguro magpapagupit nalang ako dahil hindi naman ako marunong gumupit. Ayokong isugal ang aking buhok sa mga kamay ko dahil alam ko na hindi magiging maganda ang resulta. Isa pa, ayokong magay sa ginawa ni Karylle sa kanyang buhok noong nakaraang taon! Siya ang naggupit ng bangs kaya ang ang naging resulta? 'Di sa pagiging judgemental ah?
She looked like dora! Pero kalimutan na, last year pa naman 'yun.
I put some maroon lipstick before i decided to went out. Fifty pesos lang naman ang gupit and i want to become pretty, for Julius.
"Gaano kahaba?" Ani ng binabae na gugupit sa akin.
"Uhmm.. siguro hanggang balikat po. Tapos sa bandang gilid, palagyan ng kaonting hibla na parang bangs." Sumandal ako at tinitigan ang sarili sa malaking salamin sa harap.
Tumango ito at hinaplos haplos ang aking buhok. "Grabe hija, rebonded ba 'tong buhok mo?"
Umiling ako. "Nako, hindi po.."
"Pero nagpakulay ka?"
"Hindi din po."
Ngumuso ito at ngumiti sa akin. "Alam mo, pwede ka maging model! Sobrang kinis ng balat mo tapos medyo brown pa ang iyong buhok! Sana all 'di ba?" Aniya. Sinimulan na akong gupitan.
Nginitian ko lamang siya. Medyo nahihiya pa ako sa mga pamumuri niya sa akin ngunit komportable naman ako.
Sa huli, satisfied naman ako sa gupit sa akin. Nagbayad ako at dumiretso na sa lugar na usapan namin ngayon ni Julius. We promised each other to meet on the cementery where my mother and sister got buried. Sa una, sabi ko ay sa mall nalang kami pero siya mismo ang pumilit sa akin na dito kami magkita.
Ang aga kong nakarating sa sementeryo. Hindi ganoon kaaraw ngayon at hindi rin naman makulimlim. May dala akong kumot upang mailatag at maupuan. Nagsindi ako ng dalawang mataba na kandila bago umupo at nanalangin.
A lot of things happened simula nang mamatay sina mama at Jasmine. Parang naging roller Coaster ang buhay ko. Sobrang dami at halo-halong emosyon ang akin ng naramdaman. Siguro through these events, i became strong. Strong and resilient to handle things out.
Muli kong pinunasan ang kanilang puntod at nag-alay ng bulaklak.
"Mahal.." a low toned voice echoed. He kissed my cheek before he sat down beside me.
I smiled at him. Dumating na si Julius. He's wearing a simple black jeans and white tshirt. I love his manly scent.
"Kanina ka pa?" He glared at me. Naglapag din siya ng bulaklak sa puntod.
I leaned over him. "Hindi naman." Ani 'ko, niyakap ang kanyang braso. I rested my head on his shoulder.
He planted a kiss on my head. Napangiti ako sa kanyang ginawa. "Is this a date?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
tayo kaya?
Short Storykung sana ganon kadali na umamin. kung sana hindi na ako naglihim.. tayo kaya?