dos

14 2 0
                                    


"Are you alright?" Agaran siyang lumapit sa akin. Sinapo ang aking noo upang tignan ang aking temperatura.

Pansin ko ang paglaki ng mata ni karylle sa ginawa ni Julius.

"I guess so.." agad kong inalis ang pagkakawahak niya at baka kung ano pa ang isipin ni karylle.

May sinabi na kung ano si Julius kay karylle na hindi ko narinig. Agad siya umalis ng hindi ko man lang napigilan.

"Let her be.." saad ni julius ng sumara ang pinto.

Sinimangutan ko siya. Itong lalake na ito, ganyan ba talaga ang mayayaman? Kung ano-ano nalang ang gagawin dahil sa pagkabagot?

Katahimikan ang nanaig sa kwarto simula ng umalis si Karylle. Si Julius ay abala sa pag-aayos ng tupperware.Ayoko na rin naman na makipag-away o makipagtalo kaya tinaklob ko ang aking kumot at muling nahiga.

Bahala siya riyan!

"You should really rest Shai.." paos ang boses "but only after you eat."

Tatayo na sana ako ngunit agad na nagulat dahil sobrang daming pagkain ang nakalatag sa aking harapan!

Naka-upo si Julius sa tabi n aking kama, hawak ang kutsara at tinidor.

"So.. what do you like to eat first?" He said with an authority.

"Julius.. ano 'yan? Fiesta ba?" Apurado ko na usad.

Ewan ko ba, mas lalong sumasakit ang ulo ko! Nasan na ba sila ma'am??

"Are you out of your mind? You're sick and you're telling me if this is a fiesta?" Ba't naman galit, Julius?

Ngumuso ako kasabay ng pag-iling. "Ang dami.."

Hindi ba siya aware na payatot ako? Na kahit minsan ay natatakam sa pagkain ay agad din naman na nabubusog?

Tsaka.. bakit ba siya narito?

"Do you want me to transfer you to a hospital?" Tanong niya. Naglagay ng adobo sa kanin at umamba na isusubo sa akin.

"What?"

"Mas safe kasi.." tinaasan niya ako ng kilay.

"Julius.. come on, first year college lang tayo. Please, kung ano man ang balak mo, itigil mo na."

He's rich and im aware of it ngunit hindi niya na dapat ipaglandakan pa! Ano ba kami para umasta siya ng ganito?

"Nangangalay ako.. Shai.." Wala akong nagawa kung 'di ay isubo ang nasa kutsara.

Napatulala ako sa abalang si Julius. Paminsan ay sumusubo rin siya sa kutsara na ginagamit sa akin.Kutsara ko!

"Next time, 'wag ka ng umiyak ng ganoon. Sasamahan kita.. lagi."

Naestatwa ako. Seryoso ang kanyang titig. Bakas ang pangamba sa kanyang mata ngunit gusto kong baliwalain ang mga iyon kasi hindi pwede.

Kumabog ang puso ko ng muli niyang dinama ang aking noo. Takot sa nararamdaman, pumikit ako ng marahan at hinayaan na lamang siya.

I know he also act like this with other girls. Sa itsura ba naman ni Julius, hindi maipagtataka kung habulin siya ng mga babae. He is a man na paniguradong nasisiyahan at na-eenganyo sa mga atensyon!

Tinapos namin ang pagkain. Sa una ay pinapaalis ko na siya pero hindi siya umalis. Pilit kong tinatanggihan ang alok niyang pagkain pero nagwagi pa rin siya. Sobrang ingat ng kilos niya pero hindi ko iyon binibigyan ng malisya. Sino ba naman ako? I'm poor and wortless woman while he's a big time! I know that he is just offering a friendship.

Nang naging okay ang aking kalagayan, minabuti ko na umuwi na. Gusto pa sana akong ihatid ni Julius ngunit tinanggihan ko na siya.

"Magpalakas ka Shaina. Gawin mo nalang inspirasyon ang nga nangyari.." i nodded at Karylle. Siya ang sumama sakin pauwi.

"Sana nga makayanan."

"You can. Tsaka andito lamang ako kung kailangan mo ng tulong, ano 'ka ba!" I smiled at her.

Nagdaan ang mga araw at pilit kong tinutulungan ang aking sarili na bumangon mula sa pagkakadapa. I tried to apply on various part time job and luckily, dalawa ang aking nakuha. Mahirap pagsabayin ang trabaho at pag-aaral ngunit naisip ko na kailangan kong mag-aral at makapagtapos dahil 'yun lamang ang makapagbibigay sa akin ng magandang trabaho.Mabuti na lamang at hindi ako nadala ng aking emosyon dati.

Lumipat din ako ng tirahan. Simula ng namatay ang aking kapatid at ina ay minabuti ko na lumipat at mangupahan sa mas maliit na kwarto na lamang. Maliit din naman kasi ang kinikita ko kaya pinipilit ko na bawasan ang aking gastos.

Kinalimutan ko na ang nangyari, ang mga alaala ngunit sila mama? Nandito pa rin, nananatili sa puso ko.

"Good morning, ma'am! Can i take your order?" Ngumiti ako sa dalaga. Ibinigay ang resibo at agad itong sinundan ng susunod ng customer.

Maraming tao ngayon dito sa coffee shop kung saan ako nagtatrabaho. Its already 10:20 AM. Sampung minuto nalang at out ko na.

"Thank you!" I smiled at my last customer. Pinuntahan ko ang manager at nagpaalam.

Nilalakad ko lang ang aking school mula rito at iyon ang palagi ko na ginagawa.

Nakahinga ako ng maluwag ng sakto lang ang dating ko sa room, wala pa ang aming prof.

"Nagawa mo na ang assignment, Shaina?" Ngiting wika ni kleo na aking seatmate.

Nahiya akong tumango. "Tinapos ko na kagabi para wala na akong gagawin." I smiled.

"Wow buti ka pa! Ako kasi, nagpa-spa pa kami ni mommy!" Tumawa siya ng bahagya. "Tapos namili ng damit! Grabe, sobrang daming bagong designs ng shirt sa department store kaya ayun, shopping!" Nagawa niyang tapikin ang aking balikat habang tumatawa.

Ngumuti ako sa kanya. "Talaga?"

"Oo! Naka twenty-thousand nga kami eh! Natry mo na ba 'yun Shaina?"

I'm happy for kleo pero bakit sobrang daldal naman niya?

Umiling ako upang ipahiwatig ang aking kasagutan.

"Wala akong pera e.."

"Uhmm.. sabagay! Wala ka na nga palang magulang or whatever! Kawawa ka naman huhu." Umarte siya na naiiyak bago humalakhak ng malakas.

Nagsitinginan ang mga kaklase ko sa amin at lalo pa siyang tumawa ng malakas.

Ayoko nalang magsalita dahil tama naman siya. Wala akong magulang at walang pera. Tama siya na hindi ko nagagawang bumili ng mga bagay na mayroon sila. Mapait akong ngumiti sa kanya. Inilayo ang aking upuan dahil nakaramdam ng pagkairita.

"Fourth year college na tayo pero paulit-ulit pa rin ang mga damit na sinusuot mo! 'Di ba iyan ang suot mo noong nakaraang araw? Hmm.. cheap.."

"Kloe-"

"Hm.. parang basahan na ah?" Dagdag pa niya.

She's beautiful and rich. Nagpakulay ng blonde sa buhok at laging may klorete sa mukha. May gintong hikaw at bracelet din na lagi niyang suot kaya hindi na ako magugulat kung ganoon ang buhay niya.

Ayoko nalang magalit. Kahit na bahagya akong nakaramdam ng kirot sa puso, ayoko nalang pansinin dahil wala akong laban.

Dumating ang prof at nagpagawa ng group activity. Apat kada grupo. Sa kasamaang palad, kagrupo ko si Kloe. Kinalabit niya pa ako at ngumiti.

Mabuti na lamang at sa mga sumunod na klase, naging payapa ang silid.







tayo kaya? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon