Nakatingala ako sa langit habang dinadama ang ihip ng hangin. Mataas ang sikat ng araw buti nalang nagdala ako ng payong.Humigpit ang hawak ko kay Mateo. Isinuot ko ang kanyang sombrero at ginawaran siya ng matamis na ngiti bago tuluyang tumawid sa kalsada.
"Mommy, i'll help you." Saad ni Mateo na pilit kinukuha ang sapin na aking hawak gamit ang maliliit niyang kamay.
Napangiti ako sa aking anak. "Ang bait bait naman ng baby boy ko." Hinawi ko ang buhok na tumatabig sa kanyang makapal na kilay.
"Mateo is not a baby anymore, mommy." Sinimangutan niya ako ngunit agad din naman na ngumiti, showing his dimples on both cheeks. "I can help you na nga with this eh." He waved the towel na inagaw niya sa akin.
"Okay okay. I love you." Ani ko sa malambing na tinig. Hinaplos ang namumulang pisngi ng anak.
"I love you more!" Hagikgik niya.
Pinaglatuloy namin ang ginagawa. Pinunsan niya ang baso habang ako naman ay abala sa mga pinggan. Inihanda ko na ang mga pagkain. Nagsalang ng kanin at ulam sa partikular na plato dahil kaonting oras nalang, darating na ang kanyang pinsan.
Hindi ko maiwasan na ngumiti habang pinagmamasdan ang aking anak na abala sa gawain. Ang maliliit niyang kamay ay swabe ang galaw. Paminsan-minsan ay sinusulyapan din niya ako para ngitian.
"Mommy, next time, lets buy a cat okay?" Suhestyon niya nang makakita ng puting pusa sa 'di kalayuan. Tinuro niya ito sabay hagikgik ulit.
"Okay baby, if that's what you want." I will do anything and i'll give you everything that i can, Mateo.
Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Sinigurado ko na tuyo na ang mga plato at maayos na ang pagkakahanda ng pagkain sa munting lamesa na puti. Napasulyap ako kay Mateo nang mapansin ang kanyang pagtahimik.
"Whats wrong?" Pumantay ako sa kanya. Pinunasan ang kanyang pawis sa mukha.
Ang kanyang singkit na mata ay parang nagpapakita ng kalungkutan.
Tipid siyang ngumiti at tinuro ang pamilya sa 'di kalayuan. "They look so happy, mom."Parang nabahiran ng asin ang aking sugat sa sinabi ng anak. I hugged him tight. "We're happy too naman, 'di ba?" Pilit ko kahit na alam kong may kulang.
Ramdam ko ang aking luha na nagbabadyang tumulo. Pinigilan ko iyon para sa kapakanan ng aking anak. Alam ko ang nararamdaman niya at sobrang sakit. Kailangan kong magpakatatag dahil ako ang magulang niya. Sa aking siya kukuha ng lakas para sa araw-araw.
"Asan ba kasi si daddy, mommy?" Naguguluhan niyang tanong.
"Andyan lang yun, anak." Ani ko. Muli ko siyang niyakap.
"But where?"
"Here." Itinuro ko ang kanyang puso ngunit ang aking mata ay sa iba nakatingin.
Nakatuon ang aking mata sa lupa kung saan nakalibing si Julius. "Your daddy is.. in our hearts."
Alam kong hindi niya pa naiintindihan ang lahat ngunit balang-araw, alam kong kasama ko siya na tatanggapin ang nangyari.
"I miss him, mommy!" He then started to cry. "Kamukha niya po ba ako? Ang daya naman eh. Hindi ko pa po siya nakikita.."
Pinawi ko ang kanyang mga luha. "Shhh.. don't cry. And yes. Kamukha mo siya Mateo."
Totoo na nagmana sa si Mateo kay Julius. Ang kanyang mata, kilay, ilong ay kuhang kuha sa itsura ni Julius. Tanging ang kanyang labi lamang ang kahawig ng sa akin. At isa pa pala, samga emosyon at ugali, gayang gaya sa akin si Mateo. Although kahit na independent na siya kung kumilos, hindi pa rin maipagkakait na iyakin pa rin ang baby ko.
Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nagtanong si Mateo tungkol sa kanyang tatay. Hindi ko naman kasi siya madiretso kaya medyo iniiwasan ko ang topic na 'yon dahil hanggang ngayon, mahirap pa rin tanggapin na wala na si Julius.
Hindi siya nakasurvive sa aksidente 4 years ago. Ikakasal na sana kami pero binawin siya ng buhay. Nanatili siya sa ICU noon ngunit dalawang araw ang nakalipas, agad din siyang binawian ng buhay. Hindi kinaya ng kanyang katawan ang impact ng aksidente.
Sobra ang aking pighati sa nangyari ngunit ngayon, kahit papaano ay unti-unti ko nang tinatanggap para sa kabutihan ng anak ko.
Even julius left us years ago, i still feel so lucky for bearing his child. I love him and i will always do. Siguro hindi lang ako pinalad na makasama siya sa pagpapalaki sa anak namin pero di ko maalis sa akin isipan na kung may pagkakataon man na muli kaming pagtagpuin..
Julius, tayo kaya?
I look at the blue sky with a bitter but contented smile. My tears starting to fall, again.
Ang dami kong pinagsisihan sa aking kilos noong buhay pa siya. Hindi ko man lang naipagsigawan sa mundo kung gaano ko siya kamahal. Lubos akong nagsisisi dahil parang kulang pa ang pagmamahal na ioinaranas ko sa kanya noong nabubuhay la siya. Ngunit ano pa ang saysay para magsisi ngayon? Huli na ang lahat! Dahil kahit ano man ang pilit ko, kahit isang balde pa ang aking iluha, hindi na nito maibabalik ang pinakamamahal ko.
Muli akong napasulyap sa aming anak. "Your daddy loves you so much. Always remember that."
Nginitian ako ng aking anak kahit na may kaunting luha pa sa kanyang mga mata.
Julius, bakit mo agad kami iniwan? Sayang, mahal na mahal pa naman kita.
Pilit kong isipin na siguro 'di lang ako pinalad sa buhay ko ngayon na makasama ang ama ng aking anak. Pero sa pangalawang buhay, tayo kaya?
BINABASA MO ANG
tayo kaya?
Short Storykung sana ganon kadali na umamin. kung sana hindi na ako naglihim.. tayo kaya?