The following days and weeks, Julius and I became close. Kung dati ay araw-araw niya akong dinadalhan ng pagkain at hinahatid pauwi, ngayon naman ay sinusundo na niya ako tuwing papasok."Uy, iba na 'yan ah?" Panunukso ni karylle nang minsan ay makita kami ni Julius na magkasama.
"Ano ba, issue?" Tinasaan ko siya para manahimik. She chuckled, grabbed my arms for a hug. "I'm happy for you, sis."
Kunot-noo ko siyang tinignan. "Huh?"
"You know what? You're brainy but sometimes slow.." she poked my head. She smiled and added, "Thankful ako kasi at last, i know Julius can take care of you for lifetime. Biruin mo? Araw-araw ka ba naman sunduin, dalhan ng pagkain at ihatid sa bahay? My gosh! Issue talaga to, sis."
Nginitian ko nalang si Karylle. Ayaw kong pangunahan ang lahat. Because i know, baka friends lang kami ni Julius. He doesn't mention anything naman and besides, last time i checked, he doesn't want me to be his friend. But for myself, i want to declare that he's a friend.
A good friend.
"Kar, ayokong bigyan ng malisya si Julius."
Even sometimes i felt some butterflies on my stomach whenever he's with me, i feel alive and ready with my life, i still don't want to assume things.
"Sige, hindi na ako makikialam. Besides its your life. Assume what you want and let me assume things about you two, too hehe.." humagikgik siya bago ituon ang sarili sa kanyang laptop.
I continued eating my food. I feel so lively today. Masaya ako sa pinpakita ni Julius araw-araw ngunit paminsan-minsan ay nangangamba na balang-araw, lahat nalang ay magbago.
"My gosh.. Shaina, you should check this out."
Inubos ko ang tubig sa baso bago siya balingan. Ang masaya niyang mukha ay napalitan ng pangamba. Bakas sa kanyang mata ang gulat.
Kinabahan ako sa nakita. "Bakit?" Lumapit ako sa kanya at dinungaw ang binabasa sa laptop.
Nanghina ako sa nabasa. Ito ay balita ukol sa nangyari na aksidente kanila mama at Jasmine! Thank god at may leads na ang mga pulis para sa suspect.
Agad kong niligpit ang aking gamit. Sinakbit ang aking bag at handa ng umalis.
"Wait, sasama ako!" Habol ni Karylle. I nodded at her. Iniligpit niya ang kanyang gamit at agad kaming tumungo sa police station.
Sobrang busy ng mga polisya sa loob. Ang ilan sa kanila ay nag-aasikaso ng papeles at ang iba naman ay abala sa pag-iinterview. Hinanap ko si Chief Dela Cruz. Nasa kanya na ang nahagilap nila na CCTV.
"Be brave Shaina, be strong." Karylle wisphered. I hold her hand hoping for strength.
Gusto kong isama dito si Julius ngunit alam ko na may klase siya. Ayoko siyang guluhin at balak kong ibalita nalang sa kanya mamaya ang mga mangyayari. Na mabibigyan ko na ng hustisya ang aking magulang at kapatid.
Nagsaksak si Chief sa kanyang laptop ng flashdrive. Pinaupo niya kami bago niya iplay ang video.
"6:30 nangyari ang aksidente. Sa malayo palang, makikita na na hindi stable ang galaw ng ng truck na bumangga sa sinasakyan ng pamilya mo, hija."
Kitang kita ko ang bilis ng andar ng truck. Lubos akong nanghina dahil sa napapanuod. "Ayan din. Kita natin kung paano tumakas ang driver, ng sugatan."
Pagewang-gewang ang lakad ng driver habang dumudugo ang kanang kamay. Sa kaliwang kamay, may hawak pa itong bote ng alak! Kitang-kita ko kung pano niya ito bitawan dahil sa gulat at agad na tumakbo para tumakas. Nanlaki ang aking mata ng makitang sinundo ito ng itim na sasakyan at umalis ng mabilis.
"Tang-ina.." si Karylle, nakahawak sa likod ko.
Ngunit mas lalo akong nasaktan nang maaninag ko ang burda na nakaukit sa damit ng driver.
Aizocen.
I silently wished to god na sana, mali ang aking mga hinala.. hindi naman siya siguro magagawa iyon..
"Tang-ina talaga..."
I looked at Karylle. Ang kanyang mata ay namumula na rin. Kinabahan ako sa kahihinatnan ko.
Mabilis na nagsitulo ang aking mga luha. "Sir, siguraduhin niyong makukulong ang taong 'yan!" Ani ko. Galit na galit ang aking puso at tila ba gustong makapatay.
I can't believe this! Nagtatalo ang aking puso't isip sa mga nakikita at nalalaman. Hinihiling na sana, mali ang aking hinala. Na sana, panaginip lamang ang lahat ng ito.
"The man in the video is Jerone Aizocen." Deklara ng pulis.
Ramdam ko ang paghigpit ng kapit sa akin ni Karylle. She hold me tight as she cursed silently. "Walang-hiya! Tatay 'yon ni Julius ah?"
Gusto kong manakit! Gusto kong magwala! Kaya pala! Kaya pala lagi siyang nakabuntot sa akin mula pag-alis ng bahay at pag-uwi!
"Karylle.." i cried loudly. Dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman, sobrang lakas na ng pag-iyak ko.
Alam ko sa mga oras na ito, unti-unti nang guguho ang aking mundo. And before i knew it, i passed out.
BINABASA MO ANG
tayo kaya?
Short Storykung sana ganon kadali na umamin. kung sana hindi na ako naglihim.. tayo kaya?