tres

13 2 0
                                    


"Bakit mo naman hinayaan na gawin 'yun sa'yo, Shaina?" Halos sigawan na ako ni Karylle dahil sa galit.

Galit kay Kloe.

Ang maamong mukha ni Karylle ay napalitan ng inis pagkasalubong niya sa akin para mag-recess. Nako 'wag ka na sumimangot Kar dahil sayang ang beauty!

"She's telling the truth, Kar." I as i tried to open the mamon i'm eating.

Ang sarap ng mamon na ito. Favorite ko!

"What the fuck? Are you really Shaina? Hello?"

Ngumiti nalang ako sa kanya bago binatukan ang kaibigan.

"Nako! 'Wag lang talaga matyempo na nandun ako kapag inulit niya 'yan!"

Pilit kong ikinakalma si Karylle. Mas affected pa itong kaibigan ko kaysa sa akin! I smiled at my thought. Buti nalang, hindi niya ako iniiwan.. hindi katulad ng iba dyan.

"Siya nga pala.. its been three years simula nang umalis si Julius, nagparamdam na ba?"

Napatikom ako sa usapan namin. Ayoko nang isipin ang lalake na 'yon!

"Kar, hanggang ngayon ba naman? Bakit pa natin ipipilit ang taong umalis na?" Napatigil ako sa pagkain dahil sa naramdaman.

"Ikaw naman kasi, ang sungit mo noon sa kanya. Sana man lan ay inintindi-."

Ngumisi ako. Ano naman kung nagsawa siya? Hindi ba't normal naman 'yon sa mga babaero?

"My gosh Kar! We're not even an item!" Gusto ko ng itikom ang bibig ni Karylle para matigil.

Ewan ko ba kung bakit naiinis pa rin ako kay Julius. E ano naman kung umalis siya? Choice niya 'yun.

Matapos ang nangyari sa'kin sa clinic, nagpatuloy noon sa pangungulit sa akin si Julius. Araw-araw 'yon dumadayo sa classroom ko para magdala lamang ng pagkain na tinatanggihan ko pero nagpupumilit siya na kainin ko dahil sasayang lang daw 'yon.

Everyday, he would wait for me after my classes. Naaalala ko pa kung paano niya ako pinipilit na ihatid sa bahay pero tinatanggihan ko.

"Shaina, hatid na kita." Kinuha niya ang hawak kong mga libro pati ang aking bag bago mauna maglakad.

Sa tangkad at bilis niyang maglakad, hindi ko siya mapigilan.

This man! "Julius!"

"Huwag mo na sabi akong ihatid!" Pagpupumilit ko. Malapit na kami sa gate ng school. "Tsaka, 'di ba laging may naghihintay sa'yo na sundo? Baka hinahanao ka na ng mommy mo!"

Hinatak ko ang kanyang braso para matigil sa paglalakad. Hay! Buti naman at natigil na siya! Masyado akong pinapahirapan ng lalake na ito.

"Shaina, 'wag na makulit please? Its for your safety." Inayos niya ang iilang hibla sa aking buhok at inilagay ito sa likod ng aking tainga.

"Besides, sinong may sabi na hindi ako sasabay kay manong bert?" Ngingiti-ngiti niyang sabi. He also pinched my nose that made me shocked for a while!

"H-huh?" Naguguluhan kong saad.

Ngunit bago pa ako makaapila, may kinawayan na siya sa aking likod. "Manong bert!" Hinawakan niya ang aking kamay bago tumakbo kay maning bert na ngayon ay naghihintay na pala sa tapat ng gate.

"Sasabay ka sa akin. Ihahatid ka muna namin bago ako umuwi." Inilagay niya ang aking bag sa loob ng sasakyan.

What?? Pumayag na ba ako ha, Julius? Ikaw itong napakakulit!

Imbes na magalit, hindi ko magawang mainis sa mga oras na ito. Hmm.. pwede naman sigurong mangyari ang gusto niyang paghatid, 'di ba?

Tsaka.. ngayon lang naman.

tayo kaya? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon