Hindi ako matahimik tuwing nakikita ko si Shaina na palaging mag-isa na kumakain. Wala ba siyang kaibigan?Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ko at bakit parang sa araw-araw ay gusto ko siyang makita o makausap. Hindi yata mabubuo ang aking araw nang hindi ko siya masilayan.
"I want to do something. Gusto kong gumawa ng paraan na malapitan siya at makausap." Bulong ko sa aking sarili habang nasa malayong table, nakatanaw kay Shaina na kumakain mag-isa.
Ngunit sa tuwing buo na ang aking desisyon na lapitan siya, nilalamon ako ng hiya. Lalo na ngayon na nay kausap siya na babae.
Napakamot ako sa aking ulo bago umayos ng upo. Shaina looks so beautiful kahit na simple lang ang kanyang pananamit. Ang kanyang puting balat ay bumabagay sa medyo brown na kanyang buhok. I love the way she smile kahit na dalawang beses ko palang iyon nasusulyapan.
And today, buong puso at lakas akong lumapit kay Shaina. "Hello!!" Masiya kong bati. Wala na akong pake kung makukulitan siya sa akin basta ang alam ko, gusto ko siya at gagawin ko ang lahat para laging sumilay ang kanyang mga ngiti.
Alam ko na sa mga panahon na kasama ko siya ay medyo naiirita siya sa akin dahil sa kakulitan pero damn! Sobrang cute pa rin ni Shaina! Tsaka sa paraang pagiging makulit niya lang naman ako mapapansin. 'Yun lang ang naiisip ko na paraan para hindi maging awkward ang aming samahan.
Araw-araw ko siyang sinasabayan na kumain sa canteen kahit na minsan ay nawe-weirduhan na siya sa akin.
"Baliw ka na 'ba?" Aniya. Busangot ang mukha habang nakatitig sa akin.
Nginitian ko lamang siya. "Hindi 'no, kumain ka nalang!" Nagpatuloy siya sa pagkain ngunit ang mga titig ko? Sa kanya pa rin nakatuon.
Kung sa tingin mo ay baliw na ako, oo Shaina. Baliw na ako. Baliw na baliw na sa'yo!
Sa tuwing uwian, lagi akong naka-abang sa labas ng kanyang classroom. May mga oras pa nga na sobra ang overtime nila ngunit hindi iyon naging alintana sa akin basta ang importante, masabayan ko siya sa uwi.
Ganoon kita kamahal, Shaina.
Lagi din akong nag-aalala tuwing nakikita ko na pumapayat siya. Ginugutom ba siya sa kanilang pamilya? Pwes, kung sa akin ka nalang sana, bubusugin kita.
"Oh!" Naglagay ako ng mamon sa libro na kanyang binabasa. "Kumain ka nga, pumapayat ka."
Namangha ako sa ekspresyon na kanyang pinakita. "Ano 'ka ba, Julius. Nakatatlong bigay ka na ata ng mamon sa akin ngayon araw! Hindi ako patay-gutom!" Aniya, bakas ang hiya sa kanyang boses, tinalikuran niya ako at muling nagbasa.
Ngumiti ako sa dalaga, "sus! Oh, subuan na kita." Hindi naman siya tumanggi sa aking ginawa
Shaina, hindi problema sa aking ang pagbibigay ng mamon araw-araw. Kung pupuwede nga lang na ako na ang magsilbing alarm mo tuwing kakain ay ginawa 'ko na para hindi mo ito makalimutan. Ayaw kasi kitang nagugutom. Ganon kita kamahal.
Isang araw, patakbo sana akon lalapit kay Shaina pero pinigilan ko ang aking sarili. Tinantya ko muna ang kanyang emosyon. Sobrang kalungkutan ang isinisigaw ng kanyang mata kahit na nasa malayo ako.
Anong nangyari, mahal?
Um-order muna ako ng pagkain namin bago umupo sa harap niya. "Hindi naman ako nakakaistorbo, ano?" Tanong ko, hinihintay ang kanyang mga titig ngunit hindi siya nag-abala na tignan ako.
"Sus sungit.." tangi kong nasabi. Nabaling ang aking atensyon sa kanyang sinusulat.
Part time job? Bakit niya pa kailangan 'non samantalang maayos ang trabaho ng kanyang nanay?
BINABASA MO ANG
tayo kaya?
Short Storykung sana ganon kadali na umamin. kung sana hindi na ako naglihim.. tayo kaya?