1

6.6K 89 1
                                    

Matindi ang sikat ng araw paglabas ni Gian sa kanyang kotse sa parking lot ng eskwelahan, suot-suot ang kanyang Ray Ban ay nag-umpisa na siyang maglakad sa loob ng university ground. Sa pintuan ng classroom ay sinalubong na siya ng mga barkada niya sa law school.

“Hanep ang porma ni Atty. Medina, huh.” Kantiyaw ni Jeff ang bestfriend ni Gian.

“Ang init kaya sa labas.” Katwiran ni Gian.

“Kaya napapatingin na naman sayo ang mga chicks.”

Nilingon ni Gian ang nasa likuran niya at nakita nga niya ang isang grupo ng mga babae na nakangiti sa kanya, gumanti siya ng ngiti sa mga ito.

“Ano ba, pare? Sino bang papatulan mo sa mga iyan?” tanong ni Herald, ang batang politician na nag-aaral din sa naturang eskwelahan.

“Hindi ko naman sila mga type.”

“Ang taas ng standards mo.” Sabi ni Jeff, “Baka di ka na makapag-asawa riyan.”

“Pare, hindi naman sa mataas ang standards ko, wala lang talaga akong type sa kanila.”

Ilang sandali pa ay pumasok na sa classroom ang professor nila na si Atty. Simeon.

Madaling umayos agad sa pag-upo ang magbabarkada.

Matagal ng professor si Atty. Simeon sa University na iyon, kilala ito hindi lang sa magaling na professor kundi rin sa pagiging istrikto, para sa kanya, being a lawyer needs discipline, kaya kahit sinasabihan na siya ng mga estudyante niya na terror ay wala pa rin siyang pakialam, because he believes that the future lawyers should practice discipline. Istrikto siya pagdating sa attendance ma-late ka lang ng kaunti he will consider you absent, katwiran niya the lawyers should be punctual and responsible in his work. Naiinis siya sa mga taong palaging late at isa na rito si Gian, kaya ng makita niya ang lalaki na nakaupo na sa kanyang silya ay ikinagulat niya ito.

“Mr. Medina, it’s a miracle, you came early.”

Ngumiti si Gian, “Just on time, sir. Wala kasing traffic sa EDSA.”

“Ah, so, pwede ka pala naming gawing traffic reporter dito. Kapag late ka, ang ibig sabihin traffic sa EDSA at kapag maaga ka ang ibig sabihin walang traffic.”

“Bakit attorney, dumadaan din ba kayo sa EDSA?” tanong ni Gian.

“Minsan, napapagawi ako roon. At kung dadaan man ako don, I will assure na maaga akong aalis para kahit traffic man ay makakarating ako sa pupuntahan ko ng mas maaga.”

“Attorney, ang pangit din kasi ng pumasok ng maaga, maghihintay ka. Ayoko pa namang pinaghihintay ako.” Opinion ni Jeff.

“You know guys, sino bang may gustong maghintay? It’s such a waste of time di ba? Pero may mga bagay na kailangan din nating maging matiyaga sa paghihintay para maging successful tayo sa buhay. Halimbawa na riyan, itong Law, kailangan mong mag-aral ng mahabang panahon para matupad ang pangarap mong maging lawyer.’

Nagtaas ng kamay ang isa pang kaklase nila Gian, “At sir sa panliligaw din, kailangan mong maghintay ng sagot mula sa babaeng nililigawan.’

“Tama ka riyan, Mr. Alvarez, kaya mo siguro napang-asawa ang misis mo dahil sa pagtiyatiyaga mo.” Napangiti naman ang lalaki. “Kaya Mr. Medina, gayahin mo si Mr. Alvarez, matiyaga.”

Napakamot ng ulo si Gian, “Matiyaga naman ako sir.”

“Sana nga. Okey let’s go on to our lesson proper.” Sabi ni Atty. Simeon.

“Kinula ka na naman, ni Atty. Simeon.” Sabi ni Jeff pagkatapos tumira ng bilyar at nakapagpapasok ng isang bola.

‘Paborito lang ako non.”

“Paano ka magiging paborito? Eh palagi kang late.” Sabi ni Mr. Alvarez.

“Galit sa mga late yun eh. Na-late na kaya yun sa buong buhay niya?”

“Mukhang hindi pa.” Sabi ni Jeff.

“Sobrang disiplinado naman nun, ang malas naman nung mapapang-asawa ng anak niya.” Sabi ni Gian, “Malamang tatakutin niya lang yun. Kawawa naman.”

“Teka ano nga ba yung anak non? Babae ba o lalaki?” tanong ni Herald.

“Chick pare.” Sabi ni Alvarez. “Nakuwento sa akin ni sir minsan na tapos na ng Marketing ang anak niya, at ngayon ay nagtratrabaho na sa Marketing department ng isang manufacturing company.”

“Wow, ano kaya ang itsura ng anak nun, siguro ang sungit din katulad ni Atty.’ Inimagine ni Gian ang itsura ng anak ni Atty. Simeon, malamang ay namana nito ang chinitong mata ng abugado at ang nakakawindang na tingin nito. “Nakakatakot.”

“Nakita ko na ang anak nun eh, minsan kasi dumadaan din yun sa school, okey naman.” Sabi ni Alvarez.

“Kamukha ni sir?” tanong ni Herald.

“Medyo lang.” Sagot ni Alvarez.

“Pero guys, sayang din yang si Atty. noh. Bakit kasi tumigil na siya sa pagtanggap ng kliyente, magaling pa naman siya.” Sabi ni Gian bago siya mag turn sa bilyar.

“That’s the mystery… kahit sino walang nakakaalam kung anong rason ni Atty. at tumigil na siya sa pag-dedepensa at mas pinili na lang ang pagtuturo sa mga bopols na law students.” Ang sabi naman Alvarez.

“Nakakapagtaka.’ At tumira uli si Gian sa bilyar.

Sabado na naman at kailangan muling pumasok ni Gian sa law school, every weekdays ay 8 hours siyang nasa law firm ng ama at sa gabi ay pumapasok sa university at kapag Sabado naman ang klase niya kay Atty. Carlos Simeon. Patakbo siyang lumabas ng kotse, as usual, traffic sa EDSA at late na naman siya, kailangan niyang makipag-unahan kay Atty. Simeon para hindi siya maconsider nitong absent. Sa corridor naman ay naglalakad ang isang babaeng may hawak na mga folder, sa pagmamadali ay nasangga niya ang babae at nahulog ang mga dala nito.

Napahinto siya at madaling tinulungan ang babae, “Miss, sorry, malilate lang kasi ako.’

Hindi nagsasalita ang babae at patuloy na lang ito sa pagdampot ng mga folders.

Pagkatapos tulungan ay tumakbo agad si Gian papasok ng classroom at nakita niya sa may pintuan ang papasok na si Atty. Simeon.

“S-sir! I’m not late.’ Inunahan niya ang abugado sa pagpasok sa pintuan at agad umupo sa silya niya.

Ngumiti si Atty. Simeon, “Siguro ay medyo traffic sa EDSA, Mr. Medina.”

Hindi na nakapagsalita pa si Gian dahil hinihingal na ito sa pagtakbo pumasok na lang ito sa loob ng classroom at umupo sa silya niya.

Nagsimulang maglecture si Atty. Simeon at sa kalagitnaan ng pagtuturo ay may kumatok sa pintuan ng classroom.

Nang sinilip ni Atty. ang pintuan ay pinatuloy niya ang tao sa labas, pumasok ang babaeng nakabangga ni Gian sa corridor, ang medyo inaantok na si Gian ay nagising sa nakita.

“Dad, dinala ko na sa faculty yung mga folders.” Sabi ng babae.

Napatitig si Gian sa babaeng kanina lang ay nabangga niya, na-attract siya sa chinitang mga mata nito at kasimplehan ng dating, para nga lang mahiyain dahil halos natatakpan na ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha.

Kinalabit ni Alvarez si Gian, “Yung anak ni Atty., yung sinasabi ko sa inyo.”

Hindi na nakakibo pa si Gian at napatitig na lang siya sa babae, hindi niya alam kung bakit parang napahinto ang pag-inog ng mundo niya at parang nag-slow motion ang buong paligid niya.

“Salamat iha.”

“Sige, dad, dadaan pa ako ng opisina.” Pagkalabas ng babae sa pintuan ay hindi alam ni Gian kung bakit siya napatayo at sinundan ng tingin ang babae hanggang sa paglabas nito na siya namang nahalata ni Atty.

“Mr. Medina, why are you standing and looking at my daughter?” matigas na tanong ni Atty.

Nagtawanan sa classroom, “Sir, na love at first sight yata sa anak niyo.” Sabi ni Herald.

Dahil sa napahiya ay napaupo na lang si Gian, “S-sorry po.”

SA KANYANG PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon