7

3K 53 1
                                    

Pumasok sa coffee shop si Gian kung saan naghihintay sa kanya sina Cara and Alice.

‘Hi! Kanina pa ba kayo naghihintay?” tanong ni Gian sa kanila.

“Hindi naman.” Sabi ni Cara, “Gian, si Alice, my bestfriend.”

“At last nagkita rin tayo nice meeting you.” Bati ni Alice sa kanya.

“Nice meeting you too.” Sabi ni Gian, tumunog ang beeper ni Gian at binasa niya ang message. “Excuse me girls, but I have to call in the office.’

“Sige.” Sabi ni Cara.

Nagpunta si Gian sa cashier upang makitawag sa phone.

“Mukhang okey siya. He is cute, it seems that he is intelligent and I think he is a nice guy.” Opinion ni Alice.

“He is.” Sabi ni Cara. “He asked me to marry him.”

Napangiti si Alice, “Oh my gosh! This is it! So do you say yes?”

“Ano pa nga ba? Ayoko naman siyang mawala sa akin pero Alice, the truth, he doesn’t know the truth.”

“Sabihin mo na kaya.”

“Natatakot ako, paano kung iwan niya ako?”

“Eh kesa sa honeymoon niyo pa kayo magkabukingan.”

“Hindi pa ako ready na sabihin ang totoo.”

Napailing si Alice, “Hanggang kailan mo ba balak itago yan?”

“Ewan ko.”

Hininto ni Gian ang kotse niya sa harapan ng bahay nila Cara. Buong biyahe ay napansin ni Gian na tahimik ang nobya at parang may malalim na iniisip.

“Kanina ka pa tulala riyan ha, may problema ba?”

Umiling si Cara, “Gian, paano kapag after na kasal natin may malaman ka tungkol sa akin..”

“Eh, ano ba yun?” tanong ni Gian sa kanya, “Meron pa ba akong di alam?”

‘Wala naman, naisip ko lang, kung kahit ano bang mangyari, matatanggap mo pa rin ba ako?”

“Cara, I want you to know, na having you in my life, I have nothing to ask for, you’re my life, you are a blessing.”

Ngumiti si Cara at niyakap ang kasintahan, “Thank you.”

Sa isang magarang hotel ay pumasok si Atty. Simeon sa isang restaurant sa hotel na yun ay naghihintay ang isang may edad na babae na naninigarilyo.

“Kailan ka pa dumating?” tanong ng abugado sa babae.

“I just arrived this morning, nang matanggap ko ang invitation ay di na akong nagdalawang isip na umuwi rito sa Pilipinas.”

‘Eh, ba’t hindi ka pa dumiretso sa bahay at kailangan mo pang makipagkita sa akin dito, Cara will be happy to see you, alam mo namang she wants to see our family complete in her wedding day.”

“Isang milagro ang pagpapakasal ni Cara, Carlos.” Sabi ng babae “Akala ko ay di na siya makakrecover sa mga nangyari sa kanya.”

“Mabait si Cara, kaya naman siguro hindi hinayaan ng Diyos na mag-isa siya.”

‘Alam ba ng lalaki ang tungkol sa nangyari kay Cara?” tanong ng babae.

“Natatakot pa si Cara na malaman niya ang totoo.”

Huminga ng malalim ang babae, “Hanggang kailan niya itatago ito?”

“Mahal ng anak mo si Gian, hindi mo siya masisisi, hayaan na lang natin siya.”

“Gusto kong makita si Cara at ang mapapang-asawa niya.” Sabi ng babae kay Attorney.

Katulong ang kusinera nila ay nagluluto si Cara dahil sa balak dumaan ni Gian sa bahay nila. Niluto niya ang specialty niya na Kare-kare at Chopsuey. Nagdoor bell sa bahay nila at agad binuksan ni Cara ang pintuan dahil inaasahan niyang si Gian ang nasa pintuan. Pagbukas niya ng pinto ay napaiyak siya sa nakita, agad niyang niyakap ang kanyang ina, “Oh, mom, I missed you.”

Ilang sandali pa ay dumating na rin si Gian, gulat ng makita ang ina ni Cara. Pareho nilang di inexpect ni Cara ang pagdating ng ina nito. Seven years rin na rin kasing hiwalay ang mga magulang ni Cara, after their annulment ay nagmigrate na ang mama ni Cara sa Sweden para ipagpatuloy ang karera nito bilang Marketing head ng isang kumpanya dun, simple lang ang dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang ni Cara, they love their career, nung una ay di matanggap ni Cara ang dahilang ito, hindi din niya kasi maintindihan, I doesn’t involve third party, pero tuwing nakikita niya ang success ng ina niya sa ibang bansa ay masaya na rin siya para dito.

Habang kumakain ay napansin ng ina ni Cara ang kaba ni Gian, nanginginig siya habang sumusubo ng kanin at ni di makatingin ng diretso sa ina ni Cara.

“Sabi ni Carlos ay naging estudyante ka raw niya sa law school.”

“O-opo.”

“Doon mo rin daw nakilala ang anak ko.”

“O-opo, saka nagkikita din po kasi kami ni Cara sa coffee shop na malapit sa opisina namin.”

“Sana ay mahalin mo ang anak ko, Gian. Sa kabila ng pagsubok na dadaanan niyo bilang mag-asawa ay sana maging matatag pa rin ang relasyon niyo.”

“Wala naman akong balak saktan si Cara, mahal ko po siya.”

“Maganda kung ganon. Let’s toast for the success of your marriage.” At nagtoast ng alak ang mga nasa mesa ng gabing iyon.

“Gian…”

Bago pumasok sa kotse si Gian para umuwi makatapos ang dinner nila sa bahay ni Attorney ay tinawag siya ng ina ni Cara.

“I’m so happy and thankful to God at may nagmahal ng ganito sa unica iha ko.”

Napangiti si Gian, “Ako po ang dapat magpasalamat sa Diyos at binigay niya sa akin ang tunay na pag-ibig na matagal ko ng hinihingi sa Kanya.”

“Mabait ka Gian at mapagmahal, ang pakiusap ko lang sa iyo, huwag mong iiwan ang anak ko kahit na anong mangyari.”

“Hindi ko po kayang iwan ang anak niya.”

Napayuko ang ina ni Cara, “Huwag kang tumulad sa akin Gian, iniwan ko siya at naging selfish sa kabila ng lahat ng mga nangyari.”

Nagtaka si Gian, Ano bang nangyari?

Magtatanong pa sana siya sa ina ni Cara ngunit hindi niya na ito tinuloy dahil napansin niyang napapaiyak ang ina ni Cara.

“You know, ganito rin siguro ang nafifeel ng parents mo, napapaiyak sila sa tuwa dahil alam nilang magiging masaya na ang anak nila.’

Napangiti si Gian.

“Gian, sige, umuwi ka na gabing-gabi na.”

“S-sige po, saka thank you po sa pagtanggap sa akin.”

Pumasok na ng kotse si Gian at tuluyan ng pinaandar ang sasakyan niya pauwi sa bahay nila.

SA KANYANG PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon