11

3K 58 0
                                    

Lumalaking malusog at energetic si Gian Junior, habang tumatagal nga ay napapansin nilang nagiging kaugali ito ni Gian. Sabi nga ng mga magulang ni Gian ay ganung ganon si Gian nung maliit, parang Junior niya.

Sa limang taong pagtatrabaho ni Cara ay nabigyan na rin siya ng promotion sa trabaho, habang si Gian naman ay unti-unti ng nakikilala bilang magaling na abugado, tunay na isang Medina.

“Sir, may kliyente po kayo.” Sabi ng sekretarya ni Gian agad na pinapasok ni Gian ang nasabing kliyente. Pumasok sa opisina niya ang isang may edad na babae dala nito ang isang babaeng sa tingin niya ay nasa dise sais ang edad, matamlay ang itsura ng mag-ina.

“Ano po ba ang maipaglilingkod sa inyo?” tanong ni Gian sa mag-ina.

“Sir, kasi ito pong ang anak ko, “ umiyak ang ina “Napagtripan po siya ng isang gang sa lugar namin ng minsang gabi na siya umuwi galing sa eskwela, wala pong nagawa ang anak ko.”

Umiyak na rin ang teenager na babae.

“Hindi na po siya nakalaban sa mga addict na yun, umuwi na lang po siyang umiiyak at napagsamantalahan na ng mga hayop na yun.”

Umusbong ang galit sa dibdib ni Gian naalala niya ang nangyari sa kanyang asawa.

“Sir, mahirap lang po kami tulungan niyo po kaming mag-ina, alam ko po na wala po akong maibibigay sa inyo pero sir kahit po kaming mahihirap ay nagnanais din ng hustisya, nagmamakaawa po kami sa inyo na tulungan ninyo kami.”

“Alam niyo misis, kung financial po ang iniisip niyo, hindi po problema sa akin yun, willing po akong tulungan kayo pero mam, may mga bagay po kasi akong dapat I-consider bago ko po hawakan ang kasong yan, ganito lang po, iiwan niyo na lang po sa akin ang number niyo at pag-iisipan ko po muna ang bagay na yan.”

“Sir, sana po hipuin po ng Diyos ang puso niyo para matulungan niyo po ang anak ko.”

“Sige po misis, tatawagan ko na lang po kayo.” Sabi ni Gian.

Pagkauwi ni Gian ay naabutan niya si Atty na nanonood ng TV.

“Andiyan ka na pala Gian, nasa itaas ang mag-ina mo, nakatulog na kasi si Junior.” Sabi ni Atty. Simeon.

Umupo si Gian sa tabi ng abugado, “Dad, may ikukunsulta po ako sa inyo.”

Pinatay ni Carlos ang TV, “Ano yun Gian?”

“May mag-ina pong lumapit sa akin, humihingi po kasi sila ng tulong, na gang rape po kasi yung sixteen years old niyang anak na dalaga, eh dad mahirap lang sila, pero dad kapag iniisip ko yung nangyari sa asawa ko katulad nung sa babae, parang, parang.”

“Gawin mo ang tama Gian.” Sabi ni Carlos, “Di ba sabi ko sayo noon sa law school a lawyer must be responsible. Responsibildad mo ang mag-inang yun, anak isipin mo na lang once naipanalo mo ang kaso, para mo na ring nabigyan ng hustisya ang asawa mo, you helped her. Gian, inaamin ko, noon naging duwag akong humawak ng mga ganyang kaso dahil nasasaktan ako at naaalala ang nangyari kay Cara, pero na realize ko dapat naging matapang ako, marami pang may kailangan sa akin, bakit ko hinadlangan sila ng wag lumapit sa akin? Maging matapang ka, accept the case Gian.”

Sinunod ni Gian ang kanyang mentor, hinawakan niya ang kaso nirefer pa nga niya si Alice para maging psychiatrist ng batang babae. Sa tagal ding imbestigasyon ay di bumitaw si Gian, patuloy pa rin silang lumaban hanggang sa mapatunayan ngang guilty ang mga lalaking ng rape sa teenager at nahatulang makulong ng panghabang buhay. Tuwang–tuwa ang mag-ina. Pagkatapos sabihin ang resulta ng kaso ay lumapit ang teenager kay Gian, “Attorney, napakabait niyo, maraming salamat po. Ang totoo po niyan, pagkatapos nito hindi ko na alam kung paano magsimulang muli ngayong may kulang na sa pagkatao ko, di ko alam kung may tatanggap pa po sa akin.”

“Iha, may kakakilala akong katulad mo, pagkatapos niyang maranasan ang ganyang trahedya sa kanyang buhay ay di na niya alam kung may tatanggap pa sa kanya, pero dumating ang araw na may tumanggap sa kanya at minahal siya at unti-unting naalis ang takot sa puso niya dahil sa pagmamahal na iyon. Bata ka pa, kaya bumangon ka, umasa kang isang araw ay may tatanggap din sayo, katulad ng kakilala ko.”

“Tatandaan ko po yun , attorney.” Sabi ng teenager.

“Alagaan mo pala ang nanay mo, nakita mo naman kung gaano siya nakiusap sa akin na tulungan ka.”

“Alam niyo, attorney, dati po akala ko hindi ako mahal ni inay, pero ng makita kong kasama din siya sa mga pagdudusa ko at talagang pinaglaban niya ako, na realize kong mahal niya talaga.”

“Tama yan, alam niyo ba kaya ko hinawakan ang kaso mo ay dahil sa pagmamahal ko… sa kakilala ko.”

Napangiti ang teenager at umalis na si Gian sa korte.

SA KANYANG PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon