8

3K 50 1
                                    

Naging busy ang magkasintahan sa pagpreprepare sa nalalapit nilang kasal. Bukod sa pag-hire ng wedding coordinator ay minabuti ng mag-asawa na magsuggest sila ng mga bagay na gusto nilang mangyari sa kasal, sila ang namili ng mga kantang ipatutugtog sa kasal, yung mga kantang naging inspiration nila sa kanilang pagmamahalan.

Dumating ang special na araw na iyon, kasama ang kanyang ama ay nagmartsa si Cara sa aisle na suot ang puti at eleganteng wedding gown niya habang sa may altar naman ay naghihintay ang lalaking pinapangarap niyang makasama habang buhay.

Nagpalitan sila ng vows hanggang sa sabihin ng pari na "You may kiss the bride."

Excitement ang nararamdaman ni Gian, sa wakas after long months na mag-on nila ni Cara ay ngayon pa lang niya mahahalikan ang asawa.

Nang palapit na ang mukha ni Gian ay napaatras si Cara, may naramdaman siyang takot sa sarili niya, nang mapansin ni Gian ang reaksiyon na iyon ni Cara ay nagtaka siya, dahil na rin sa nakitang pagtataka ni Gian ay si Cara na ang kusang humalik kay Gian sa labi nito.

Para namang magic ang naramdaman ni Gian, ganon rin si Cara, hindi niya alam na malalampasan niyang takot na ito. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa simbahan nang maghalikan sila.

Natapos ang kasalan, lulan ng barko ang bagong kasal biyaheng Palawan para maghoneymoon. Pag-apak pa lang sa barko ni Cara ay agad dumungaw siya bintana at tinginan ang paglubog ng araw sa karagatan, napangiti siya sa kagandahan ng araw.

Sa likuran ni Cara ay yumakap si Gian sa kanya, napapikit si Cara, may mga imaheng naglalaro sa isipan niya habang yakap siya ni Gian. Naririnig niya ang kanyang boses sumisigaw, nakikiusap habang may isang estranghero ang nakayakap sa kanya, hindi yun, hindi ganito ang yakap niya sa akin, masakit ang mga yakap na iyon, ngunit ang yakap na ito ni Gian sa akin ay masarap sa pakiramdaman na para bang ayaw kong makawala sa mga bisig niya. Nawala ang mga imahe na iyon sa isipan ni Cara ngunit nanatili pa rin siyang nakapikit habang dinadama ang mga bisig ni Gian.

"Cara..." bulong ni Gian sa asawa, "Mahal na mahal kita."

Napangiti si Cara sa narinig, "Mahal din kita."

Hating gabi sa barko hindi makatulog ang mag-asawa kaya naisipan muna nilang pumasok sa bar sa barko kung saan nagperperform ang isang banda.

Sa mabilis na musika na pinatugtugtog ng banda ay nagsisayawan din ang mga tao sa loob ng bar, hanggang sa naging slow music na ang kanilang pinatugtog. May mga taong umupo na lang sa tabi upang manood ngunit hindi si Gian at Cara at ang iba pang magkakasintahan sa loob ng bar.

Kinuhan ni Gian ang mga braso ni Cara at inilagay ito sa kanyang balikat habang ang mga kamay niya ay nasa likuran ni Cara.

"Masaya ka ba?" tanong ni Gian sa asawa.

"Sobra." Sagot ni Cara.

Umagang-umaga ay dumaong na ang barko sa Puerto Princesa, bumaba ang mag-asawa at tumuloy agad sa hotel na tinutuluyan nila.

Binuksan ni Cara ang bintana sa hotel room at tumabad sa kanya ang kagandahan ng Puerto Princesa, ang malalagong puno nito at halaman. "Wow, Gian ang ganda-ganda naman dito!"

Umupo si Gian sa kama para magtanggal ng sapatos. "I told you, walang sinabi ang Italy sa ganda ng Pinas noh, this is the romantic place."

"Hmp! Ikaw talaga kinokontra mo na naman ang tatay ko."

Ngumiti si Gian. "Wala naman siya rito."

"Isusumbong na lang kita." Hamon ni Cara sa asawa.

"At paano mo naman ako isusumbong?" tanong ni Gian sa asawa.

Kinuha ni Cara ang receiver ng phone, "Tatatawag ako sa Maynila."

"Ganon ha!." Hinila ni Gian sa Cara hanggang sa mabitawan ni Cara ang receiver at kiniliti nito si Cara hanggang sa di mapigilan ni Cara ang paghalakhak habang nakahiga sa kama.

Tumigil si Gian sa ginagawa niya at lumuhod sa kama habang tinitignan si Cara na wala pa ring tigil sa paghalakhak.

Nang mapansin ni Cara na titinitignan siya ni Gian ay napahinto ito sa pagtawa.

"Maligo na muna tayo." Sabi ni Gian.

Umupo ng maayos si Cara sa kama, "Mauna ka na."

"Hindi ba tayo magsasabay?"

Napahinto si Cara, parang nakaramdam siya muli ng takot. Dinaan na lang sa biro ni Cara ang takot na nararamdaman niya, "Ayoko nga! Umagang-umaga ginaganyan mo ako, saka aayusin ko pa itong gamit ko, mauna ka na, bilisan mo na rin kasi mamaya-maya lang ay darating na yung tour guide natin."

"Okey bahala ka." Kinuha na ni Gian ang tuwalya at nagtuloy na ito sa bathroom pa ra maligo.

Nang isara na ni Gian ang pintuan ng bathroom ay tumingin si Cara sa pintuan nito, nalungkot siya para sa asawa, I'm so sorry Gian kung mahihirapan ka sa akin.

Nagtungo ang mag-asawa sa sikat na Underground River sa Palawan. Natuwa ang magasawa sa kagandahan ng kweba. Pagkatapos nun ay nag island hopping sila kung saan nag snorkeling sila at nakita ang magagandang isda sa ilalim ng tubig.

Natapos ang buong trip, pagod na pagod ang mag-asawa. Pagkabalik agad sa hotel ay nag-shower na si Cara at nagpalit ng damit na pampatulog, sumunod naman si Gian.

Bago lumabas si Gian sa bathroom ay nagpabango ito, alam niya na ito na ang tamang oras nila ni Cara, at bilang lalaki ay excited na siya para rito. Dinagdagan pa niya ang pabango sa katawan niya para kahit pagpawisan siya ng matindi ay mabango pa rin siya.

Lumabas siya ng bathroom na nakatapi lang ng tuwalya, napahinto siya ng makita niya si Cara na nakapikit at humihilik, kesa gisingin si Cara ay hinalikan na lang niya ito sa pisngi at bumalik sa bathroom para makapag-suot na ng pajama.

Pagpasok ni Gian sa bathroom ay nagmulat ng mata at nagkukunwaring natutulog na si Cara, Gian, I'm so sorry, pero natatakot ako at malamang kapag may nangyari sa atin baka ma-disappoint ka lang sa akin.

Day 2 ng honeymoon nila sa Palawan ay binisita naman ng bagong kasal ang buong Puerto Princesa, kumain sa mga restaurant at pumasok sa Tabon Cave.

Sa lobby pa lang ay masaya pa ring pinagkukuwentuhan ng mag-asawa ang experience nila sa trip nila.

Sa kapaguran ay napahiga silang dalawa sa kama.

"Hay, sana pumunta uli tayo rito." Sabi ni Cara.

"Sa susunod ay isasama na natin ang mga anak natin." Sabi naman ni Gian.

"Oo naman." Sagot ni Cara.

Habang nakahiga si Cara ay umibabaw agad si Gian kay Cara at hinalikan ito sa labi.

Kahit may takot ay tumugon si Cara sa mga halik na iyon ni Gian. Habang hawak ni Gian ang isang pisngi ni Cara ang isang kamay naman ni Gian ay nagtungo sa ibabaw ng dibdib ni Cara at binuksan ang butones nito, nang maramdaman ni Cara ang kamay ni Gian na nasa loob na ng blouse niya ay agad naitulak ni Cara ang asawa at umupo siya sa kama, hawak ang blouse niya upang takpan ang dibdib niya at nag-iiyak.

Nataranta si Gian, inisip niya na nasaktan niya ang kanyang asawa, kaya agad siyang tumabi sa asawa at humingi ng paumanhin.

Ngunit di pa rin tumatahan si Cara, "It's not your fault Gian, you don't have to be sorry, it my responsibility to give myself to you pero di ko magawa."

Maslalong naguluhan si Gian, "Ano bang problema Cara?"

"Please, Gian, umuwi na tayo bukas."

"Ha? O-okey." Hinagod ni Gian ang likuran ni Cara, "Matulog ka na okey, tahan na."

Sa kapaguran din sa pag-iyak ay nakatulog din si Cara. Habang natutulog si Cara ay dahan-dahang tumayo si Gian at bumaba sa bar ng hotel para uminom ng alak. Habang umiinom ay nasa isip pa rin ni Gian ang problema ng asawa.

SA KANYANG PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon