13

3K 53 4
                                    

Kakakausap lang ni Alice kay Cara para sa counseling nito, kaya naman pagkatapos ng pag-uusap nila ay tumawag agad si Alice kay Gian at itinuro sa kanya ang dapat gawin. Agad namang naintindihan ni Gian ang mga instructions ni Alice.

"Okey, Alice, I will do that, thank you." Binaba na ni Gian ng pumasok naman sa kwarto ang sekretarya ni Gian.

"Attorney, may bisita po kayo, kaibigan niyo raw noong college, Marco raw po."

"Sige, papasukin mo siya."

Pumasok naman ang rugged na si Marco at agad umupo sa silyang nasa harapan ni Gian.

"Mukhang problematic ka tol ha?" tanong ni Marco habang nagsisindi siya ng sigarilyo niya.

"Ahm.. may problema lang sa bahay." Matamlay na sagot ni Gian.

"May L.Q. kayo ni misis?"

Napangiti si Gian.

"Hindi problema yan, gimik tayo mamaya, may chicks akong nakilala, malinis ito pare, mahal nga lang maningil, pero mayaman ka naman eh, can afford mo yun."

Napangiti lang si Gian, :"Tol, ayoko ng ganyan."

"Huh ang loyal mo naman sa asawa mo. Kaya nga di pa ako nag-aasawa eh, ayoko yung may sumusunod-sunod sa akin."

"Hindi naman kami nag-away ni misis." Sabi ni Gian, "May problema kasi siya."

Bumuga ng usok si Marco, "Pasan mo ang daigdig ngayon. Ikaw talaga kapag nagmahal, pasan ang daigdig, naalala ko pa non kung gaano ka kalakas uminom nung nagbreak kayo ni Helen. Ang hirap mong iuwi sa bahay non, saka kung anu-ano na ang pinagsasabi mo."

"Natural na lang yun, first love ko kasi si Helen, saka masakit naman talagang makita yung syota mo may kahalikang ibang lalaki."

"Asus ayos lang yun, alam mo kung didibdibin mo yung mga bagay na yun, pagtatawanan ka lang ng mga babae, boys don't cry di ba?"

"Hindi din." Sagot ni Gian, "Saka tol wag mo na ngang ipaalala sa akin yang si Helen, may asawa na ako."

Natawa si Marco, "Loyal na mister ka talaga. Nakakatawa ka kasi noon saka hindi ko makakalimutan yung araw na yun kasi dahil din sa araw na yun kaya nagkawatak-watak na ang grupo."

Napatingin si Gian kay Marco nang marinig ang mga sinabing yon ng dating ka-grupo.

"Yung babaeng ka-table namin non, yung sinabi ko sayong sumama ka sa amin kasi may kasama kaming dise otso anyos, yung babaeng yun, siya ang nagdemanda sa amin ng rape."

Biglang kinabahan si Gian at inalala ang gabing iyon.

Kahit hilong-hilo na siya sa kakainom ay di pa rin maalis sa isip niya ang pag-iwang ginawa sa kanya ni Helen. Nag-aaral pa siya noon ng Political Science nang makita niya ang ex niyang si Helen sa isang sulok ng university na nakikipaghalikan sa isang kilalang basketball player ng school nila. Halos gumunaw ang mundo ni Gian nang makita niya iyon, first love niya si Helen, yun ang unang pagkakataon niyang maneryoso ng babae, pero tila kinarma siya dahil niloko lang siya ng babeng minahal niya. Hindi niya rin alam kung anong meron si Helen at nagustahan niya ito, maganda si Helen kung sa maganda pero marami na ring lalaking na link sa kanya, kilala ngang syota ng bayan si Helen sa university nila. Nang malaman ng mga dating kagrupo ni Gian ang pagkabigo niya kay Helen agad nila itong niyayang magdisco sa may Quezon Ave. di naman tumanggi si Gian, gusto niyang magwala at makalimot.

Habang umiinom si Gian ay may dumating naman na grupo ng mga babae na lumapit sa dating mga kasamahan niya, parang hinihiling ng mga babae na-samahan ang isa nilang bagong kaibigan na may problema, tinignan ng mga kasamahan niya ang babae na nasa kabilang table at nakita nila ang isang dise otso anyos na umiinom din at parang may dala-dala ring pasanin sa buhay. Hindi pinansin ni Gian ang babae, wala siyang interes sa babaeng iyon dahil ang laman ng isip niya ay si Helen at si Helen lang. Tumayo si Marco at nilapitan ang babaeng nasa kabilang table.

"Ano tol? Dise otso raw, kasing-edad mo, gusto mo sayo na?" tanong ng leader ng gang kay Gian.

"Hay naku, wag niyo akong idamay diyan, I'm not interested."

"Maganda naman ha."

"Maganda? Si Helen lang ang maganda sa mundong ito, siya lang at wala ng iba." Tumayo si Gian at lumapit sa may bar para magsolo, paglingon niya ay nakita na lang niya ang babae na nakaupo na sa may table ng grupo. Pilit niyang tinitignan ang itsura ng babae pero hindi niya maaninag, hilo na siya at blurred na ang paningin niya, basta ang alam niya lang mahaba ang buhok ng babae at nakita niya si Marco na may nilalagay sa basong iniinuman ng babae. Napangisi lang si Gian at bumalik sa pag-iinom niya.

Ilang sandali pa ay lumapit sa kanya si Marco, "Dude, ano sama ka na, don kami sa van sa parking lot, sasayarin na naming itong babaeng ito."

"Ayoko, gusto ko si Helen."

"Tol, kalimutan mo na si Helen, ano, kapag pumayag ka, sosolohin mo na itong babaeng ito, sayo na ng buong-buo, saka tol." Bumulong siya kay Gian, "Fresh na fresh ito, di pa nagkaka-BF, ano? Ayos ito, pwede kayong mag-sama."

Umiling si Gian, "Wala akong pakialam!"

"Sayo na nga lang eh, hindi na namin paghahatian, solong-solo mo na."

"Ano ba! Iwan niyo na ako!"

Hindi na namilit pa si Marco, bumalik na muli ito sa table nila at niyaya na ang mga kasamahan na lumabas kasama ang babae, narinig ni Gian na tanung ng tanong ang babae kung saan sila pupunta pero di sumasagot ang mga kasama niyang lalaki.

Ilang oras na ang nakakaraan ay tuluyan ng nawalan ng malay si Gian. Lumapit sa kanya si Marco at pilit na ginigising siya. "Tol, uwi na tayo."

"Ano ba?"

"Tol, tayo na lang ang nandito."

"Nasaan na sila?" tanong ng lasing na lasing na si Gian.

"Yung isang van umalis na, iuuwi na kasi nila yung babae, bigla kasing nag-iiiyak." Sabi ni Marco.

Napangiti si Gian, "Tignan niyo na umiyak, tapos gusto niyo pa ako ang tumira riyan."

Hinila na ni Marco si Gian palabas sa disco na iyon.

Ang naalala pa ni Gian ay kinabukasan non ay pinagmumura na siya ng daddy niya dahil dumating siya sa bahay na lasing. Pinarusahan siya ng grounded ng kanyang ama at pinagbawalan ng makipagkita kay Helen at sa frat na iyon at makipagdate sa mga babae, binawasan na rin ng daddy niya ang allowance niya dahil sa sobrang galit sa kanya.

Sa panghihinilang iyon ay nagtanong si Gian kay Marco, "Pare, ano nga palang pangalan nong babaeng nagdemanda sa inyo kamo ng rape?"

Naghithit ng sigarilyo si Marco, "Ah yun, Cara... Cara Simeon."

SA KANYANG PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon