6

3.1K 55 1
                                    

Ang alam ni Cara ay nasa madilim na lugar siya na napapaligiran ng iba’t ibang ilaw, may naririnig siya, nagsisigawan pero hindi niya maintindihan, unti-unting nawala ang kanyang paningin at bumagsak ang katawan hanggang sa maramdaman na lang niya na parang lumilipad siya, kung saan siya patungo, di niya alam kung saan siya mapupunta basta ang alam niya, hindi niya na kayang kumilos pa.

Nararamdaman niyang parang nakahiga na siya sa isang matigas na papag at nakakarinig ng mga taong nag-uusap pero di niya maintidihan ang pinag-uusapan.

“Anong gagawin niyo? Nasaan na ba tayo?” nasabi niya pero wala siyang marinig na tugon. “Iuwi niyo na ako.” Wala pa rin siyang naririnig na tugon, hanggang sa naramdaman niya na may mainit na katawan na lumapit sa kanya.

Napagising si Cara sa kama niya, napaiyak siya, akala niya’y mangyayari ulit ang nakaraan, buti na lang at panaginip lang ang lahat. Isang masamang panaginip, na parang multo, kinatatakutan. Hindi tumila ang kanyang pag-iyak hanggang sa nagulat na lang siya sa pag-ring ng phone niya.

Inangat niya agad phone, “Hello?”

“Hi!” boses ito ni Gian, “Am.. natutulog ka na ba? Naistorbo ba kita?”

“No, hon…buti nga tumawag ka…”

“Why? Is there a problem?”

“Nanaginip lang ng masama.”

“Ssshhh… wag mong intindihin yung panaginip na yun, kabaligtaran yun.”

Ngumiti si Cara, “Yah, siguro nga.”

“Oh sige, tsinitsek ko lang kung gising ka pa, tulog ka na ulit, love you.” Lambing ni Gian.

“Sige, Love you too.’ Binaba ni Cara ang telepono at nagpatuloy sa kanyang pag-tulog, ipinagdasal na lang niya na sana ay di na niya mapanaginipan muli iyon.

Sa parking lot sa may Makati ay nagkatime ang dalawa na mapag-isa. Naglabas si Cara na isang card at ibinigay ito kay Gian.

“Ano ito?” binuklat ni Gian ang card, binasa at napangiti siya.

“Talaga?” nasabi ni Gian, “Noon mo pa pala ako dinidiskartehan ha.”

Tinulak ni Cara si Gian, “Ang kapal mo talaga.”

“Saan mo ba ako unang nakita?” tanong ni Gian.

“Sa parking lot sa school, lumabas ka ng kotse mo, naka-Ray Ban ka pa nga noon eh, tapos pinagtitinginan ka pa nga ng ibang babae, then…”

“Type mo na ako noon.”

“Sabi ko noon, guwapo ka sana kaya nga lang mukha kang mayabang.”

“Hoy hindi ako mayabang noh, maporma lang, siyempre ini-enhance ko lang ang kaguwapuhan ko.”

“Kaguwapuhan? Akala ko ba di ka mayabang.”

“Nagd-deny ka ba, eh, nakaguwapuhan ka naman talaga sa akin.”

Nagmake face si Cara na parang naiinis.

Inakbayan ni Gian si Cara, “Honey, wala ka bang napapansin?”

Biglang kinabahan si Cara, “Ano ba ang dapat kong mapansin?”

“Walang tao dito sa parking lot, tayo lang dalawa.”

Napalunok si Cara, “Gian, I’m so sorry, pero ayoko.”

“Eh, Cara, kiss lang naman ang hinihingin ko sayo, wag kang matakot.”

“Eh, kahit na, sorry.”

“Ganyan ka ba talaga ka-conservative, oh… ah, hindi mo pa pala nai-experience ang mahalikan, siguro natatakot ka.”

Tumango na lang si Cara, ‘Sacred kasi yang mga bagay na yan sa akin.”

Ngumiti si Gian, “Okey, I understand.”

“Hindi ka ba, galit?” tanong ni Cara.

“Of course not, actually, kahit hindi na tayo maghalikan basta andito ka lang, I’m okey na.” Sabi ni Gian, “So, honey, saan tayo pupunta ngayon?”

“Doon kaya tayo sa bahay, magbibake ako ng Baked Macaroni.”

“Wow, mukhang masarap yun ah.” Sa kagutuman ay agad pinaandar ni Gian ang sasakyang papunta sa bahay nila Cara.

Lumipas ang ilang buwan at naging smooth ang relationship nila Cara at Gian, kahit minsan ay nagkakatampuhan ay nagbabati naman agad sila. Sa ilang buwan ding yun ay nakagraduate na rin si Gian sa law school at kasalukuyang nagrereview na para sa bar exam habang si Cara ay busy pa rin sa pagtatrabaho bilang Marketing Assistant.

Sa graduation party ni Gian ay naisip niyang magpaparty sa bahay nila.

‘You should be proud of me attorney.” Sabi ni Gian ka Atty Simeon.

‘Who says I’m not proud of you. Of course, I’m proud of you. Para na rin kitang anak.” Sagot naman ng abugado.

“Ma, Pa, Cara, narinig niyo yun, okey na ako maging son in law ni Atty.” nagtawanan lang ang mga kasama nila.

Lumayo muna ang magulang ni Gian at si Attorney sa dalawa para I-entertain ang ibang guests. Pagkaalis ng mga ito ay agad namang hinila ni Gian si Cara sa likuran ng isang puno sa garden nila.

Natakot muli si Cara sa kasintahan at lumayo siya dito, “Anong gagawin mo?”

“Ha? Eh wala naman akong gagawing masama, natural lang naman ang gagawin ko.”

Napaatras lalo si Cara kay Gian, “Gian, wag kang lalapit sa akin, kundi sisigaw ako.”

“Ha? Bakit ka sisigaw? Cara naman…” lumapit si Gian.

Tumaas na ang boses ni Cara, “Gian subukan mong gawin yan, tatamaan ka sa akin!”

‘Ano ba yang iniisip mo?’ may kinuha si Gian sa bulsa niya.

“Ano yan?”

Kinuha ni Gian ang kamay ni Cara at may isinuot siya ritong singsing, “Cara, will you marry me?”

Napatigil si Cara, “Bakit?’

“Anong bakit? Mahal kita Cara.”

‘Pero ilang months pa lang tayo.”

“Importante pa ba yun? Mahal kita, at gusto na kitang makasama habang buhay.”

Napatigil si Cara at napaiyak, “Sigurado ka ba?’

“Oo naman.” Agad na sagot ni Gian, “Ano bang problema?”

“Am.. Gian, meron ka pa kasing di nalalaman tungkol sa akin.”

Napag-isip si Gian, “Ano yun?”

“Ammm.” Parang gustong tumakbo ni Cara, gusto rin naman niyang magpakasal sa lalaki, pero natatakot siya na baka pagsisihan ng lalaki ang pagpapakasal nito sa kanya once na malaman niya na….

“Gian, ano kasi eh, malakas akong maghilik kapag mahimbing na ang tulog ko baka mahirapan ka lang sa akin.”

Natawa si Gian, “Problema ba yun? Eh di, magtatakip ako ng tainga para makatulog ako.”

“B-baka, mahirapan ka, kawawa ka naman.”

“Ay naku, ayos lang yun, ang totoo nga niyan malakas din akong maghilik, maganda nga yun eh, Mgdu-duet tayo sa paghilik huwag mong problemahin yun ang importante kasama kita.’

Napangiti si Cara sa sinabi ni  Gian ngunit di pa rin maalis sa kanya ang mangamba, “Eh ba’t ka ba ganyan?! Ba’t napakaunderstanding mo! Hindi ka ba nawiwirduhan sa akin, napaka-patient mo, napakamatiisin mo tapos ngayon pakakasalan mo ako!” pasigaw na nasabi ni Cara.

“Eh ba’t ang dami mo bang bakit?! Kaya ko ginagawa ito kasi mahal kita period, period, period.” Napahinga ng malalim si Gian, “Ang simple lang naman ng tanong ko, oo o hindi, kung anu-ano pa ang sinasabi mo.”

“Yes.”

“Ano?”

“Oo, magpapakasal na ako sayo.”

SA KANYANG PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon