9

2.9K 57 1
                                    

Bumaba ng eroplano ang mag-asawa at sinalubong sila ni Atty. Simeon sa airport. Nakiusap kasi ang abugado na doon muna tumira ang mag-asawa sa bahay niya dahil ayaw ng abugado maiwang mag-isa sa bahay, nakabalik na rin kasi ang ina ni Cara sa Sweden pagkatapos ng kasal.

Habang nagmamaneho ang abugado ay napansin niyang tahimik si Cara habang si Gian ay napakadaldal na ikunukwento ang magagandang tanawin sa Palawan.

"Nag-enjoy ka ba sa trip iha?" tanong ni Atty. sa anak.

"Of course dad." Simpleng ngiti na sinabi ni Cara sa ama.

Nanonood ng TV si Cara at ang kanyang ama habang si Gian na ang nagvolunteer na magluto para sa kanilang dinner.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Atty. sa anak.

"Natatakot ako dad."

"Ipagtatapat mo na ba?"

"Hindi ko kaya."

"Ako na ang mag-sasabi." Sabi ng abugado.

Pagkatapos agad ng hapunan ay tumuloy na si Cara sa kwarto nila ni Gian, habang niyaya naman ni Atty. si Gian na magbeer muna sa may garden.

"Masaya ka ba sa anak ko?" tanong ng abugado kay Gian.

"What a question? Of course, she is what I dreamed of, alam niyo naman yan dad di ba?" sagot ni Gian.

"Kahit wala pang nanyayari sa inyo?"

Napahinto si Gian, "Hindi naman kami nagmamadali dad, pagod lang kami talaga kaya di namin magawa. Saka one week pa lang kaming kasal. Siguro dad, excited na kayong magka-apo noh."

"May trahedyang nangyari sa pamilya namin kaya huminto ako sa pagtanggap ng kliyente at piniling magturo na lang sa law school. Gian, It was six years ago when my marriage got annulled, hindi iyon agad natanggap ni Cara kaya natututo siyang magrebelde, sumama sa masasamang barkada hanggang sa isang gabi ay tumakas siya kasama ang barkada niya, nagpunta sila sa isang disco kung saan nagpakilala kay Cara ang isang grupo ng mga lalaki, nilasing siya ng mga ito at nilagyan ng drugs ang iniinom niya, Gian, your wife was raped by a gang when she was eighteen years old. She suffered trauma for six years, si Alice, hindi lang siya best friend ni Cara, psychiatrist din siya ng anak ko."

Nagkaroon ng galit na naramdaman si Gian pero hindi kay Cara kundi sa mga lalaking gumahasa sa kanya, napaiyak at napasigaw sa galit. "Mga hayop sila! Nasaan na sila ngayon?"

"I don't know, nag file kami ng demanda at investigation sa mga nangyari pero hindi na nila nakita pa ang mga suspects, ilang taon din namin silang hinanap pero ni isa sa kanila, di namin nakita, hindi namin alam kung paano nangyari yun." Umiyak ang abugado, "Nahihiya ako sa sarili ko Gian, nahihiya ako sa anak ko, nakapagbibigay ako ng hustisya sa ibang tao pero sa sarili kong anak, hindi ko nabigyan."

Nagtungo sa banyo si Gian, humagulgol siya ng iyak at sinuntok ang pader, "Mga hayop kayo! Mga hayop kayo! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo kay Cara, mga hayop kayo!"

Alas dose na ng gabi ng huminahon na si Gian at pumasok sa kwarto nila Cara, naabutan niya si Cara na kaupo sa kama at umiiyak. Tumabi si Gian sa asawa at niyakap ito.

"Gian, may mga bagay akong gustong ibigay sayo pero di ko magawa kasi natatakot ako, patuloy pa rin nila akong ginugulo, sa panaginip, ginugulo nila ako, Im so sorry Gian, I know iniexpect mo na buo akong haharap sayo, pero hindi Gian."

"Ssshhh.. Cara hindi yun ang habol ko sayo, mahal kita kaya kita pinakasalan."

"Gian gusto kong magkaroon tayo ng sariling pamilya." Sabi ni Cara. "Pero ayoko ng maalala ang mga nakaraan kong yun."

"Cara, magtiwala ka sa akin." Hinarap niya si Cara, "Pumikit ka."

Pumikit si Cara, naghubad ng pang-itaas si Gian at pinatay ang ilaw. "I want you to feel my love Cara, in every touch, in every kiss, in every move that I'm going to make."

Hinaplos ni Gian ang labi ni Cara "Napakaganda mo." At hinalikan ang labi ng asawa, sa una ay malambot ito at habang nagtatagal habang patuloy na tumutugon si Cara sa mga halik ni Gian ay lalong nagiinit ang mga halik na iyon. Hanggang sa ihiga ni Gian ang asawa sa kama at hinaplos ang bawat bahagi ng katawan nito.

Kesa takot ang maramdaman ni Cara sa ginagawa ni Gian ay nakaramdaman siya ng ligaya, ibang-iba ito sa naramdaman niya noon na parang sa bawat haplos ay nasasaktan siya at gustong manlaban, iba si Gian, iba ang mga haplos nito parang ayaw niyang pahintuin ang asawa at parang may inaasam pa siya, may gusto pa siyang maramdaman.

Hinahalikan ni Gian ang ibang bahagi ng katawan ni Cara nang maramdaman ni Cara na hindi niya kayang pigilan pa ang nararamdaman, napa-ungol na lang ito at nasabing "I want you Gian."

Hinalikan muli ni Gian ang labi ni Cara saka binigay ni Cara ang kanyang sarili kay Gian ng buong buo at walang takot.

Natapos ang gabing iyon, hindi pa rin makapaniwala ni Cara na nalampasan niya ang kinakakatakutan niya. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nakita niya si Gian na katabi niya mahimbing na natutulog habang takip ang hubad na katawan nito ng kumot, di siya iniwan sa kabila ng pagkatuklas nito sa kanyang nakaraan. Ilang sandali pa ay nag-unat si Gian at ningitian si Cara na kanina pa siya pinagmamasdan.

"Anong oras na ba?" tinignan ni Gian ang bintana, madilim pa sa labas.

"Alas tres pa lang ng madaling araw." Sabi ni Cara.

'Hay, maaga pa pala."

Magsasalita pa sana si Gian ng biglang umibabaw sa kanya si Cara at hinalikan ito sa labi niya. Sa puntong ito, si Cara naman ang nagpadama ng pagmamahal kay Gian hanggang sa maulit muli ang kanilang pagniniig.

SA KANYANG PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon