12

2.9K 56 1
                                    

Lumipas ang isang taon ay muling nagkaanak si Cara ng batang babae at Mara naman ang ipinangalan nila dito, nakuha naman ni Mara ang features ng mukha ni Cara at lumaking bibo at matalino ang bata.

After three years ay maslalong nakilala si Gian sa profession niya, at di naman niya itinanggi na ang kanyang father in law at ang kanyang ama ang naging inspirasyon para maging isang magaling siya na abugado hindi niya kasi kinalimutan ang mga payo nila sa kanya. Marami na ring natulungan si Gian sa profession niya, may mayaman at meron ding mahirap, naging counselor din siya at legal adviser ng iba’t ibang institution. Sa daming natulungan at naipanalong kaso ni Gian ay ikinararangal siya ng mga taong nakakakilala sa kanya.

Si Cara naman ay patuloy na ring napropromote sa trabaho niya, nagugustuhan din kasi ng mga boss niya ang pinapakita niyang ugali at performance sa trabaho kaya hindi nila ipinagkait kay Cara ang mga position na inaasam nito.

Ang mga anak naman nila ay nagsimula ng pumasok sa eskwela, si Junior, grade one na at si Mara naman ay ipinasok na nila sa nursery. Enjoy naman ang dalawang bata sa buhay nila dahil naging mabuti at responsableng mga magulang sina Cara at Gian sa kanila.

Namamasyal si Cara sa mall kasama ang katulong niya upang mamili ng gamit sa kanilang bahay. Napahinto si Cara sa pamimili nang may nakita siyang pamilyar na mukha na naglalakd sa mall, napansin niya ang isang lalaking nakasuot ng itim na T-shirt at may hikaw sa baba, sa tainga at sa kilay. Biglang may pumasok sa kanyang alaala na nagpatigil sa kaniya.

Madilim na madilim sa disco noon, kasama ni Cara ang mga barkada niya, pinaupo siya sa isang tabi at pinainom ng alak ng mga kasamahan niya, hindi siya nagdalawang isip na tanggihan yun, gusto niyang malasing, makalimutan ang mapait na paghihiwalay ng kanyang magulang. Habang umiinom ay may lumapit sa kanya na isang lalaki.

“Hi! Baka naman pwede ka naming makasama sa table.” Itinuro ng lalaki ang table nila at kumaway ang grupo ng lalaki, “Gusto ka kasing makilala ng leader namin.” At kumindat ang lalaki sa kanya.

Hindi alam ni Cara ang gagawin kaya binulungan siya ng isa niyang kabarkada, “Sumama ka na, okey yang mga yan.” At dahil nga sa kantiyaw ng barkada ay sumama siya sa table ng mga lalaking iyon.

“Mam, may problema ba?” tanong ng katulong ni Cara ng mapansin siya nito na parang wala sa sarili.

Nang magkamalay ay bumalot ang takot sa katawan ni Cara, ‘Umuwi na tayo.”

“Pero mam wala pa tayong naipamimili.” Katwiran ng katulong.”

Napasigaw si Cara, “Pwede ba! Kailangan na nating umuwi, umuwi na tayo!”

Sumunod na lang ang katulong dahil natakot siya na baka masigawan pa muli siya ng kanyang amo.

Sa loob ng kotse ay di pa rin maalis ni Cara ang takot na nararamdaman niya, napapikit siya at nakitang muli ang imahe ng lalaking iyon, nakatingin sa kanya, pinagpapawisan ito, at kahit sumisigaw na siya ay ayaw pa rin siya nitong tantanan. Nimulat agad ni Cara ang mga mata niya at napailing, ayaw niya na muling maalala ang mga bagay na yun, tahimik na ang buhay niya at nakarecover na siya sa traumang nadanasan niya.

Sa isang coffee shop sa mall ding iyon ay may interview si Gian sa isang journalist, nang matapos na ang interview at nagpaalam na ang interviewee ay napansin ni Gian ang lalaking nakaitim at may hikaw sa tainga, baba at kilay na pumasok sa coffee shop.

“Marco!” tawag niya sa lalaki.

Napalingon ang lalaki at napangiti nang makita si Gian, “Gian!” lumapit ang lalaking nagngangalang Marco at niyakap si Gian, “Hoy, Attorney Gian Medina ka na pala ngayon.”

“Ah, oo nga eh.” Nahihiya pang sagot ni Gian, pinaupo niya ang lalaki at pinag-order niya ng kape ng katulad din niya.

“Ano, tol, kamusta, kailan ka pa bumalik ng Pilipinas?” tanong ni Gian.

“One month na.”

“Eh ba’t kasi biglaan kang pumunta sa Australia, ni hindi ka man lang nagpaalam?” tanong muli ni Gian.

“Paano ba naman, may gagang babae ang nag file ng kaso sa grupo namin, rape daw, siyempre natakot kami, kaya naisipan naming maghiwa-hiwalay na ng grupo, kaya ganon sabay-sabay kaming nagtago.”

“Mga sira ulo kasi kayo.” Sabi ni Gian.

“Siya ang sira ulo, yung babaeng yun, makatapos sumama sa amin, sasabihan kaming mga rapists.” Sabi ni Marco. “Ikaw? Nang huli kitang makita, depress na depress ka noon kay Helen, niyaya ka nga naming noon na sumama sa amin dahil may nabingwit kaming chick pero tumanggi ka dahil nakipagbreak sayo si Helen.”

“Hay naku pare, matagal na yun, may asawa na ako at dalawang anak na rin ako.”

“Ows? Ang dating chickboy may nauto ng pakasalan siya.” Sabi ni Marco.

“Sira, mahal ko ang asawa ko.” Proud na sinabi ni Gian kay Marco.

“Teka, eh, kamusta na ngayon ang grupo? Talaga bang nalagas na kayo?”

“Tuluyan na pare, dahil nga sa babaeng yun.” Sabi ni Marco.

“Pabalik ka pa niyan sa Australia?” tanong ni Gian.

“Oo pre, nagbakasyon lang naman ako dito eh.”

“Minsan dalaw ka naman sa opisina ko pare para naman magkakwetuhan tayo.” Paanyaya ni Gian,

“Oo ba.” Sabi ni Marco.

Nakahiga lang sa kama si Cara, naluluha, naalala niya muli ang mga nangyari sa kanya noong dise otso anyos pa lang siya.

“Pumasok si Gian sa kwarto, hinalikan si Cara sa pisngi at nagsimulang magtanggal ng kasuotan, “Alam mo hon, nakita yung kafrat ko noon sa coffee shop kanina, galing Australia, ang tagal ding nawala non, yun pala may pinagtataguan. Ay di ko pala naikuwento sayo noh, dati kasi member ako ng frat, umalis lang ako dahil nalaman ni daddy at nagalit siya sa akin, siyempre kumalas na lang ako kesa mawalan ako ng allowance.” Napansin ni Gian na parang walang reaksyon si Cara sa mga kinukwento niya.

“Cara?” tanong ni Gian sa asawa, “Cara, may problema ba?”

Narinig na lang niyang humihikbi si Cara, agad niyang pinaharap ang asawa sa kanya. “Cara, anong nangyayari sayo?”

Humagulgol pa lalo ng iyak si  Cara, “Ayoko na! Ayoko na!”

“Cara, ano bang problema?” hindi na maintindihan ni Gian ang nagyayari sa kabiyak.

“Nakita ko ang isa sa kanila, nakita ko siya, Gian natatakot ako.” Niyakap ni Cara at doon umiyak at patuloy naman pinapatahan ni Gian ang asawa.

Makalipas ng isang oras ay nakatulog na rin si Cara, pero hindi pa rin siya iniwan ni Gian sa tabi niya. Kinuha ni Gian ang cellphone niya at tinawagan si Alice.

“Alice.. parang bumabalik ang trauma ni Cara, hindi ko siya maintindihan, parang nakita niya ang isa sa mga gumahasa sa kanya noon.”

“Okey, dalhin mo siya sa akin dito bukas.” Payo n Alice sa kausap.

“Thank you, Alice.” At binaba na ni Alice ang phone niya.

Tinignan ni Gian ang asawa, awang-awa siya sa kalagayan nito at kung totoo ngang nakita na ni Cara ang isa sa mga gumahasa sa kanya, hindi niya palalampasin ang panahon, magtutuos sila ng lalaking yun.

SA KANYANG PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon