"Vexen, I understand your situation pero sana intindihin mo din naman ang sitwasyon namin."I sighed. Siniguro kong maririnig nya ang buntong hininga kong iyon na hindi naman mahirap gawin dahil magkatawagan kami sa cellphone.
Umalis ako sa harap ng laptop ko at pumuntang kusina. Inipit ko muna ang cellphone sa tenga at balikat ko para makausap ko sya habang sinusubukan kong magtimpla ng kape.
"Sorry talaga, Lindsay. I'm having a writer's block." sabi ko sa kanya habang nilalagyan ng creamer ang kape ko pagkatapos ay binuhusan ko na iyon ng mainit na tubig at hinalo.
"I understand, Vexen. Naiintindihan ko na may ganyang mga phase talaga ang mga writers. But it's been one week since your last update! Nagdedemand na ang mga readers!"
Kinuha ko ang coffee mug ko at dinala sa kwarto ko. Muli akong umupo sa harap ng laptop ko at humigop ng kape. Hindi na ko nag abalang buksan ang ilaw kahit madilim na sa labas.
Yeah. Now this is life.
"Okay. I'm sorry, Lindsay. I'll try to send the update on Saturday." that will be three days from now.
"No! I want you to send the update tomorrow night!"
Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Napaalis pa ako mula sa pagkakasandal ko sa upuan at kamuntikan pang matapon ang kape ko.
"Shit!" I cursed.
"What? Minumura mo ba ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Lindsay sa kabilang linya. Agad akong napailing kahit hindi nya naman ako nakikita.
"No, no. Of course not. Pero tomorrow night talaga? Di ba pwedeng sa Saturday na lang?" pinalambing ko pa ang boses ko. Baka sakaling gumana ulit.
"No, Vexen. Tomorrow night. Or else hindi namin ipa-publish ang book na 'to."
Napabuntong hininga ako. Ang totoo hindi naman talaga kawalan sa akin kung hindi maging libro ang mga sinusulat ko. Writing is just my hobby. Kapag wala akong ginagawang misyon ay nagsusulat ako. Ayun nga lang. Hindi ko inakala na mapapansin ang mga gawa ko at may nag alok sa akin na publication company na i-published ang mga storya ko. I said yes, pangdagdag gastusin man lang. Pero kung alam ko lang na ganito silang mangulit sa update ay hindi na sana ako pumayag.
"Alright. I'll send the update tomorrow night." sabi ko bago muling bumuntong hininga.
"Promise?" sabi pa nya na parang isa akong bata.
"Yeah, yeah. I have to think for the scenes, now. Bye." hindi ko na hinintay na makapagsalita pa sya at agad na pinatay ang tawag.
Napatitig ako sa draft na nasa laptop ko. Nakaka five hundred words pa lang ako at kailangan ay nasa mga three thousand words ang mapasa ko. Halos wala pa ako sa kalahati. At hindi ko alam kung saan kukuha ng mga ideya dahil wala talagang pumapasok sa utak ko.
Merda!
Hindi pa nakikisama ang pasaway kong utak. Imbes na mag isip para sa mga susunod na eksena ng storya ko ay naglakbay ang isip ko. Two years ago. Magaling diba?!
Naalala ko ang dahilan kaya ako nandito ngayon. My father wanted me to marry the second son of the Mancini. But I declined. He already controlled my life and now he even wanted to control my marriage life? No way. Hindi ako papayag. Sawang sawa na akong makulong sa buhay na hindi ako masaya.
Idagdag pa na payatot ang mapapangasawa ko. Nakita ko na kasi sya noong minsan na magkaroon ng salo-salo at imbitado din ang pamilya nila. Gwapo pero ayun nga lang. Payat.
Noong una ay natakot akong mamuhay ng mag isa. Nasanay na din kasi ako na palaging nakasuporta sa akin si Papà. Palagi nyang binibigay ang luho ko kapalit ng mga bagay na pinapagawa nya sa akin. At hindi naman ako makatanggi. Kahit na manganib ang buhay ko dahil sa kagustuhan nya ay ginawa ko dahil takot pa ako noon. Wala pa akong pera at hindi ko pa kayang tumayong mag isa.
BINABASA MO ANG
Engagement Chaos
General FictionItalian secret agent Vexen Bellucci ran away from her fiancé, adamantly refusing to marry him. She did not expect that escaping to the Philippines will lead her to a mysterious man named Death Ferrante--only to find out that he's in fact her fiancé'...
Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte