Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 2

156K 4.7K 1.2K
                                    

Bumalik ulit ako sa kwarto ko at umupo na naman sa harap ng laptop. Pinakatitigan ko iyon. Ilang sandali akong nasa ganoong pwesto bago ko sinubukang magtipa ng mga salita. Luckily, words started flooding my mind.

"She found out that he is actually the devil that she's been hunting for all her life. The one who killed her family. The one who made her feel like a living corpse. And the one whom she loves the most."

Napatigil ako sa pagtitipa at humigop ng kape. Medyo malamig na at dapat na akong magtimpla ng panibago pero hindi dapat ako tumayo o maistorbo dahil mawawala ang momentum ko. Ngayon pa na pumapasok na ang mga salita sa utak ko.

"Why?" she asked him. Looking straight in his eyes that captured her heart. "Why did you lie to me? Why did you pretend that you're a hunter and helped me find the devil which was actually you?! Was it fun playing with me like that?!"

Tears started rolling down her cheeks. She wanted to stop it. She wanted to stop crying and show the devil that she is a strong woman. But her heart is betraying her. Especially that she's looking at the man whom she thought that she'll spend her remaining time with.

Huminga ako ng malalim at inimagine ko ang sarili ko na ako yung babae para mas ma-express ko ang saloobin nya. Napangiti ako nang mas marami pang salita ang pumasok sa isip ko.

This place is really good for a writer like me. Tahimik at mapayapa.

Pero ang katahimikan at kapayapaan ko na iyon ay tumagal lamang ng isang minuto dahil narinig ko ang ingay mula sa kabilang bahay. Parang galing yata sa isang electric guitar. Sinundan pa iyon ng isang tunog na nanggagaling sa isang drum set.

Naiinis na tumayo ako at sinilip ang katabing bahay. Baka kasi hallucination ko lang pala. Pero nang makita na maliwanag ang loob ng bahay ay napagtanto kong totoo ang naririnig ko. Ibig sabihin ay may nakatira na sa katabing bahay ko? May kapitbahay na ako?

Bumalik ako sa harap ng laptop ko at sinubukan ulit magtipa pero hindi ko magawa dahil sobrang ingay talaga! Madaling araw na at ngayon pa nila naisipang mag band practice! Obvious naman na isang banda sila dahil hindi lang isang gitara ang naririnig ko! Idagdag pa na may drummer pa sila!

Merda! Balak ko sanang kalahatiin ngayon ang story ko at matulog mamayang umaga para maituloy ko pagkagising ko at maipasa ko kaagad! Pero nasira ang plano dahil sa letseng ingay ng kapitbahay!

Kung sino man sila ay paniguradong mga wala silang utak! Hindi ba nila naisip na tulog na ang mga tao at nakakabulahaw sila?!

Nakakainis! Kung kailan nagsisimula na akong magsulat ay may nang istorbo pa!

Sa sobrang inis ko ay inubos ko ang kape at daladala ko ang mug palabas ng bahay. Balak kong ibato sa bungo nila ang mug ko na iyon. Baka gumana na ang utak nila at maisip na nakakaistorbo sila.

Padabog pa akong naglakad dahil sa inis na nararamdaman ko. Naku talaga! Ang bilis mawala ng kapayapaan na nadama ko kanina dahil sa mga hinayupak na 'to!

Nakarating ako sa harap ng pintuan nila. Mas lalong naging malakas ang tunog at sobrang ingay ngayong malapit na ako sa kanila. Sunod sunod kong pinindot ang doorbell. Natigil ang tunog pero hindi ako tumigil sa pagpindot ng doorbell nila. Hanggang walang nabubukas ng pinto ay hindi ako titigil dito!

Handa ko na sanang ibato ang coffee mug na hawak ko sa taong nagbukas ng pinto pero napatigil ako. Napaawang ang mga labi ko nang makita ang kulay ng mga mata nya.

His left eye is gray in color while his right eye is light green. At hindi lang 'yon. Nakabalandra pa sa harap ko ang katawan ng lalaki dahil tanging pantalon lang ang suot nya at wala syang damit pang itaas. Kitang kita ko ang mga muscles nya sa braso at ang six pack abs nya. Pinagpawisan ako nang mapadako ang tingin ko sa v-line nya.

Engagement ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon