Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 4

132K 4.5K 503
                                    

Madilim na nang magising ako. I looked around but I can't see anything. Patay pa kasi ang ilaw sa kwarto ko at nakasara pa ang mga blinds sa bintana. Bumangon ako para buksan ang ilaw at narinig ko kaagad na kumalam ang sikmura ko.

Ugh. I haven't eaten anything since yesterday. I'm so hungry.

I glanced at the wall clock and saw that it was already seven in the evening. Kaya naman pala nagugutom na ako. Kahapong dinnertime pa ako kumain. Isang araw ng walang laman ang tyan ko.

Naligo ako at nagbihis ng pambahay lang para sana makakakain na. Bumaba ako sa kitchen at binuksan ang ref pero napamura ako nang makitang walang laman iyon. Puro tubig at alak lang at walang kahit anong pwedeng makain.

Naghalungkat pa ako sa kusina. May kanin nga pero wala namang pwedeng maiulam!

Merda! I'm really hungry!

Kinuha ko ang car keys ko at nagdesisyon na mag order na lang sa pinakamalapit na drive-thru na madadaanan ko. I'm so hungry at wala na akong panahong mag inarte. Basta ang gusto ko lang ay ang magkaroon ng laman ang tyan ko at ang makakain ako.

I opened the front door and I was shocked to see my neighbor with a weird name and weird eyes standing in front of me. Nakaangat ang isang kamay nya at nasa aktong parang pipindutin and doorbell ng bahay ko. Nabigla din sya nang makita ako pero mabilis syang nakabawi at ibinaba ang kamay nya bago ngumiti sa akin.

"Good evening!" he greeted with his radiant smile. Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay nagliwanag yata ang paligid ko sa simpleng ngiti nyang iyon.

"Good evening." ganting bati ko sa kanya habang pilit pinapakalma ang sarili ko. I never thought that this guy has this kind of effect on me. "Do you need something?"

"Ah.. Nagluto kasi ako. Napasobra kaya naisip kong bigyan ka." itinaas nya ang tupperware na hawak nya at kahit hindi ko pa nakikita kung anong laman noon ay narinig ko na tumunog ang tyan ko.

Death chuckled upon hearing the grumbling of my stomach. Napangiwi ako at pasimpleng nag iwas ng tingin dahil sa kahihiyan na naramdaman ko. I can't believe that I am this hungry! Pati yung tyan ko ay nagrereklamo na at pinahiya pa ako! Merda!

"Mukhang sakto lang ang dating ko." sabi pa nyang natatawa. Inirapan ko sya. Humalukipkip ako at sumandal sa hamba ng pintuan.

"Hindi ako basta bastang tumatanggap ng kahit ano mula sa ibang tao. Tell me, why are you doing this? Hindi mo pwedeng idahilan na sumobra lang ang luto mo." mataray na sabi ko sa kanya pero gusto ko ng batukan ang sarili ko.

Here is a man in front of me offering me a free food and yet I had the audacity to act like this. Mamamatay yata ako sa gutom dahil sa kaartehan ko.

"Then treat this as my apology for what happened this morning." he said.

Naalala ko na naman tuloy ang dalawang beses na pang iistorbo nya sa akin ngayong araw. Ang una ay noong madaling araw na sobrang tahimik at tulog na ang lahat at ang pangalawa ay noong kakatulog ko pa lang. Wala sa sariling napairap ako.

"And besides," Death continued. "mukhang gustong gusto nang matikman ng tyan mo ang niluto ko."

And right after he said that, my stomach grumbled again. Narinig ko ulit ang pagtawa nya at gustong gusto ko nang lamunin ako ng lupa sa mga oras na iyon. Ang galing din ng timing ng tyan ko. Nakakainis! Nag iinarte pa ako, eh!

Nakita ko ang pagngisi sa akin ni Death nang kunin ko sa kanya ang tupperware na hawak nya. Inirapan ko sya. Iniwan kong bukas ang pinto at pumasok sa loob para isalin sa ibang lalagyan ang dala nya at nang maibalik ko ang tupperware nya.

Suddenly, I remember my Mom. Pinapabaunan nya ako dati sa school at galit na galit sya kapag nawawala ko ang tupperware na lunch box ko. I chuckled at the memories.

I miss my Mom.

Nakita kong menudo ang niluto nya at kaagad akong naglaway nang maamoy ko ang pagkain. Maging ang tyan ko ay sunod sunod na tumunog na parang nagwawala at gustong gusto na talagang malagyan ng laman.

"You have a nice house."

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ko ang boses ni Death sa likuran ko. Lumingon ako at napatitig sa kanya. Nililibot nya ng tingin ang buong sala ko at nang makuntento ay pumasok na din sya sa kusina kung nasaan ako. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa makalapit sya sa akin.

"What?" he asked when he saw me staring at him. I frowned and shooked my head.

Hindi ko man lang narinig ang pagpasok nya.

I was trained to have a good hearing. I can even hear as far as fifty meters. Pero hindi ako makapaniwalang hindi ko narinig ang mga yabag ni Death na pumasok ng bahay ko. Pumapalya na ba ako dahil hindi na ako ganoong kadalas makatanggap ng misyon o ganoon lang talaga maglakad ang lalaki?

Naputol ang pag iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. I glanced at Death and I caught him staring at me. Natitigan ko tuloy ang mga mata nya. They are really beautiful. Hinding hindi ako magsasawang titigan iyon.

Naputol ang pagtunog ng cellphone ko pero wala pang ilang segundo ay tumunog ulit iyon. It seems like the caller was persistent. Pinutol ko ang titigan namin ni Death at kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Nakita kong si Archer ang tumatawag kaya mabilis ko iyong sinagot.

"New assignment, V. Meet us at the usual place." sabi nya at napangisi ako.

"Roger that. I'll be there in ten." I said at mabilis na ibinaba ang tawag.

Nasalubong ko ang titig sa akin ni Death. Tinitigan ko din sya para sana basahin ang iniisip nya pero wala akong mabasang kahit ano sa mga mata nya. And there were only two reasons why I can't read him. One is because he's not really thinking anything at the moment or two, because he knows how to hide his emotions too well.

"Aalis ka?" tanong nya.

"Oo." sagot kong hindi pa rin inaalis ang titig ko sa kanya.

Bumaba ang tingin nya sa tupperware nyang tapos ko nang hugasan. Pinunasan ko muna iyon bago ko ibinalik sa kanya at tinignan ulit sya sa mga mata.

Merda! I can't get enough of those mismatched eyes!

"You're not going to eat first?" he asked. Pinutol ko na ang pagtitig ko sa kanya dahil wala talaga akong makuhang kahit ano sa mga mata nya. Umiling ako at kumuha na ng plato para kumain.

"I'll eat first. Gutom na talaga ako. Thank you for this, by the way." sabi ko at mukhang nakaramdam sya na pinapaalis ko sya dahil mabilis syang tumango.

"Okay. Eat well." he said and smiled at me. I smiled back at him.

Tumalikod sya at naglakad palabas ng bahay ko. I looked at his feet. Wala talagang tunog ang paglalakad nya kaya mas lalo akong napaisip. I have learned that people who walk silently are the dangerous ones. They can easily sneak behind you and kill you instantly. And it takes a lot of time to learn how to walk silently.

What's more. Death definitely knows how to hide his emotions too well. At ang dalawang dahilan na iyon ang nagbigay sa akin ng pagdududa. I shouldn't trust him. I shouldn't trust anyone. Lalo pa at nandito ako sa bansa kung saan marami ang gustong pumatay sa akin.

Ibinalik ko ang plato sa lalagyan at kinuha ang bowl na pinaglagyan ko ng menudo na binigay ni Death. Hindi na ako nagdalawang isip at mabilis na itinapon ko ang menudo sa basurahan at hinugasan ang bowl.

Yeah. That's right. I shouldn't trust anyone. And there is definitely something off about the guy named Death Ferrante.

Engagement ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon