Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Prologue

395K 6.3K 2.8K
                                    

Napamura ako nang makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril. Mabilis ang kilos ko na tumakbo ng walang ingay ang mga yabag para makapagtago. Hinahabol ko ang hininga ko nang makakita ng isang pintuan. Pumwesto muna ako sa gilid at inihanda ang baril bago ko dahan dahan na binuksan ang pintuan.

Kaagad kong itinutok ang baril sa harapan ko nang makapasok ako sa loob ng kwarto. Napahinga ako ng maluwag nang makita na walang ibang tao ang nandoon. Isinarado ko ang pintuan at agad na nagtago sa likod ng malalaking box na nandoon nang may marinig akong boses mula sa labas.

"Find her! Find that bitch! Dead or alive!"

Napahinga ako ng malalim. Mukhang nagalit ko yata ang panget nilang boss.

"Hey, V. Still alive?"

Napataas ang kilay ko at inayos ang earpiece bago sumagot. "Alive and kicking, Archer."

Narinig ko ang tawa nya at napairap na lang ako. Pasalamat sya at wala sya sa loob ng mansyon na 'to kung hindi ay sya ang gagawin kong shield sa mga kalaban.

"Ilan pa ang natitira?" I asked.

"Five goons plus the ugly lord so six."

I cursed. I only have three bullets left and a hunting knife. I shouldn't miss my shots. Para dalawa na lang ang problema ko at kakalabanin gamit ang kutsilyo.

"You know, Archer. Why don't you come down here and help me? Para may silbi ka naman." sabi ko habang inaayos ang pagkakatali ng panyo sa sugatan kong braso. The bleeding stopped and the pain is bearable so I know that I can still do it even without his help. Naiinis lang ako na wala syang ginagawa habang pinapanood ako sa scope ng sniper nya.

"I helped you already, V. I already killed five people for you."

"And I killed thirty so thanks a lot." sabi kong puno ng sarkasmo sa kanya. He chuckled.

"I saw you rolling your eyes." sabi nya kaya napatingin ako sa bintana ng kwartong iyon. I raised my middle finger and that earned a laugh from him.

"Tracer, where are they?" tanong ko sa isa ko pang partner para sa misyon na iyon dahil hindi matinong kausap si Archer.

"Three are on that floor and the other two are with the boss on the third floor."

I nodded kahit na hindi nya naman ako nakikita. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas sa kwartong pinagtataguan ko.

Magaan ang pagtakbong ginawa ko para hindi ako makalikha ng anumang tunog. Tinahak ko ang daan papuntang hagdan para sana unahin ang drug lord pero bago pa ako makarating ng hagdan ay nakita ko ang isang lalaki na pababa doon. Mukhang nagulat din sya nang makita ako at bubunot na sana ng baril pero mas mabilis ang kilos ko at naunahan ko sya. Binaril ko ang ulo nya para siguradong patay na agad ito.

Mukhang nakaramdam ang dalawang lalaki sa kumusyon na ginawa ko dahil nakita ko silang papalapit sa akin. Kaagad silang nagpaputok ng baril kaya mabilis akong nagtago sa likod ng hagdan. I waited till they run out of bullets bago ako lumabas at mabilis na nagpaputok ng magkasunod.

And boom. Just like that, three men were already dead. And I'm out of bullets kaya kinuha ko ang baril ng lalaking nasa hagdan. Napangiti ako. Five bullets. Cool.

Mabilis akong umakyat ng hagdan at pumunta sa office ng drug lord sa mansyon na ito. Siguradong dito nagtatago ang hinayupak na yon. At alam ko din na kapag binuksan ko ang pinto na ito ay papaulanan ako ng bala ng dalawang tauhan nya.

But oh well. Fuck it. Let's do this. Head-on!

Buong lakas kong sinipa ang pinto para bumukas iyon. At hindi nga ako nagkamali. Kaagad nila akong pinaulanan ng bala kaya nagtago muna ako sa likod ng pader na nandoon. For sure they'll run out of bullets very soon.

Engagement ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon