Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 5

148K 4.2K 397
                                    

Violet opened the door for me after I've rung the doorbell for so many times. Hindi na sya nagsalita nang mabilis akong pumasok. Siguro ay nakita nya na hindi maganda ang timpla ng mood ko ngayon. Hindi pa rin kasi ako nakakakain at umiinit ang ulo ko kapag walang laman ang tyan ko.

I saw Archer sitting comfortably on the sofa while watching tv. Nakapatong pa ang dalawang paa nya sa center table sa harapan nya. Napatingin ako sa tabi nya at nakitang may isang box ng pizza ang nandoon at isang slice pa lang ang nababawas. Umupo ako sa sofa at kumuha ng isang slice ng pizza.

"Hey!" saway sa akin ni Archer nang makita ang ginawa ko. Hindi ko sya pinansin at kinuha pa ang remote ng tv para maghanap ng ibang panonoorin. "V! I'm watching!" reklamo ni Archer na hinablot pa ang remote at inilayo ang box ng pizza mula sa akin.

"I'm hungry, Archer." I said and glared at him. Pero hindi nya ako pinansin at ibinalik pa sa dating palabas ang tv. "Archer!" sigaw ko na. Tinignan nya ako at mas sinamaan ko sya ng tingin. "I'm hungry!"

Pero mas pinili pa nya ang mang-asar kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Inosente ang mukha nya habang nakatingin sa akin at malaking kumagat sa slice ng pizza na hawak nya.

"Hi, Hungry! I'm Archer."

"What?" inis na tanong ko pero ibinalik nya ang tingin sa tv. Sa sobrang pagkabuwisit ko ay lumapit ako sa kanya at kinagat ng madiin ang parte ng braso nya na nakalabas sa sleeves ng polo shirt nya.

Wala talaga akong ideya kung bakit ganito ako kapag nagugutom. Mabilis akong mainis at umiinit talaga ang ulo ko. Kahit paghinga ng tao ay kinaiinisan ko kapag walang laman ang tyan ko. Violet and Tracer know this side of me. Kaya kapag alam nilang gutom ako ay nananahimik sila.

Unfortunately, Archer didn't know about this.

"Fuck, V! Let go of my arm!" narinig kong daing nya habang sinusubukang ilayo ang ulo ko mula sa braso nya. I know that he's not using all his strength so he wouldn't hurt me at medyo naawa naman ako. Tinigilan ko ang braso nya nang alam kong malalim nang bumaon ang mga ngipin ko doon.

Pinaulanan ako ng mura ni Archer pagkatapos pero hindi ko sya pinansin. I took the box of pizza from him and continued eating to satisfy my hunger. Si Violet ay natatawang umupo sa tabi ko at inilapag ang laptop sa center table.

"Fuck! It fucking hurts! May lahi ka bang zombie?" Archer cursed while glaring at me.

"Violet is always like that whenever she gets hungry." natatawang sabi ni Violet habang inaayos ang laptop.

I didn't pay them any of my attention. Kinuha ko pa ang remote kay Archer at muling ibinalik ang tv sa palabas na gusto ko while Archer was still murmuring something. Probably some curse for me.

Gutom na gutom kasi talaga ako! Isang araw na akong walang kinakain dahil umaga na ako nakatulog kanina at ang huling kain ko ay kagabi pa. And it was all because of my neighbor! Kakalipat pa lang nya pero grabe na ang perwisyo na ibinigay nya sa akin!

I remember the menudo that Death gave me. It looked tasty and delicious. My mouth watered by just remembering it and I figured now this pizza can't satisfy my hunger! Gusto ko ng menudo ni Death! Bakit ba kasi nag inarte pa ako at tinapon ko ang binigay nya? Ngayon ko lang naramdaman ang panghihinayang.

"Sigurado ka bang stepbrother mo lang si Vander? Nakikita ko na kasi ang pagkakapareho nyo." Archer said while still giving me a death glare. "Pareho kayong baliw."

Sa sobrang inis ko ay pinagsisipa ko sya hanggang sa mahulog sya mula sa sofa. Lumikha iyon ng malakas na tunog at pagkatapos ay ang pagdaing nya. I didn't laugh and just tried to calm myself down. Archer's jokes are funny but there are times that his jokes were out of line.

Engagement ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon