Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 3

135K 4.7K 273
                                    

Nagising ako dahil sa sunod sunod na pagtunog ng doorbell ng bahay ko. Naiinis na itinakip ko ang unan sa tenga ko at hindi iyon pinansin. Kulang na kulang kasi talaga ako sa tulog! Hindi ako tumigil hanggang hindi ko natatapos ang chapter na ipapasa ko kay Lindsay kaya sumikat na si haring araw bago ko natapos ang sinusulat ko. Kaagad ko iyong ipinasa sa kanya para dire-diretso na ang tulog ko.

I remember the reason why I am suffering with no sleep. It was all because of those jerks that had their band practice at three fucking a.m. I mean, sino ba ang may matinong pag iisip na tutugtog ng malakas ng ganoong oras? Balak ba nilang magpa-party sa mga multo?!

Nagtagal pa ng isang oras ang practice nila bago nila ibinalik ang kapayapaan at katahimikan ko. Mabuti na lang at gumana pa ang utak ko kahit na pinapatay ko na ang lalaking may magkaibang kulay ang mga mata sa isip ko habang nagsusulat ako.

"Merda!!" sigaw ko na ng hindi tumigil sa pagpapatunog ng doorbell ang tao sa labas. Tinignan ko kung anong oras na. I cursed when I saw that it was just nine in the morning. Isang oras lang akong nakatulog! Kaya pala masakit ang ulo ko!

Naiinis na bumangon ako dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko sa sunod sunod na tunog ng doorbell. Mukhang wala yatang balak tigilan ng kung sino man ang pagpapatunog noon hanggang hindi ako bumaba. I took my gun and put it in the back pocket of my shorts. I am planning to kill the bastard who dared to disturb my sleep.

"Merda! Merda! Merda!" nanggigigil na mura ko habang pababa ng hagdan. Ang ayoko sa lahat ay iniistorbo ang tulog ko!

Oh boy. Whoever they are, they are definitely asking me to kill them if they don't freaking stop ringing my doorbell!

I reached for my gun using my left hand in my back pocket. Gamit ang kanang kamay ay hinawakan ko ang doorknob ng pinto. My head was throbbing because of the noise. I was gritting my teeth to suppress my anger.

Merda! Ang sakit talaga ng ulo ko!

I counted one to three before I finally opened the door.

"Ano bang—" sisinghalan ko na sana kung sino ang hinayupak na nasa pinto. But when I saw who it was, I froze.

It was the jerk who has a different eye color.

"Hi." he greeted me with an awkward smile on his face.

I sighed. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa baril na nasa likuran ko at humalukipkip. Sumandal ako sa hamba ng pinto and raised an eyebrow at him.

"May plano ka bang sirain ang doorbell ko?" pagalit kong sabi sa kanya.

I tried to stay calm dahil mas sumasakit lang lalo ang ulo ko. Pero kapag naaalala ko ang mga sinabi at ginawa nya kanina ay sobrang hirap para sa akinang kumalma. Idagdag pa na inistorbo nya ang pagtulog ko!

Hanggang kailan nya ba planong istorbohin ang kapayapaan at katahimikan ng buhay ko?!

Sinubukan nyang ngumiti pero nauwi iyon sa pagngiwi.

"Wala naman." he said. Nakita kong pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Kagigising mo lang?" tanong nya pa at umirap na ako.

Alam kong hindi maayos ang itsura ko ngayon. Gulo ang buhok at nakasuot ng tshirt na malaki at naka shorts. Ni hindi na ako nakapag ayos kanina dahil sa sobrang antok ko kahit na sanay ako na naka-underwear lang kapag natutulog. At iyon ay dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"Actually, wala pa akong tulog. Thanks to you." I said sarcastically. "Anong kailangan mo? Nakakaistorbo ka kasi." sabi ko na ginaya ang sinabi nya sa akin kanina.

Merda! Bawat minutong lumilipas ay mas sumasakit yata ang ulo ko.

"Uhm." pinakita nya sa akin ang isang jar na punong puno ng coffee beans. Napakunot ang noo ko. "Nanghihingi ka kasi ng kape kanina so eto." iniabot nya sa akin iyon pero tinitigan ko lang ang hawak nya.

Engagement ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon